^^ako twice na naka-try. yung una sa bigdeal package tour papuntang genting. wts travel yung agency. sa experience ko medyo matagal sila mag-reply. as in 2 weeks ata bago nag-confirm ng booking namin. ok naman sa min yung tour. sulit for a short getaway. upgraded ba seats namin paguwi

yung second time sa groupon naman. eto na ang kalbaryo. far east travel agency. package tour. so ayun, excited kami, ang aga aga gumising para sa byahe tapos pagpunta namin sa ferry, biglang sabi e wala daw kaming ticket. tawagan daw yung travel agency. may couple din na nauna sa min na nag-cocomplain. tawag kami ng tawag sa far east pero walang sumasagot ng phone. sabi na lang nung sa ferry, kung gusto namin matuloy e kami na lang muna magbayad ng lahat tapos makipag-coordinate sa agency para sa refund. yung naunang couple tumuloy na lang. kami nagpaiwan. takot kasi kami what if pagdating dun e wala ding ginawang pakikipag-coordinate yung agency sa pi-pickup sa min sa tour, pati na din sa hotel.
tumuloy kami sa office nila directly para mag-complain. may isang girl dun tapos sabi sa min may system problem daw kesyo may nag-resign daw na staff kaya nagulo records nila. so ayun may pina-sign na form sa min for refund tapos huminig ng copies ng vouchers namin. tinanong ko anong mangyayari dun sa mga tumuloy sa byahe nila? kung sa ferry lang ba nagka-prob ng coordination? sabi nya, totally wala talagang nagawang arrangements sa mga nag-avail ng promo. balak na lang nila i-refund case by case. (grabe, sana sinabihan na lang nila kami ng mas maaga na may prob. super hassle talaga. nasayang lang mga leaves namin. mas nakakaawa yung mga tumuloy ng byahe)
ang sabi bibigyan kami ng refund after 3 weeks. that was may 2012. anong petsa na? puro excuses lang. actually meron na ngang group sa fb ng mga unhappy customers ng feta. dun lang ako nakakakuha ng updates sa refunds.
buti papuntang batam lang yung package namin. nabasa ko may iba bali, phuket pa yung mga nakuhang packages, until now wala pa kong nakitang nakakuha ng refund from far east. yung groupon mabuti na lang nag-refund sa min agad.
so ayun, before po kayo kumuha ng travel packages, magandang i-research nyo muna yung reviews dun sa agency para safe.
