I think mejo minamalas kame sa helpers lately. So pinaalis na namin yung maid namin na shunga kase she was more a liability than an actual help to us. When my yaya went home for her birthday, nagpahanap kame sa kanya ng panibagong helper and may nahanap naman sya. Pagdala sa house namin ni new helper, nagtaka lang ako kung bakit kahawig ni ex-shunga helper. Sabe pinsan daw, oh no. Pero sige benefit of the doubt. We asked her what her name was, sabe nya Miss daw. Huh?? Seriously? Eh to follow ang documents so sige, benefit of the doubt ulit. Nakakabwisit lang kase tamad, pag inuutusan nagci-click ng tongue, lageng nakatambay sa room nila and bukas ang ilaw, tapos pag tinatawag napaka-kupad!
To make the long story short, after 1 week, nagpaalam kase nalulungkot daw sya. Samin, walang pilitan so sige, pinasundo na namin kagad kase mas mahirap yung helper na napipilitan at baka gumawa lang ng kalokohan. Lo and behold, we found out na nagsisinungaling lang pala ang g@g@ na to from the start. Rochelle pala ang pangalan and sister sya nung ex-shunga helper namin. Nakaka-high blood pero buti na lang na maaga pa lang eh nawala na sya. Grabe kawalangyaan ng mga tao ngayon, I'm sorry pero kung sino pa yung nangangailangan sila pa yung may ganang gumawa ng hinde maganda.