May insecurities din ako. Payat ako pero dahil sa kakapilit kong tumaba, kain ako ng kain pero tyan ko lang lumalaki, braso din minsan nalaki. Boobs sobrang onti ng laki pero may onti namang cleavage. Yung dati kong crush / bestfriend ayaw sken kasi gusto nya girl na obvious ang balakang, e halos straight body ko. Si first bf ko naman, pinagpalit ako sa malaking boobs. Si 2nd ex ko lang ang tanggap kung malaki man tyan ko at maliit boobs , pero iniwan pa rin ako.
Nagpaparebond ako dati pa, pero wala namang difference sa paglapit or paglayo saken ng guys kung kulot man ako or rebonded hair ko. Ngayon nagparebond na uli ako after 1 year na hindi. Maraming guys na nagagandahan saken pero si ex ko hindi pa rin ako pinapansin. Nasabi kong may nagagandahan sken kasi may nagsabi na guys sken na ang ganda ko daw kasi less than a year pa lang ako sa ofc. Si ex , ofcmate ko sya since sa previous company ko pero dito lang sa new job naging kame.
Yung ibang guy friends ko sa office, sinasabihan naman akong ang payat ko sobra. Ngayon, since kakabreak ko lang naman kay ex, wala akong pake kung anuman tingin ng guys saken. Wala rin namang nanliligaw pa saken kahit alam nilang single na ako uli.
Nagparebond ako kasi naiirita na ako sa buhok ko. Naglalagay na rin ako onti powder kasi ang hirap icontrol pagiging oily minsan ng face ko. Tinutuloy ko pa rin pa diamond peel / facial ko.
Sana kahit minsan, may manligaw naman uli. Pero kung wala, baka talagang destined na maging single ako
