Get weekly updates via email!
tip of the day SAT 25 OCT 14
Want to get an edge at work? Attend seminars, immersions, and training sessions provided by your office to hone your skills.
  • Good House Keeping
    Judy Ann Santos-Agoncillo returns to our cover this September issue and gets candid about money, marriage, and motherhood.
    Good Housekeeping
  • Women's Health
    Drop two sizes fast—with simple exercises you can do at home! This month's ultimate weight-loss special shows you how. Plus, real women share how you, too, can shed and keep off excess weight for good.
    Women's Health
GIRLTALK

Author Topic: giving expensive gifts to pamangkins until when is it appropriate  (Read 3383 times)

miksha

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1192
hubby has 5 pamangkins (i have none). 2 of them may pagka "special" meaning he helps them out financially dahil ang kapatid niya na tatay nung 2 is nagaaral pa at si hubby din ang nagpapaaral sa kanya). nagpapabili sila nang laptop bilang regalo saka cellphone. Nagulat ako kase ang mahal naman noon. A little bit of history: mabait and generous ang asawa ko ang i naintindihan ko kung bakit gusto niyang tumulong. kapatid niya yon at mga anak yon nang kapatid niya. Tumutulong din siya sa pagpapaaral nung 2 pamangkin niya (elementary sila pareho). Nung bata pa si hubby hirap din sila at nakakaraos sila dahil din sa tulong ng mga tito at tita nila.
Actually willing si hubby na i-grant ang wish nila. Ako sige lang bahala siya pero nagdadalawang isip ako. It actually stems from the fact kase na hindi lang siya expensive gift kundi pakiramdam ko kase kasama na kami sa budget nung kapatid niya para sa buhay nila at mga anak niya. Like kapag may kailangan ang mga anak niya na hindi niya kayang tustusan (damit, tuition, pagkain, etc....) sa amin agad ang turo. Para bang kampante siya doon at pakiramdam ko ganoon na din ang nangyayari sa mga anak niya. Na kapag may gusto sila (damit, sapatos, laruan, etc...) alam nilang may mahihingan sila. Nagiging selfish  ba ako? Sabi kase ni hubby matuwa daw ako na at least kaya kong magbigay kaysa ako ang humihingi. Thankful naman ako doon na kahit may 2 kaming anak nakakatulong pa din kami sa iba. Ang iniisip ko naman kase ay alam mo yon na yung ganoong mentality na nasanay sila na mayrong sasalba sa kanila. Is that bad? Am i being selfish paranoid or what? kase ako bilang ina kapag sabihin nating naging taghirap kami aalalahanin ko kinabukasan nang anak ko, pakiramdam ko kase sila hindi dahil naandiyan asawa ko. Sabi ni hubby hindi naman daw ganoon ang pakiramdam niya sa kanila.
« Last Edit: February 21, 2012, 06:42:10 PM by miksha »

rianne_mallows

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1366
Re: giving expensive gifts to pamangkins until when is it appropriate
« Reply #1 on: February 22, 2012, 09:01:38 AM »
untill when is it ok?
IMO, hanggat hindi nakakaapekto sa luxury ng sariling pamilya ok lang...

sa totoo lang, ang nakikita ko kasing mas malaking problema, hindi naman sa tao na nanghihingi ng regalo... kundi yung nagbibigay mismo, madalas, hindi na kayang magpigil sa pagbibigay
hindi naman ako masamang tao
sadyang kapag nasasabi ako ng totoo
tumatama at tumatagos sa pagkatao mo

ldrwifey

  • a crazy wife and a
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 346
Re: giving expensive gifts to pamangkins until when is it appropriate
« Reply #2 on: February 22, 2012, 09:57:03 AM »
toys, clothes and other stuff ok lang siguro, but tuition? ANO DAW??? kung hindi kayang pag aralin ng magulang sa mamahaling school di magpublic!!! ngayon if college na and nanghihingi ng tulong for education that's another story (pero dapat sa reasonably priced school din, public if pwede)

laptop and cellphones for me are a big NO NO, aba abuso n yan para sakin.

pinapalaki ng brother in law mo yung mga anak niya ng nakaasa sa asawa mo. for me lang ha kung ano lang ang kaya ng magulang dapat yun lang ang buhay ng mga anak nila, now if they want better life for their kids aba di dapat magsumikap sila.

mecai

  • Probationary
  • Posts: 5
Re: giving expensive gifts to pamangkins until when is it appropriate
« Reply #3 on: February 22, 2012, 11:38:45 AM »
I agree with ldrwifey. Dapat kung [textspeak!] lang yung kaya ng magulang dapat yun lang ang buhay ng anak nila.

