Hi sis
icee_star. Ako, beterana ako diyan. Lol.

Let me give you a run down. Maaga ako nabuntis, 15 years old. Nauna lang ako magbirthday kesa manganak kaya naging mommy talaga ako 16 years old na. After nun 4 months pa lang yata si panganay, meron na naman. Last year nanganak ako ng August, now I'm currently pregnant, 4 months. Ang biro ko, by batch ang mga anak namin. Hehe.
Sa reaction ng family/friends, sa first two babies, siyempre usual "Ang bata niyo pa" etc. May mga tsismosa/tsismoso din. Sa last two, married na kami so wala naman na masyadong ek-ek. Di ko na rin pinapansin mga nega na tao. Dati kasi madali ako maapektuhan, lalo na sa term na "disgrasyada." Still, it's my life and it's my business as a mom so ayun, kalaunan natutunan ko na silang dedmahin. Nang-aaway lang ako kapag below the belt na ang atake.
Sa pag-aalaga, I managed with my first two kids na ako lang. Oo ako lang. Part ng disiplina ko sa sarili. Natuto ako na ilang oras lang ang tulog, babawi na lang kapag natulog din yung panganay. Sa third ko kumuha na ko ng yaya pero stay out naman siya, salitan kami ni hubby.
