Dr. Leah Martires is THE BOMB! she's THE BEST Derma I've ever consulted! the reason/s?
1. Magaling. (Makatimed Consultant, PDS, USTmed-Magna Cum Laude)
-Pagpasok mo sa clinic tingin ka sa wall, nandun ang diploma at iba pang certificates na magpapatunay n magaling siya.
2. Maganda ang Quality ng Gamot. (Glycolic Soap, Acne Plus Solution and Sunblock gel gamit ko)
-Potent yung mga gamot na binigay sa akin, Effective. Kita agad ang resulta, to think, yang tatlo lang nilalagay ko s mukha ko. Very simple ang regimen. Ive been to other dermas na kung ano ano pinapapahid sa mukha ko, iba sa umaga,iba sa gabi pero wala namang epekto.
3. Mura. (Less than a thousand lang nagagastos ko per visit.)
-On my first visit, she did Glycolic Cleaning+TCA+Meds. I only paid roughly 800-900php. Sa ibang skincare clinics i usually pay almost 2k for the cleaning alone at hindi pa DOCTOR ang gumagawa kundi facialist lang na hindi nag aral ng Medicine ng 4 years at hindi nag residency ng DERMATOLOGY. Ironic diba? but i'm not complaining.

I've been suffering from acne (and dangerously low self-esteem) for about 5 years already when i met Dr. Martires (Thanks to GT, dito ko lang siya nadiscover) and in just under a month, the condition of my skin has greatly improved! I wake up each day with a renewed self-esteem and a better appreciation of what lies ahead. Hindi ko na pinoproblema ang skin ko simply because may nag aalaga na; and that is Doc Leah. My only regret is sana nakilala siya ng mas maaga para hindi na nasayang yung mga araw na nagkukulong lang ako sa bahay, tinu-turndown ko ang mga gimik at inaavoid maggagagala dahil sa acne ko. I Highly recommend her and can vouch for her excellence.

i'm sure yung ibang nagbabasa nito iniisip na ginagawa ko lang ito for promotion; I understand, ganyan din ako dati e, nagbabasa lang din ako at nagpapaka nega. Eto nalang isipin nyo, 2008 lang nag start ng clinic s Transcom si Doc Leah (accdg to Michelle her secretary), 2012 palang ngayon yet sobrang dami niya nang patients. Wala naman siyang ads, fliers, walang pwesto sa mall pero dinadagsa siya. WORD-OF-MOUTH lang kumbaga. The reason why I'm posting this is to SHARE sa iba yung magandang epekto sakin nung pagconsult kay Dr. Martires.
Ikaw na acne suferrer na nagbabasa nitong post ko ngayon; try mo magpaconsult sa kanya. Fat chance; hinding hindi ka magsisisi.
Kudos Doc Leah Martires!