Ito para sakin, I met them at asap.
Sharon - talagang napaka sweet at caring nitong taong to, walang kaartehan.
KC - walang pinagkaiba sa nanay. super caring din. Sa asap ko rin sya unang nakita.
Sarah G. - soft spoken, magalang palaging may po at opo sa bawat sinasabi.
Anne C. - masasabi kong mabait talaga sya, meron kasi isang fan before na natapakan paa nya sa pagkukumahog makapapicture sa kanya, sobrang sikip puno kasi studio. Pero sa halip na maasar sya o ano, nihug pa nya yung babae saying "ate bakit mo inapakan ang paa ko?" na parang naglalambing pagkasabi. -ang cute nya lalo. hehe. sorry ng sorry naman yung ale tas Anne just simply smiled and said "it's okay, hindi naman masakit ate" sabay hug ulit sa girl. I wonder kung sa iba nangyari yun, kung ganun din kaya reaksyon.
Angel L. - same with anne, napakabait din, walang kaartehan, palangiti at palabati rin.
Piolo - Bukod sa asap, 3x na rin kaming nakaattend ng birthday celebration nito courtesy of his fans. Pamangkin kasi ni hubby bestfriend ng president ng fans club nya kaya lagi kaming nabibigyan ng passes. At isang beses nakasabay ko rin sya sa pagwiwithdraw sa ATM at BDO Morato, mga 5 kami nakapila nun bago sya dumating, pang 6 sya. pinapauna namin, ayaw. maghihintay daw sya. kakahiya daw nahuli naman syang dumating. ayun pinagkaguluhan tuloy ng mga dalaga.
Ito pa ang iba, Gary V., Juday, Vina and Vhong. madami nagsasabi mababait din sila.