^train mo lang sis, feeling ko nasasanay naman sila. ang sabi kasi ganun daw talaga mga wolves, naghahanap ng sariling space while eating, yung iba minsan nagdidig pa then itatago. yung tzu lumalayo din dati pero ngayon tutok na sakin during meal time, sa harap ko na inuubos tapos pag ayaw, ayaw na talaga kahit anong lapit ko ng food sa bibig nya, di nya bubuksan tapos aalis na, yun ang clue ko na busog na sya.
nung nagshift din kami sa raw, parang di na nila kilala ibang food, once offeran ko ng luto, aamuyin muna bago kainin, yung tzu sigurista todo amoy tapos minsan di nya talaga kakainin. pero as time passes by, siguro nacurious na rin at nagsawa sa raw kaya sabik na sabik sila pag ibang food binibigay ko.