hi mga sis, share ko lang experience ko with childlounge. i also booked them for our event thru email lang. mabilis naman sila magrespond. same as others, wala din kami contract so thru email ko na lang din sila pinagconfirm,di daw talaga sila nagsesend ng contract. they also did not asked me to pay the deposit. after the party na lang daw pay in full, kaya nakakaba kase la ako pinanghahawakan. nag trust na lang ako sa kanila at sa mga moms dito at sa SP na nagpatotoo naman na sumisipot sila. two weeks before the party nag email uli ako, ok naman, booked pa din daw ako. a few days after the party tinext ko naman sila, ayun ok pa din. the day of the party maaga naman sila at sa tingin ko masipag naman sa pagkuha ng pics. nung matapos na party, nagbayad na syempre ako dun nila ko ininform na 2 months pa makukuha ang mga cd and two days after the party daw yung teaser, which up to now is wala pa. so um-ok ako sa 2 months pero sabi ko bakit nga ang tagal. madami daw kase sila clients. and dahil nga high ako sa party(successful kase),umoo na lang ako and inintindi ko na lang sila. ng malaman ni hubby, ayun nagalit bakit daw ganun katagal, kahit raw pics daw muna. so tinext at email ko si jesseron, once lang ata nagreply sa email sa text di nagrereply. sa inis ni hubby, he called him up and pina rush yung pics, kahit nga RAW. then yesterday i got a call from jesseron, isinend na daw nila thru LBC yung cd, edited na daw yun pero pics pa lang. yung video after 2 months pa nga daw. and true to his word naman, we got the cd today. maganda naman kinalabasan. captured mga reactions ng guests, saka maganda anak ko sa mga pics (sabagay pretty naman talaga si daughter, hehe) pero me isang portion ng program na di ko nakita sa pics kaya i texted him and wala pa reply sabagay its late na rin kase (kakatapos ko lang i-view yung pics) so baka tomorrow pa mag reply.
so yung iba natin sisses dito na nag rereklamo, totoo yun, hindi sila naninira. matagal talaga output, good thing lang yung sa amin ay ni-rush (w/o sacrificing the quality i think coz naimpress pa din naman ako). siguro dapat magdagdag sila ng tao, di nila kakayanin kung sila sila lang, masisira lang sila. im sad nga din na madami nag back out sa kanila. sayang naman ang talent nila.
sa mga kukuha sa kanila (sana meron pa), iinsist nyo ang contract (sabagay ako kinulit ko din sila dyan), dapat nakalagay lahat ng details hanggang delivery. yun din kase mali ko,di ko na inalam when i booked them, the delivery dates. so goodluck na lang mga sis. sorry napahaba...