Kadarating lang from 4d/3N na vacay. 21 kaming lahat family with 6 kiddos.. super nag enjoy kaming lahat, kahit may senior na kasama namin. Stay kami sa Moana Hotel super lapit sa airport, may pool kaya after tour namin night swimming naman ang mga bata. 12 rooms lang sila at 7 rooms na occupy namin so parang bahay na namin ito kase yung ibang guest bihira lang namin makita at may discount nabigay sa amin kasi chinika namin may ari na babae. Tour kay Sis Tiara salamat sis kase super napasaya mo kami sa tour namin, super satified naman ako magagaling at madiskarte ang driver namin si Jerome at Tour guide na si Malou.
Day 1:
Lunch Bilao"t Palayok masarap food nila ang lalaki ng servings yung boodle fest nila good for 4-5 pax pero pwedeng kumain ang 8 pax, pati bulalo nila dami.
City tour- Plaza Cuartel,Baywalk, Crocodile farm, Mitra Ranch at Baker's hill at Tiange.. Na try kong hawakan croc, parang rubber lang siya..
Dinner - Badjao Seafront ang ganda ng ambiance nila, nandon na kami before sunset kaya kita pa namin ang paligid nito. comment lang yung crew nila parang itsura lang ng mga nasa kanto, parang nakapambahay lang at wala silang uniform, tagal servings ng food dami tuloy nag reklamo pati mga nakapila sinisigawan na sila, haba na kase pila sa labas.
Day 2;
Undergound - nakaka amaze ang ganda ng cave, mahaba ng byahe, pero ok naman kase magaling naman driver namin dami niyang kwento tungkol sa Palawan at galing niya mag trivia..
kakatuwa lang sis in law ko sumakay medyo malaking monkey sa bag niya. kaya nag sigawan kami, pero umalis din naman ito, kaya tawa kami ng tawa. medyo mabaho lang ilang vest ng nag paddle boat kami sa cave.
di ko nagustuhan food kinainan namin buffet sa wharf di masarap ang luto at may after taste pa pork bbq nila. Na try din namin Tamilok, for experience medyo nasira lang tyan ng 3 sa min di namain alam kung sa lunch or tamilok na kinain namin
Dinner - since naumay kami sa Filipino food kaya nag Shakey's na lang kami.
Bar Night - Tiki Bar ok naman nag enjoy kami sa live band nila, masaya ang crowd, full packed siya at na try namin ang croc sisig lasang pork.
Day 3 :
Honda Bay - Super nag enjoy kami dito Pamabato reef, Starfish island at Pandan. di namin nagustuhan ang Starfish sana skip na lang namin ito. super enjoy ang snorkeling at fish feeding, don lang na experience mag swimming sa ganon kalalim na dagat ang daming isda nakakatuwa. don kami sa medyo dulong cottage kaya di siya crowded , saya namin, pag dating nga namin wala na daw bangka dahil medyo late kami per madidiskarte tour guide and driver namin naririning namin sino sino kausap nila para di kami maghintay ng matagal ayun success naman sila. Sarap ng prepare nila food,pork bbq, kilawin tanigue, grilled fish, salted egg, shrimp, at may isa pang luto food. happy belly kami ang dami pa kase ng food .
Dinner :
Since day 1 nag papareserve kami sa Ka Lui, fully book na dami kasi namin 21. sabi driver namin may buffet daw sa skylight, pag punta namin mon n fri lang pala so sa lotus Garden na lang kami, super ganda ng place wala akong masabi sa ayos ng resto nila problem lang ang mahal at liit ng serving nila. di sulit kase di rin naman masarap.. Hahanap kasi kami ng di Japanese food sana. kaya don kami nag punta
Day 4:
Market para sa dried fish.. then airport na..
Next Palawan vacay El Nido or Coron naman.