Nuon kasi wala pa kong asawa, tumutulong din ako sa mga pamangkin ko at sa sister ko. so nais-spoiled sila sakin. nasanay sila binibigay ko lahat, lalo na i'm working abroad.
then nung nag-asawa na ko saka nag-kaanak medyo nahihirapan ako i-adjust. nahihiya ako kay hubby kapag nanghihingi sila. So medyo natatanggihan ko na sila.

now I make sure na yung necessary needs lang ang tinutulong  ko, yung mga luho like cellphone or laptop di ko na kayang ibigay. minsan yung mga pamangkin ko asking for pambili ng books, dun nagbibigay ako. sinasamahan ko sila bumili ng books para makapagbonding din kami. close kasi ako sa mga pamangkin ko, late na kasi ako nagasawa. So mga maliliit na bagay ok lang siguro.

Ayoko rin abusuhin si hubby, ayoko dumating time na pagawayan namin yung pera.


mom_G

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 248
Re: giving expensive gifts to pamangkins until when is it appropriate
« Reply #4 on: February 22, 2012, 11:51:35 AM »
i agree with sis mecai & ldrwifey... yung mga necessities, ok lang tumulong.  pero yung mga luho, big no-no for me.  dapat din kasing matutunan ng mga pamangkin natin to live within their means.  pag di kayang ibigay ng parents nila yung mga luho na gusto nila, dapat matuto sila mag-adjust.   

rianne_mallows

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1366
Re: giving expensive gifts to pamangkins until when is it appropriate
« Reply #5 on: February 22, 2012, 11:54:01 AM »
i agree with ldrwifey and mecai..  hindi dapat MAGSUSTENTO... pero sa REGALO/GIFTS,  kahit celphone pa yan, laptop, at kahit ano pang mamahaling bagay.. kung afford naman why not diba? as long as hindi makakaapekto sa LUXURY ng sariling pamilya...

LUXURY ha... meaning, may funds na for everything including luho but still may extra pa din.. ok lang magshare ng blessings ;)

regarding schools kung sakaling tutulong mag-paaral, kung ano lang din ang kaya ng TUMUTULONG.. at dapat KUSA..

my MIL, pinag-aral niya yung pinsan ni hubby/pamangkin ni MIL same school kung saan kami nag-aral ni hubby... kusa iyon at dahil kaya niya magpaaral ng private...

my mom also helped put mycousins to school, eh madami sila, sa public sila kasi yun ang kaya ng nanay ko..  kasi kami naman mga anak nakaprivate.. alangan naman kami pa magpublic diba?

dapat alam mo din yung capacity mo... kung tipong nasasacrifice na yung para sa sarili mong pamilya, at funds mo for yourself..enough na.. tigil na
hindi naman ako masamang tao
sadyang kapag nasasabi ako ng totoo
tumatama at tumatagos sa pagkatao mo

tamarind26

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1343
    • Virtual Thoughts
Re: giving expensive gifts to pamangkins until when is it appropriate
« Reply #6 on: February 22, 2012, 12:36:54 PM »
Agree with the astute sissies here. If  it doesn't strain your finances and dami pa namang extra savings, I won't be bothered. Baka ako pa ang magpresenta mamili.  ;D

PERO, if ako and my family na ang tinitipid and sa iba maluho, aba ibang usapan na yan.  Lagot silang lahat! :o

M * A * Y * A * N * G * K * Y

miksha

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1192
Re: giving expensive gifts to pamangkins until when is it appropriate
« Reply #7 on: February 22, 2012, 01:31:31 PM »
si hubby kase ang tingin niya sa mga pamangkin niya parang mga anak na niya in a way. gusto niya ma-up ang standard of living nila kahit papaano kaya siya tumutulong. para sa kanya the next generation should always have a better standard of living dapat nagiimprove kaya naiiinis din siya sa kapatid niya dahil ganyan nangyari sa buhay nila pero hind naman niya maialis na hindi tumulong dahil nga kapatid at pamangkin niya iyon. Ayon nga lang ang aking pakiramdam na nasanay sila na may naasahan sila. actually kaya lumabas iyong laptop na wish na iyan kase sabi nila malaki daw nagagagastos nila sa kakarenta nang computer sa labas para sa studies nila like typing lessons and projects and research. With regards sa lifestyle kase kami ni hubby hindi kami maluho so pati mga anak namin hindi sila nasanay na maluho sila. comfortable kami namumuhay pero hindi sila maluho sa mga bagay at kagamitan.
OT: necessity na ba talaga ang computer at internet ngayon sa studies and projects sa elementary? Ang cellphone alam ko hindi yan necessity
« Last Edit: February 22, 2012, 01:52:08 PM by miksha »

