^ sis musta kana? nabasa at nakapag comment ako dun sa ibang thread mo, hope ok ka na :)but anyway tama si sis evilwoman,kaya siguro ayaw mag labas ng pera ng husband mo dahil kaka bili lang niya ng car, medyo may kabigatan nga sa bulsa yun,pero kung simpleng salu salo lang naman ang gusto mo pala mangyari sa birthday ni baby, (sabi mo nga kahit cake nga lang) sana naman pag bigyan ka na niya this time, lalo na sa baby niyo naman, kahit sa walmart ka lang bumili ng small cake at ingredients for 1/2 kilo of spag, tapos bilhan niyo na lang ng isang balloon si baby,solve na, di naman gagastos husband mo ng sobra siguro nasa $20 nga lang magagastos mo, or baka wala pa nga eh, siguro naman hindi naman yun kabigat sa bulsa niya at para sa baby niyo naman, sabihin mo kahit kayung 3 lang ang mag ce-celebrate ng baby niyo ok na, I understand your husband kung ayaw ka bigyan ng money to help your family in Pinas, but kung pati mismo sa sarili niyong anak ayaw mag labas,naku para sakin ibang usapan na iyan, nakuha nga niya mag set aside ng budget for the Sport car, eh ano ba naman yung kahit nag tira siya ng konti kahit $30 lang pang kain sa resto to celebrate you child 1st milestone diba.