parang puro na lang about kabit ang nakikita ko recently

pero buti na lang wala kong problemang ganyan sa hubby ko

lalo ko nainis sa mga kumakabit nang nabasa ko ang thread na to, tas nanonood pa ko ng Two wives, naman, ang kapal ng mukha ng lalaki dun

then sa fb, nagtaka ko na may nabasa ko sa wall na hindi ko kilala, nagtaka ko bakit friend ko sya e wala naman ako inaapprove na friend na ganong name, a certain guy na inaaway ang misis nya, kesyo tanggapin n daw nya[misis] na 2 ang asawa nya at 3 na anak nya sa isa, pero sa wife nya 1 lang. kung ano ano pang panglalait sa asawa nya ang sinabi.
chineck ko yung wall nung guy yun pala ginawa yung account using my officemate's name kaya naging friend ko sya at puro taga company namin ang friends, then nung naka 200+ na ang friends binago na ang name, naging name na ng guy at nagstart na magpost ng kung ano ano about the wife,at yung wife nya operator pala sa dept namin.
pero sa tingin ko yung 2nd wife ang nagpopost ng ganon hindi yung guy.
grabe lang na nanggamit pa ng pangalan ng ibang tao para manira ng asawa ng may asawa.
nireport na yung account ng officemate ko at tumigil na rin sa pagpopost.