rianne_mallows

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1366
Re: giving expensive gifts to pamangkins until when is it appropriate
« Reply #8 on: February 22, 2012, 06:08:31 PM »
^yup... pc/laptop is a necessity... wala na kasi tumatanggap ng handwritten ngayon... kaya yes, makakatipid talaga kung meron kang sarili...

pero cellphone? asus! college na nga ako nung pinayagan ako magkacellphone ::)
hindi naman ako masamang tao
sadyang kapag nasasabi ako ng totoo
tumatama at tumatagos sa pagkatao mo

ldrwifey

  • a crazy wife and a
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 346
Re: giving expensive gifts to pamangkins until when is it appropriate
« Reply #9 on: February 23, 2012, 07:21:13 AM »
makakatipid talaga kung merong sariling computer and printer... that is IF kayang bilhin ng magulang! now if hindi then the kids should learn how to deal with it. like i said before dapat ang pamumuhay ng bata ay nakabase sa kung anong kayang ibigay ng mga magulang niya.

nung bata p kami laging kinukwento ng mga tita at tita ko na since hindi sila kayang pag-aralin ng parents nila kailangan nilang "tumulong" sa mga tiyahin nila in exchange na pag-aralin sila sa college. kahit nanay ko kailangan tumulong sa tindahan ng tiyahin ko para mabigyan siya ng allowance nung college. napapaisip ako nun bakit kailangan may kapalit diba family naman dapat nagtutulungan ng walang kapalit... but now i understand, kailangan paghirapan ang isang bagay para magkaron ng value. tingnan niyo mga kabataan ngayon na pinapag aral ng mga kamag anak, ang trabaho n lang mag aral ng mabuti pero anong ginagawa nagbabarkada, nagddrugs nagbubulakbol!!! easy kasi ang buhay and may thinking n kapag may aberyang nangyari may sasalo naman sa kanila.

miksha

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1192
Re: giving expensive gifts to pamangkins until when is it appropriate
« Reply #10 on: February 23, 2012, 01:59:33 PM »
kung kayo ang nasa posisyon ko anong suggestion/sasabihin nyo kay hubby dahil si hubby nga ay willing at para sa kanya lahat nitong pakiramdam ko ay hindi naman totoo. ayaw ko naman kase na pagawayan namin ito so ano kayang magandang sabihin sa kanya kase decided na siya so let's say kahit ayaw nang kalooban ko payag ako pero paano ko maipararating sa kanya at maunawaan niya at maipahatid din niya sa kapatid niya at pamangkin niya na kahit may funds kami para tulungan/tustusan sila ay hindi dapat ganito

ldrwifey

  • a crazy wife and a
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 346
Re: giving expensive gifts to pamangkins until when is it appropriate
« Reply #11 on: February 23, 2012, 02:29:45 PM »
you're the one who knows your husband best. alam mo ang kiliti niya, ang likaw ng bituka niya kaya its really up to you kung pano m siya kakausapin. basta wag lang gamitan ng judgemental tone. maybe you cant do anything about the laptop right now kasi ikaw n mismo nagsabi na decided n siya. pero talk to him about future purchases para sa mga pamangkin niya. and be ready just in case mapagkamalan kang kontrabida, but since bothered k talaga sa issue n yan you need to talk to him about it.

and kung ako ang nasa situation mo, kung ako ha.... hindi matutuloy ang pagbili ng laptop n yan. kesehodang pag awayan p namin yan, walang mabibilhan ng laptop. now maybe if magsshare lang kami s pagbili ng computer/laptop then pwedeng pag isipan, or maybe sa pasko, regalo n lang sa mga bata, pero dapat wala ng ibang regalo. and dapat yung reasonably priced lang n computer. again ako lang naman yan.  :D

yndy

  • vanidosang prinsesa at
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 702
Re: giving expensive gifts to pamangkins until when is it appropriate
« Reply #12 on: February 23, 2012, 04:10:20 PM »
Sa akin lang sis.. Sige bilhan kung kailangan pero as in PERO hindi laptop. Kung talagang kailangan meron naman PC. Punta kayo sa SOS or sa Openpinoy. Dun madami less than 10k set na yun. Pero not a laptop. Wag mo hayaan si hubby na sanayin sila ng ganyan.

