In terms of connection, PLDT ang pinaka-OK for me kaso nakakainis ang customer service nila. Nagulat nga ako dahil ang sabi nila ngayon in 48hrs makakabitan ka na, dati kasi 24hrs yun. Pero kahit pa, isang malaking kalokohan yan, ang tagal bago makabitan. Bayad na kami nun ng initial cash out, pero ako pa nangulit sa office nila para pumunta na yung magkakabit sa bahay. Pag may technical probs naman, more than 20x ata kaming tumatawag sa kanila bago talaga umaksyon. Minsan inabot ng ilang months bago pumunta technician nila sa bahay, my goodness.