When i was a kid, naalala ko lang during may lola's wake, kala ko since ang hilig hilig nyang mag majhong, yung mga naglalaro na mga friends nya at those na ini-invite nila ay ginagawa yun in tribute to her, hehe. yun pala e ganun talaga may naglalalro once may consent ng family. Di talaga daw pwede kase iwan ang patay na walang naka bantay, para di sila sleepy naglalaro sila ng majhong, which, nalaman ko na they share a certain amount as an abuloy sa family ng namatayan.
Dahil may naglalaro at may nag vi-visit di talaga mawala yung custom ng pinoy to serve coffee or tea and biscuits. Yung table na set up na andun mga cookies and sweets. Re sa no. of days ng wake, naalala ko nun, hinintay lang na dumating yung tito ko, kaya mga around 10days lang ata yung wake ni granny nun. Di na need na patagalin kase nga, the family was mourning na, stress out pa. Re naman sa meals being serve yung kumakain lang maliban sa family e yung tumutulong naman sa pag aasikaso.
I guess nasa tao na din ata eto sis, burol yan e, not fiesta na anytime e pwede kumain dun. Plus what for ba na aabot ng 1 month if wala naman ng hinihintay yung family na immediate member nila?. the more na matagal ang wake the more na magastos.