Share ko lang din yung saken.
Ako din lumaki sa lola ko. Although nung bata naman kame kahit pano naman nagbibigay sila sa lola ko pero kulang pa din. As in nakakaawa lola ko naghahagilap pa ng pang-tuition ko makapagexam lang ako.
Then nung mejo lumaki na ko tumira na ko sa kanila sa manila. Dun ako nag-highschool. Grabe dun na nagsimula ang kalbaryo ko. Kung sa lola ko wala akong ginawa kundi maglaro, pagdating ko sa poder nila wala sila ginawa kundi sigawan ako, murahin, hampasin ng kung ano ano sa konting pagkakamali. Kaya nasabi ko sa sarili ko non pag-18 na ko magsasarili na ko ng bahay.
Ang nangyayari din na lahat ng alahas na bigay saken ng mga tita ko di ko naranasan magamit dahil sinansanla nila. Nakakaiyak talaga kase balak ko non pag-dalaga na ko tsaka ko gagamitin pero ni hinde man lang sumayad sa balat ko. Pero ok lang siguro kase mahirap buhay namen.
Then dumating yung 2 kong kapatid na bunso.. ako nag-alaga non pag
[textspeak!] pasok (summer vacay)kase mejo matanda na si lola. 11 years old ako non nag-aalaga ako ng 2 baby (magkasunod kase sila).
18 yrs old ako nag-start mag work (undergrad) and call center ako kahit pano nagbibigay ako ng pera sa kanila pag-sweldo. Tapos nilayo ko pa sila sa father ko kase abusive si father eh... as in kalbaryo din ang buhay namen sa kanya.
Tapos eto na... may baby na din ako.. ni hindi maalagaan. Parang hello 11 years old ako nag-aalaga ako ng mga anak mo, anak ko di mo maalagaan kahit sandali. Eh di ok lang kase di naman talaga nya obligasyon.
Eto na ulet.. kasal ko. Ang plano ko para makatipid eh sa kanya na lang ako papatahi. Mananahi kase family namen. (yung una ko option kase tita ko, yun kase magaling kaso ayaw ng tita ko kase daw baka magtampo si mother) Eh di ok daw... everytime na papupuntahin ko sya, bibigyan ko sya ng pera kahit pano. Ending walang ginawa ni isa sa mga gowns. Ni hinde inisip na may adjustment pa yun... super late ko na nakuha yung mga gowns ng entou... naiiyak na talaga ako. Super sama talaga ng loob ko na sya pa almost sumira sa kasal ko. (buti tita ko naggawa nung sa flower girls kaya nakuha gusto ko)
Ang pinaka-malupit jan, hinde sya umatend ng kasal ko. Hindi ko sya pinilit, mga tita ko pinipilit sya pero ayaw nya.. iniiba nya usapan. Ok lang naman saken dahil hinde ko naman kawalan na wala sya sa kasal ko. Naisip ko lang di ko kaya ang hinde umattend sa kasal ng anak ko someday. Pero sya nakaya nya... Hanggang ngayon mga tita ko ang mga supportive saken at tumutulong sa inuumpisahan ko business.
Ayoko manumbat pero kahit wala ako pera ginagawan ko ng paraan makapagpadala sa kanila pag kelangan nila pero eto yung ginanti saken. Lagi lang nila ako peneperahan.
