Eto na birth story ko mga sis
April 4, nakapag mall pa kami, at nanonood ng sine sa SM North. Tas nagpa BPS pa nga kami sa New World. Haba habang lakaran din yun. Nakakatulong din yata yun, I think.
April 5 - 3.10 AM I woke up, sobrang basa ng higaan ko tapos continous yung leaking kahit pinipigilan ko, tuloy tuloy pa rin. It means waterbag nga yun pumutok na. Ginising ko si hubby, sya yung nag panic, nakakaloka kasi lahat ng tao sa bahay ginising nya. Ako naman parang yoko pa talaga kasi ang alam ko at sinabi ng OB ko, bakasyon sya this week, out of town raw. At bukod dun, hinihintay ko rin yung pain, wala kasi ako nararamdaman aside sa pressure sa may pelvic area. Kaso si hubby, talagang aligaga sa pagpunta ng hospital agad agad. So I took a bath muna, tas nag update pa nga ako dito at sa FB ko hehe.
6.12 AM, nasa LR na ako, interview muna saka doppler then followed by an IE na. Yung nag IE sakin una, 2cm pa lang daw ako, I heard her saying pa nga, "hmmm mukhang malayo pa to ahh". so kala ko papauwiin ako kasi she told me na call daw nila muna si OB kung anong pwedeng gawin sakin kasi 2cm pa lang daw at wala pa contractions. Tulog daw muna ako while waiting. Hindi naman ako makatulog kasi yung mga kasamahan ko, active labor lahat. we're 5 in 1 room, bed 5 ako. ang apat puro active. Grabe sakit sa tenga at sakit sa dibdib hehe. Kasi pala, first baby nila. ako lang 2nd pregnancy na.
8.30 AM, my OB came. nagulat pa ako, kasi ang akala ko talaga out of town sya. Nagkwentuhan muna konti, tapos ni-IE na nya ko. bilib lang din ako kay OB mag-IE, kasi hindi masakit. yun nga lang medyo matagal pag IE sa akin kaya may konting discomfort, tapos narinig ko sinasabi nya sa mga residente, "NO, manganak to ngayon, admit na to" tapos umalis sila, at dami nya instructions di ko nga lang marinig kung ano ano mga yun. Ang malinaw lang na narinig ko sa sinabi nya is "NO after lunch na"... tapos after 15 minutes, bumalik sya sa akin and sabi nya na babalik na lang daw sya pag nanganak na ako.
10.30 AM pinainom ako cefalixine ba yun para iwas daw infection. Tas continous naman pag check ng heartbeat ni baby.
12.30 PM wala pa ring contractions. ie ako ulit, by this time, kamuntikan ko ng masabunutan yung intern na nag-ie, masungit kasi. tas ang sakit sakit nya mag ie, hala walang pakialam, hindi marunong magdahan dahan. hate din sya ng ibang mommies na kasabayan ko kasi lagi nya tinatarayan.
2.30 PM they informed me na sabi daw ni OB paadmit na ko. yun pala yung narinig ko na after lunch na lang. After that, IV na ko. Tas oxytocin pampahilab at yung isa pa I forgot the name pampaninpis daw ng cervix.
3.00 PM unti unti na kong nakaramdam ng hilab pero keri pa. By this time 2 na lang kami sa LR.
4.00 PM ie ulit 5-6 cm na ko. yung isang kasama ko 5-6 cm din, na-stuck sya ng 4 hrs hanggang 5-6 cm lang talaga sya. kaya na-CS. Hindi bumaba yung baby. pag ganun daw, ibig sabihin masyado malaki yung bata.
5.00 PM 7 cm na daw ako. At this time ako na lang mag-isa sa LR. every 3 minutes na lang interval ng contractions pero keri pa rin, lakas ng loob ko hindi pa rin ako nag avail ng epid. tuwa pa ko kasi kala ko talaga kering keri lang. lol!
5.25 PM dumating ulit si OB. ie ako ulit. this time kinabahan ako kasi sabi nya, bakit mataas pa rin? tas panay sabi syang mukhang malaki ang baby mo ngayon compared sa eldest mo kaya siguro hindi sya bumababa. 'sa isip ko, wag kang ganyan dra, ayoko ma-CS!' Tagal din nya akong ina-ie, at dito ko nararamdaman ang sobrang sakit na kasi nasasabay sa contractions. 8cm na ako this time.
5.30 PM pinalipat na nya ko sa DR. sakit na talaga. pumasok ulit si Dra. kaya humingi na akong epid, pero she refused eh, she explained naman to me na kasi if she'll give me baka daw lalo akong matagalan, nandun na raw kasi malapit na, tiisin ko lang daw. after that umalis sya, yun pala nagpunta daw ng chapel.
5.44 PM si hubby dumating. Alam ko bawal husband sa loob pero OB let him in daw, pinayagan daw sya pero mga 10 minutes lang. Ang loko wala namang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak kasi naawa daw sa akin. at super nag-alala daw sya dahil 12 hrs nya akong di nakita. Naiyak na rin ako as in hagulgol talaga. Nagiyakan pa tuloy kami sa DR pati mga medical staff naawa samin.. pero si OB wala nasa chapel pa rin.
Mga ilang minutes siguro umalis na rin si hubby. This time tumigil na ako sa pagtingin sa relo. and nagpractice practice na ako mag push. And tinulungan na rin ako ng mga staff ng technique sa pag ire. Ayun mga ilang minutes crowning na. Grabe yun ang pinaka di ko malimot.. hehe. talagang umikot ang paningin ko e. lol! After that dumating si OB tas may ininject sakin, pampawala ng malay. nagkamalay ako, yung nirepair na episiotomy, at nakapatong na si baby sa chest ko. Lumabas daw sya 6:02 pm. In fairness nakatulong din yung pagpasok ni hubby sa DR kahit saglit lang, parang naencourage ako.
Ayun, for the 2nd time, NSD pa rin without epidural. Galing ng OB ko.
Dito pa rin kami hospital ngayon, bukas baka madischarge na kami.
Sa mga manganganak pa lang, good luck sa inyo. Pray hard lang. talagang hindi nya kayo pababayaan. Kung kaya ko, kaya nyo rin. God bless mommies.

Ito mga sis, sharing lang my baby's pics
https://www.facebook.com/media/set/?set=a.2908255354016.2115997.1489531264&type=1