For me, okay naman talaga yun konti lang ang gap. At least 2yo dapat. That is... kung meron kang maaasahan talagang tutulong sayo (not just maids, kasi hindi naman lahat ng househelper, eh reliable, meron pa ngang iba na pasaway din, dagdag lang sa stress mo

) Mahirap kasi pag solo lang kayo, tapos both of you are working. Extra challenge ang mangyayari sayo. hehe
Kaming magkapatid parang 1.5yrs lang ang pagitan. Pero si mom ko, na-manage nya kami. Siguro kasi during the time na lumalaki pa lang kami, SAHM si mama ko. Kaya na-manage nya talaga. Tapos nun mga 7 na siguro ako, dun na kami nagkaron ng family biz, kaya we're already big enough para iwan sa mga yaya. Buti pa sya.

pero ngayon, feeling ko, mahihirapan ako. Yun 2 nga lang, naloloka na ako.

Kasi yun eldest ko, meron mild ADHD. So, talagang madalas, puro pagsasaway ang ginagawa ko. Tapos itong 2nd child, mag 2 yo na by next year, kaya mas magiging makulit na sya malamang.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung pano ko aayusin yun schedule ko pag dumating na si 3rd baby. Pano ba naman, everyday bitbit ko mga anakis ko sa office namin. Minsan nga wini wish ko na sana hindi na lang ako sa family biz nagtatrabaho, kasi naman sa totoo lang, kaka stress yun nagwowork ka na, meron ka pang 2 makulit na iniintindi. Although, kahit tanghali ako makapasok, gabi na ako makakauwi for sure. Hindi ko naman maiwan sa yaya kahit isa sa kanila kasi (no pun intended) hindi sya maganda pag iwanan ng bata. May pagka illiterate kasi si yaya, she can't read and write (nakakaawa nga), so natatakot ako maiwan yun bata sa kanya, kasi gagawin nya, isasama nya lang sa labas yun anak ko habang makikipag chikahan to death sya sa kapitbahay. Saka wala syang tyaga ipanood yun mga videos na gusto ng anak ko (my kid loves baby einstein and brainy baby). Kaya talagang no choice ako but to tow the kids with me. Minsan nga parang hindi na office ang itsura ng office ko dahil sa mga pakalat kalat na toys nila. Minsan nga naaawa na rin ako sa mga anak ko kasi syempre, pag gabi na ako uuwi, pati sila, gabi na rin uuwi. Minsan naiisip ko to be a SAHM na lang, kahit si hubby ayun ang gusto, kaya lang I have no choice but to help sa family biz since 2 lang kaming magkapatid and ako pa yun eldest.

kaya nga sa totoo lang naloka talaga ako nun nalaman ko na preggy na naman me!

Pero si hubby happy talaga. at sana daw boy na

Sa mga sis natin here na 3 na ang kids, tapos magkakalapit lang ang gap, pano nyo na-manage yun?
PS: don't know if OT na yun Q ko. Sorry if it is.