i also met a foreign guy years back through chat, and we became really close as in for 3 years everyday naguusap kami. I can say that he was also very serious with his work at disiplinado, minsan kahit nasa bahay nagwowork pa rin at kapag signing off na, baboo na talaga dahil may work kinabukasan. Hindi ko alam kung talaga bang hindi sila malambing because this guy can be really sweet with me naman, minsan kung makapagsalita parang kami talaga haha! pero dumating yung time na feeling ko hindi sya sincere kasi hindi consistent yung words and actions nya. Noon consistent pa, pero habang tumatagal hindi ko na nakikita sa actions nya yung sinasabi nya. After being extremely sweet for a day, the last thing he would say before logging off is that he would talk to me later pero there would be times na nawawala sya at di magpaparamdam ng ilang araw, tapos pag hindi kami nagkausap ng ilang days, babalik sya at sasabihin na miss na miss nya daw ako (i miss you my arse!

)
Very successful ako dun sa magpamiss part na sinabi si sis janix, before friends lang daw kami pero after months of not talking to him, he kept on messaging me, then the last time we talked, I kept on telling him that we should move on and stop talking. But he said he can't do that, because nobody can replace me daw

Before, he kept on pushing me to other guys at sinabi ko sa kanya na yun naman ang gusto nya kaya magmove on na tayo. Pero nagdrama pa na kaya nya dun sinabi is because I'm rich and I can get any guy at kaya ko daw sinasabi na magmove na kami is because I have already moved on and now I'm liking a new guy. He even told me that he doesn't want me liking any guy at lagot daw sa kanya yung lalakeng gusto ko. Ano yun, bakit ngayon iba na sinasabi nya haha! Pero kahit ano pang sabihin nya, masyado na akong nasaktan sa mga nangyare dati at hindi ko na ata kayang maniwala pa ulit sa kanya. So lahat ng sweet words nya, binoblock ko, binabaligtad ko at sinasabi kong di na ako naniniwala. Nagagalit sya pag ginagawa ko yun at hindi daw totoo yung mga sinasabi ko but there's no more point in saying that, nadurog na ang puso ko at mahirap na akong paniwalain ulit.
So ano ang lesson? For me, consistency is the key word para malaman kung importante ka talaga sa isang guy. No matter how sweet the words are, kahit kilig na kilig at nagmemelt ka pa sinasabi nya, pero kung hindi nya kayang patunayan through actions, wag kayong maniwala, hangin lang yun na dumaan

I agree with pikapika, parati nyong titignan yung consistency sa words and actions nila, mapa-Pinoy, American, European or Alien man sya

kailangan nandyan ang effort at napapatunayan, at di puro salita lang.
Men are very playful and hunters in nature, they like to chase and play with girls, and I believe na gagawin nila ang lahat makuha ka lang nila. But once makuha ka na, nawawala na yung thrill because they know that you are already wrapped around his finger, at pwede ka na nyang paikut-ikutin. So ingat, wag ibigay ang lahat, and trust your instincts, pag may nararamdaman ng kakaiba, recognize it, don't make excuses for him at wag puro puso ang pairalin. Lalo na kung LDR, mas risky yan, kung yung magkakasama nga naglolokohan, what more kung malayo kayo sa isat isa. Mahirap lumayo kasi easy access ang chatting, pero bago bigyan ng importance ang iba, make sure na hindi naisasantabi ang sarili. Life is too short, so enjoy life, lalaki lang sila at di sila si God na dapat ibigay ng buong buo ang sarili