sanggre ng lamanlupa... ako rin sin ayoko nakakaamoy ng ginigisa, kahit nga amoy ng sinaing ayoko
tamarind26... kapag may energy ako at hindi ako nasusuka, naglilinis ako ng kwarto namin. Nililigpit ko yung mga lumang school things ng son ko kasi may bago na naman. May maid naman kami kaso hindi siya makapaglinis ng kwarto namin kasi lagi nga ako tulog.
m_lim... ok lang naman, pero may OB na hindi agad nagbibigay kasi madami mommies ang nasusuka lalo kapag umiinom ng vitamins parang ako lang. Di ako sure kung ano effect sa baby na sinisipon ka nung 1st month mo, pero sabi nga nila kapag may sakit si mommy affected din si baby. Don't worry too much, nung preggy ako sa son ko madalas ako magkasipon pero ok naman siya ngayon, he's already 7 yo.
mae.mae... good yan sis, it means na malakas katawan mo, kapag preggy kasi humihina immune system natin kasi naagaw ni baby lahat
pinktarja... smart move na mag-resign na sa work lalo na kung matagal na ttc, mas masakit mawalan ng baby
khriseeee... ako lagi lang may feeling na sisipunin, yung tipong masakit ang lalamunan pero hindi naman natutuloy sa sipon. Hindi ko kaya kumain ng citrus fruits ngayon kasi super asim ng sikmura ko. Atat na atat na nga ako kumain ng pinya at mangga na may bagoong, hehe.
Napansin ko na kapag kumakain ako ng maraming ulam, lalo na kung beef, mas matagal ako magutom, may kinalaman kaya yun sa all-day-morning sickness?