Sa'yo na din nanggaling sis kayo nga simple lang mamuhay. So hindi dapat sila ang nagpapaka high standard of living at YOUR family's expense. They have to learn to live by their means.
What doesn't kill you makes you stronger.
http://www.mywedding.com/raffyatyndy

miksha

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1192
Re: giving expensive gifts to pamangkins until when is it appropriate
« Reply #13 on: February 23, 2012, 04:18:31 PM »
sis amethyst -  hindi naman kami nagigipit sa pagtulong sa kanila pero hindi din naman considered na sobra yung tinutulong namin sa kanila gets? kumbaga kung hindi mapupunta sa kanila may patutunguhan na importante din sa amin ( sariling bahay, pagunlad nang buhay, sariling business, etc...). hindi man malaki ang bawas sa amin financially ramdam pa din namin siya dahil kailangan pa din namin magtipid para masama sila sa aming budget.
Naiinitindihan ko ang pagtulong at pagiging generous, kung nabasa mo ang mga post ko sa itaas isa sa mga iniisip ko ay in a way for the future nang mga bata na din dahil sabi ko nga hindi kaya nasasanay sila na mayroon palaging sumasalo sa kanila dahil yoon ang nakikita nila sa tatay nila.
With regards to pera niya at pera ko wala po kaming ganoon. We only have one income - si hubby at kahit noon na 2income pa kami we still consider it as "our money" walang kanya walang akin, join kami, iisa lang iyan.

miksha

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1192
Re: giving expensive gifts to pamangkins until when is it appropriate
« Reply #14 on: February 23, 2012, 04:22:50 PM »
Sa akin lang sis.. Sige bilhan kung kailangan pero as in PERO hindi laptop. Kung talagang kailangan meron naman PC. Punta kayo sa SOS or sa Openpinoy. Dun madami less than 10k set na yun. Pero not a laptop. Wag mo hayaan si hubby na sanayin sila ng ganyan.

Sa'yo na din nanggaling sis kayo nga simple lang mamuhay. So hindi dapat sila ang nagpapaka high standard of living at YOUR family's expense. They have to learn to live by their means.
ayun nga sis suggestion ko kay hubby PC na lang kaso sabi niya laptop na daw ang uso ngayon plus less space pa daw sa  bahay at hindi mabigat saka bibili pa daw siya nang computer table pero tntry ko pa din ipush na PC na lang...
ayun nga sis kase kami simple lang naman kami mamuhay at kapag hindi namin kaya pinaiipunan namin.. ayun ang pakiramdam ko na sila kapag may kailangan at hindi kaya walang funds well takbo sila sa mga tito at tita.. kaya minsan naiisip ko hindi kaya nakakasama ang aming pagtulong...

liyapot

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2037
Re: giving expensive gifts to pamangkins until when is it appropriate
« Reply #15 on: February 23, 2012, 05:09:14 PM »
sabihin mo sa hubby mo delikado pa ang laptop.. "walain" yan..
baka mamaya dalhin sa school.. may manghiram na kaklase.. malimutan na kugn saan naipatong tipong ganun.. minsan di ba? hindi sil maingat sa gamit? cellphone nga nawawala eh

"If wishes were horses, then beggars would ride"

evilwoman

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2881
    • By Nature Handmade Soaps, Carrot Health Soap, Human Heart Nature Products
Re: giving expensive gifts to pamangkins until when is it appropriate
« Reply #16 on: February 23, 2012, 05:18:23 PM »
sis amethyst -  hindi naman kami nagigipit sa pagtulong sa kanila pero hindi din naman considered na sobra yung tinutulong namin sa kanila gets? kumbaga kung hindi mapupunta sa kanila may patutunguhan na importante din sa amin ( sariling bahay, pagunlad nang buhay, sariling business, etc...). hindi man malaki ang bawas sa amin financially ramdam pa din namin siya dahil kailangan pa din namin magtipid para masama sila sa aming budget.

