First time namin mag-rent ng apartment ng husband ko (no kids). Mag-two years na kami rito, and so far, we've been very lucky with our landlord. Super bait. Lahat ng binago namin sa loob ng bahay, like re-paint & installation of certain things pinayagan niya. Wala rin kaming contract. We pay him thru post-dated cheques, although hindi naman niya ni-require 'yun. Decision lang namin 'yun for convenience on our part. Tapos well-maintained nila ang buong apartment compound.
Kaso ang problema naman namin 'yung ibang tenants. May mga pakialamera, maiingay, at minsan may mga nakikihiram pa ng gamit ng walang paalam. Syempre, in 2 years namin dito, kung sino-sino na rin tumira sa ibang units. Pag maingay (lalo na 'yung mga mahilig mag-inuman mag-damag) at marami nang complaints, eventually pinapaalis na ng landlord.
I think naman ang problema sa landlady niyo eh mukhang nag-uulyanin na. Mura na nga 'yung PHP 10,000 townhouse, lalo kung well-maintained naman. Kaso kung sakit naman ng ulo ang may-ari, hindi na rin worth it.