Thanks sa advice nyo mga sis. Actually I did go to the OB at the first sign of spotting. She asked for an ultrasound to check kung may bleeding sa loob. that time, 6 weeks from LMP ako but in the ultrasound, I'm only 4 weeks. Tapos nung nakita nya sinabihan ako ng possible blighted ovum, kasi gestational sac lang ang nakita, walang yolk sac and fetal pole. Eh nagbabasa basa din ako, diba masyado pang maaga para nga may makita at 4 weeks? grabe naloka ko nun. Kasi di mawala sa isip ko na blighted ovum e. Binigyan nya ko ng duphaston good for 10 days, to be taken 3x a day. kaso nagkaron pa din ako ng 3 instances ng spotting. Siguro sa stress din. Tinawag ko sa kanya since 5 days pa lang since nung last na visit ko so too early pa for next visit kaya in-assess nya muna kung need ko na pumunta kasi need daw ako raspahin. eh sabi ko, huminto din naman, kinailangan ko lang magpalit ng liner. Sinabihan nya ko na inumin ko lang yung duphaston at magpahinga, unless na need ko na magnapkin para sa bleeding ko, wag na daw muna ko masyado magworry.
I'm scheduled to visit her again this saturday for another ultrasound to check viability daw, pero that would make it 6 weeks pa lang kung based sa ultrasound. So far wala na naman akong bleeding, and hopefully there will be no more, pero ayoko na bumalik sa kanya kasi halos mabaliw ako sa isipin na binigay nya dahil sa blighted ovum. punta ko sa ibang ob, yung maalaga. Sya kasi tingin ko hindi nya ippursue pregnancy ko makakita lang sya ng onting problema e. Pati ayoko pa sana magpaultrasound ulet dahil baka masyado pa din maaga. Gusto ko sana yung lahat ng kailangan makita makita na para di sila nagbibigay ng isipin at hindi nakakaloka mag-antay ng sunod na ultrasound. I read pinaka-ideal is around 8 weeks. What do you think?
Super scary talaga makunan, lalo't trying kayo. Hopefully maging ok tayong lahat ang mga baby natin all through out. God bless us all.