To the OP:
Parang may kakambal ka dun sa isang forum. May pagka warfreak. Anyway, I will give you the benefit of the doubt, kasi meron naman talaga tayong mga moments na hindi tayo makapag pigil...Pero, ilang taon ka na nga ulit? The way you explain your background, parang ang dami mo nang napagdaanan, especially with a sick child, pero at the same time medyo sablay nang konti ang maturity.
Let me analyze ha. Nagbirthday party ka, may bisita kayo, madumi ang plato, gusto mong linisin, nagpatulong ka, hindi ka tinulungan, nagtampo ka, hindi pinansin ang tantrums mo, kaya binato mo ng sandok, kahit siguro napahiya na yung tao at nangigigil na sayo, nagpigil sya at di ka pinatulan, nainis ka lalo kaya mo sinuntok sa braso, tapos sabay tadyak for good measure...Pagkatapos ikaw yung nagiintay na lambingin ka at mag apologize sya sayo? Para ano? "Hon, I'm sorry hindi ko ibinigay kung kabilang braso ko para suntukin mo, tsaka next time luluhod ako para pati balls ko masipa mo"
Uh, hello.
Teka ano nga pala ang nagpipigil sayo to apologize first for your temper tantrums and your physical assault?
Gosh kung sa babae ginawa yung ganun, sandamakmak na siguro ang nag advise sa babaeng yun na hiwalayan ka at ipapulis ka. Tama yung sabi nung iba, mag apologize ka nang todo, dapat marealize mo kung ano yung mali na ginawa mo, bago mo i-expect na marealize nya yung mali (kung meron man talaga) na ginawa nya...Wag mong bigyan ng reason yung partner mo to look outside of your relationship for satisfaction, happiness or contentment, or at least man lang the confidence sa kanyang pagka lalake. Give each other space while praying to high heavens that he gives you another chance.
Sorry ha, siguro merong mga magagalit sa akin for my post, pero parang kailangan somebody gives the OP tough love kumbaga.