1. convenience - lahat ng kelangan kong dalhin madadala ko kasi ilalagay lang sa car and pag umuulan, hindi rin hassle kahit anong suot mo.
2. more time para sa ibang bagay-yung 1.5 hours na commute ko via national road ay naging 15 minutes drive via SLEX. saka pag may sariling car, pwedeng maghanap ng alternate routes pag traffic. pag commute sobrang nakakadrain ng energy pauwi. nagjijeep lang kasi ako dati so pag traffic hindi naman ako pwede matulog unlike pag naka bus. i can also leave the house ng mas late kasi controlled ko na yung oras ko, thus more family time!
3. safety - though may safety risks ang driving and having a car. yung risk na may makasabay kang holdaper or mandurukot sa jeep eh na eliminate na. this is the primary reason kung bakit kami kumuha ng car. pag traffic, di ako pwede maglabas ng cellphone to kill time. nakakatakot na talaga mag commute nowadays.