Marqui, ang tagal na ng issue na ito, hindi ka pa maka-move on.
Bakit nagagalit ka sa babae tapos hanggang ngayon nakadikit ka pa rin sa bf mo? Eh pareho lang silang may kasalanan, di ba?
Kung sinundan mo yung payo ko dati na iwanan na iyang bf mo, hindi mo na dadalhin iyang poot na iyan araw araw. Ikaw na rin ang may sabi na tuwing nakikita mo bf mo, lagi mong naaalala na nambabae siya.
Ngayon, maaaring nag-move on na yung babae, maaaring nagsisi na siya at wala nang interes sa bf mo. Tapos ngayon ka gaganti. Ikaw lang ang lalabas na masama diyan.