Natutuwa naman ako at nakita ko itong thread na ito.

Ako din maaga nagka-baby 20 yo ako sa 1st baby. although graduate na ko at nag work na ko, wala pa talaga sa goal ko magka-baby, gusto ko kasi mag-law. Tapos, di pa boto mga parents ko kay hubby. I gave birth to a baby girl with bilateral cleft lip/palate. Talagang natutok na ako sa kanya, even the whole family, kasi panganay na apo sya sa side namin.. Kaya rin siguro sya matagal nasundan kasi I was traumatized at lahat ng attention namin nasa kanya lang.
Last 2010, I accidentally got pregnant. ayoko pa sana talaga magbuntis ulit, kasi gusto ko talaga masundan si eldest mga 7yo na sya, tutal bata pa naman ako and para di na ako mahirapan mag-alaga. I gave birth to the 2nd nun March, 2011. Ang hirap ng naging pregnancy ko, natakot ako talaga na maulit un nangyari kay eldest. pero thank God naging okay naman si 2nd baby at girl ulit.

Next year mag 2yo na si bunso, at maging ate na rin sya. At wala na naman sa plano. Hehe.
Honestly, I'm having doubts kung gusto ko pa magka anak ulit. Kasi 2 lang din kaming magkapatid so, for me, okay na ang 2 kids lang din ako. Para maging comfortable yun life namin. kaya lang si hubby, since half-chinese, gusto nya talaga magka-boy pa kami at gusto nya rin na 3 talaga ang maging anak namin. Lately, I'm thinking kung makakaya ba namin ang 3 kids, financially, psychologically and emotionally? Sa 2 kids lang, suko na ako mag alaga. Pero since, binigay naman to ni Lord, siguro talagang makakayanan naman namin. Financially, may family biz naman kami, kaya lang sa mahal ng mga bilihin at tuition, parang mahirap na talaga magdagdag.
Emotionally, di pa ata ako ready, kasi parang nagi-guilty ako na di ko pa nga masyadong naalagaan si 2nd baby, meron na naman kukuha ng attention ko. I'm still breastfeeding her and my original plan was to do that as long as gusto nya pa sakin dumede. But, I guess i have to stop especially, pag malaki na ang tyan ko diba? natatakot ako baka magkaron ng middle child syndrome ang anak ko pag nasundan sya ng maaga. Pero reading some blogs helped me to feel positive about my pregnancy.
As of now, kami pa lang ni hubby ang nakakaalam about my pregnancy, ayoko muna sabihin sa amin kasi I know, even my parents would think na it's too early for another child.