Feeling ko dahil marami na nagrerefer sa kanya kaya ganun siya magrate. P1,500 singil niya sa kin sa day tour, hindi na ko nakipagtawaran kasi yun din nabasa ko na rate niya sa iba. Pero nung nagpost ako sa blog ko at dun sa isang forum, may nagcomment dun na ang mahal ng ratena nakuha ko, P1k-P1,200 lang daw ang standard rate and dahil konti lang pinuntahan ko pwede ko pa daw tawaran ng P800. Kung di ko nagrent ng trike, P250 lang ang trip papunta ng raymen.
Taga Jordan lang si mai, so talagang malapit siya sa port, so hindi siya lugi kung susunduin or ihahatid kami pabalik sa port. Sinundo lang niya kami at hinatid sa raymen, then daan sa guisi lighthouse, trappist, bilihan ng mango and sa pitstop then port. So guisi lang talaga ang sinadya namin.
Nung naflat yung gulong niya, tinanung ako ni hubby kung magkano singil sa kin ni mai, sabi ko P1500. nagulat siya kasi ang mahal daw, magkano lang daw fuel ng motor at buti kung kitain niya yan sa isang araw kung walang tour. Mabait naman siya pero kung mahal ang singil niya wala ng magrerefer sa kanya. For the first time, hindi ako nagrecommend ng tour guide sa blog ko kasi hindi ko satisfied. Buti na lang naenjoy ko trip ko kahit papano kaya charge to experience na lang yung nangyari. Wala din naman kasi may alam sa tin kung ano ang standard rate. Ok siguro na P1500 kung multicab ang sasakyan niya like nung binayad ko sa camiguin, parehong island din yun so hindi nagkakalayo ng rate ng fuel. After trip ko na lang din naisip yung mga yan nung may mga nabasa na ko na comment na mahal ang rate na nakuha ko.