sis, tama ba intindi ko, wala pa kayong sariling bahay? kumuha na kayo habang may extrang pera pa ang asawa mo. ipaliwanag mo ng maayos na ngayong may sarili na syang pamilya, yun dapat ang unahin kesa ibang tao. or better yet, himukin mo kumuha ng house, kusa na siguro syang mawawalan/mababawasan ang extra money na papamigay sa mga pamangkin.

rianne_mallows

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1366
Re: giving expensive gifts to pamangkins until when is it appropriate
« Reply #17 on: February 23, 2012, 05:28:37 PM »
ahmm... from the looks of it, mukang hindi "sobra" ang pera niyo sis :(

IMO, dapat meron kang

1. sariling house // or nakakabayad ng regular para sa property
2. may educ plans lahat ng kids // or may malaking savings for them because  some opt for that instead
3. may sariling savings
4. may emergency fund
5. may insurance, healthplans retirement plan etc
6. may sobra pa sa allotted money for monthly expense
7. may luxury fund - for family bonding/ travel, or personal high end thingies


tapos may sobra pa din.. sige go ibili niyo sila kahit mac pa..

pero kung hindi...  kung hindi niyo pa yan kumpleto tapos kung ano ano na iniintindi niya na hindi niyo naman obligasyon,  i dont consider your hubby as "mabait"...  IMO, he's financially irrespoinsible
hindi naman ako masamang tao
sadyang kapag nasasabi ako ng totoo
tumatama at tumatagos sa pagkatao mo

miksha

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1192
Re: giving expensive gifts to pamangkins until when is it appropriate
« Reply #18 on: February 23, 2012, 06:01:54 PM »
financially kami ay parang ganito ngayon:  meron kang goal na let's say you can reach in 5years but dahil sa "other expenses (them)" nagiging 15years ganyan.. lumalaki din naman ang mga bata so lumalaki then expenses (mga anak namin at pamangkin niya)..
or you can have gold but you settle for silver or bronze para ang matitipid mo maiibigay mo sa iba.. kind of like that... and more of ang kinababahala ko ay in the long run ako ba talaga ay nakakatulong sa kanila or nakakasama... ganoon.. para kay hubby ang intention niya ay good and hopefully they turn out good also
« Last Edit: February 23, 2012, 06:13:15 PM by miksha »

aquacharly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 4682
Re: giving expensive gifts to pamangkins until when is it appropriate
« Reply #19 on: February 23, 2012, 06:10:03 PM »
kung kayo ang nasa posisyon ko anong suggestion/sasabihin nyo kay hubby dahil si hubby nga ay willing at para sa kanya lahat nitong pakiramdam ko ay hindi naman totoo. ayaw ko naman kase na pagawayan namin ito so ano kayang magandang sabihin sa kanya kase decided na siya so let's say kahit ayaw nang kalooban ko payag ako pero paano ko maipararating sa kanya at maunawaan niya at maipahatid din niya sa kapatid niya at pamangkin niya na kahit may funds kami para tulungan/tustusan sila ay hindi dapat ganito

There's your answer, Girl:  keep your silence, go along.  Wala Kang sasabihin, period.    In so many words, clarong claro, your husband says:  "Hwag  ka makialam.  Ganito kami bilang pamilya."

Yung "dapat" sa yo eh iba sa "dapat" ng asawa mo. 
IMO, pag kinulit mo pa -- mag aaway lang talaga kayo; isipin ng hubby mo madamot ka sa mga mahal nya din sa buhay;  at isipin  ng pamilyang yon swapang ka.

Choose your  battles well. 

 

ADVERTISEMENT
follow us
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
Featured Articles
5 Steps to Financial Fitness in Tough Times
Instead of grumbling about the plight of the peso and dwelling on the negative, try these helpful tips to stay afloat. Remember--a little discipline goes a long way!
You're the breadwinner: Now what?
You want the freedom to spend your money as you wish but you know that if you don’t bring home the bacon, no one else will.
Getting money-wise: Why women are naturally capable of managing cash
She works hard for the money but she doesn’t know how to invest it. Here, Pearlsha Abubakar tells us why women are capable of managing their money well, but don’t. Read and get smart with your money.
Never go broke again! The FN guide to financial freedom-forever!
Fear not bankruptcy or eternal dependence on your parents (or a man!). There's a financial strategy for everybody. Read and get money-wise.
Wise up: Start your own business!
Tired of living from paycheck to paycheck? Why not go into business? Read on and find out how just a little cash can become a lot.