UMMM. Medyo ngayon ko lang nabasa yung post ko sa normal screen. Thru cel lang kasi ako nag-create nung post. OA KO LANG, ANG HABA PALA. hahaha Medyo damang dama ko yun ah. May pinaghuhugutan lang. Sorry. Haha Sis
momentum pasensya na.

Wala naman akong gustong masaktan sa sinasabi ko. Gusto ko lang matauhan yung mga taong dapat matauhan bago pa maging huli ang lahat. Ndi lang sa TS pero para sa mga iba ring nagbabasa.

Anyway, sis JENINAJENINA, inuulit ko, hindi ako galit. Nor am I imposing my beliefs on you. I take that there's a pretty sensible woman inside you amidst that distraught facade. Kasi may dilemma ka nga kung iiwan mo ba siya o ndi. Ibig sabihin, yung mental faculty mo, gumagana pa rin kahit papano kasi you are sensing what the right thing to do is. Yun nga lang, nangingibabaw yung love mo kaya kibit-balikat ka sa mga sinasabi namin. I understand how hard it is to do the right thing pagdating sa love. But you have to understand that what you want to do and what you should do are sometimes different. And if you're faced with that dilemma, it's always better to side with the latter. Ganyan rin naman ako sa simula. Buti ka nga, 1 and a half years pa lang kayo. Kami ng ex ko, 5 years. Mantakin mo, tinagalan ko yung ganung klaseng relasyon ng ganun katagal, believing that as time will go by, magbabago rin yung ugali nung ex ko. I would like to reiterate, ndi naman niya ko sinasaktan physically. (Subukan niya lang, titirisin ko siya. Haha Joke.) Pero andun yung alam kong I was being shortchanged. Naabuso na yung kabaitan ko tapos yung kapalit lang ng lahat ng pagtitiis eh puro panloloko lang rin. Paulit-ulit lang ako pinagsisinungalingan, pinapaikot, pinagtataguan. Ang masama pa niyan, hindi naman ako yung tipong tatanga-t****. Hindi naman sa pagmamayabang, pero alam ko na may utak naman ako kahit papano at alam kong ndi ako nagkulang sa kanya to the point na sabi nga ng ibang tao na bakit ako pumatol dun eh parang I deserve someone better. Ndi ko ininda yun kasi siya nga gusto kong mahalin diba. Sabi ko sa sarili ko nun, sige ok lang kahit para siyang abnoy makipagrelasyon...Mahal ko naman siya. Naniwala ako na pag nakita niyang pinagtiyatiyagaan ko yung kalokohan niya eh ma-rerealize niya kung gano ko siya kamahal at eventually, magtitino din siya. Sorry na lang ako kasi never nang nangyari yun. Hopeful din ako dati tulad mo na tuwing after naming magbati, aayos na siya and that he'll eventually get the memo. Pero pag naihipan na ng hangin, balik na naman siya sa dati. Na-realize ko that there's nothing you could do if ingrained na sa tao yung ugali niya. Pasalamat na nga lang ako na ndi niya ko sinasaktan physically. Pero para sakin mas masakit pa nga yung ginagawa niyang inaatake niya yung kaloob-looban ko kasi yun yung mas matagal mag heal. Sa labas, parang masaya pa rin ako kasi konting sorry lang o lambing, gora ulit. Di alam ng ibang tao, I was lost inside, trying to figure out a way out of the mess I was in. I'm a pretty emotionally stable person pero nung panahon na yun. Grabe day, sinayang ko yung potensyal kong maging Magna Cum Laude tulad ng tatay ko kasi nagpaka-lukaret ako dahil sa pag-ibig. Sa kanya lang ako nag focus at siya yung iniitindi ko. Ndi ako makapag-aral ng puspusan kasi ang gulo gulo ng isip ko lagi. Nawalan ng balanse yung buhay ko. Kaya nga kung i-commend ako ng nanay ni ex eh, grabe rin. Kasi sabi niya, ako lang daw nakakatiis at mukhang makakatagal ng ganun sa anak niyang alam niyang complicated talaga yung pagkatao. Haha
Siguro, ang masama rin eh yung ganyang pagtitiis eh ndi naman dala ng kabaitan. Maraming factor eh. Andun yun na-chachallenge ka. Yung tipong iisipin mo na "Hindi ako susuko. Kaya ko to. Kaya ko siyang ituwid." Andun yung blind optimism na iisipin mong eventually magiging matino siya. Wala namang masama dun pero kelan ba darating yung eventually na yun? Pag may wrinkles na ko? Andun yung factor ng selfishness at pride mo na iniisip mo na hindi mo siya ipapaagaw sa iba. Ang na-realize ko lang eventually eh bakit ako yung na-chachallenge? Hindi naman dapat manggaling sakin yung kagustuhang magbago nung ex ko. Kung hindi siya makakapag-decide sa sarili niya na iwan yung destructive ways niya eh kahit ano pang gawin kong "pagsasalba" sa kanya at sa relasyon namin, balewala. Naisip ko na ok lang naman maging optimistic pero kung yung realidad mo ngayon eh napapabayaan mo na at nagkakada-giba-giba na, pano na? Pano pa magkakaroon ng happy ending kung hindi ka gagawa ng solusyon para maging maayos yung present mo? Kasi ndi naman magic yung pagkakaroon ng happy ending diba? Gradual yan. Eh kung wala namang nagbabago, puro na lang pasakit yung nangyayari? Eh naisip ko na lang, fairy tale ba talaga yung storya ko o Horror/Comedy? Yung sayo sis feeling ko naman, Action/Drama. Naisip ko rin na bakit ko ipaglalaban yung taong yun kung siya nga, walang ginagawa kundi itrato akong kontrabida? Ipinaglalaban ko siya, pero siya kakalabanin ako? Gagawa siya ng bagay na alam niyang ikakasama ng loob ko? Ayoko nang mag subscribe diyan sa thought ng you should fight for love. Naisip ko, if two people really love each other, love will come naturally. May flow. You wouldn't have to fight for it. Kasi willing dapat yung partner mong ibigay yun sayo ng buo, without question and without you struggling. Dapat may peace of mind. Hindi yung para kang siraulo na ndi magkandarapang intindihin kung mahal ka ba niya o hindi. Kasi if it's the latter, addiction yan teh. Obsession. Ndi yan love. Know the difference.
Sorry na talaga kasi andaldal ko. Pasensya na if my tone is harsh. I'm not the type to mince my words especially if I'm trying to talk sense into someone. Sorry to burst your bubble, but you really need the cold truth this time. Pagdating sa love, madalas kailangan natin ng taong susuway sa atin ng parang magulang. Minsan ndi pwede yung 'sige lang, go lang, follow your heart' talk lalo na kung posibleng maging rason ng pagsira ng buhay mo yang tinatahak mong landas. Yun lang. (Yes naman, feeling ko naman ang ikli lang ng sinabi ko. Haha) Good luck! =)