Get weekly updates via email!
tip of the day SUN 19 MAY 13
Encourage family bonding by doing a project like making a scrapbook or running a marathon together.
Good House Keeping
31 DAYS TO HAPPY
A brand new look with more of the tried, tested, and trusted content you've been reading for 15 years!
Good Housekeeping
GIRLTALK

Author Topic: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)  (Read 40140 times)

axlrocksmyworld

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 358
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #400 on: June 11, 2012, 10:03:43 am »
hi mga sisses.. now that i'm trying to cope up for the loss and being strong for our little boy, the kabitch still keeps on pestering me.. sa galit ko na kahapon i tetxted back, yung mga pinakanakakapanliit na mga salita ginamit ko na sa kanya pero sobrang makapal talaga ang apog.. wala na nga ang asawa ko ganun pa.. talagang pinagdidiinan pa niya na talagang siya daw ang mahal ng asawa ko at kaya lang daw bumalik ang asawa ko eh para lang daw sa bata at para lang daw sa mga magulang nia

prettynvain

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1612
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #401 on: June 11, 2012, 01:51:42 pm »
^condolence sis. grabe angkapal talaga ng mukha nung kabit! sana sinabi mo eh di sumama siya sa asawa mo! lol. pero ganun talaga, ang mga kabit sila pa ang matapang at makapal ang mukha, kase alam nila na sila ang loser at extra sa picture.

si hubby, i saw a messaged sa phone niya. chinese si hubby, and the message was from a chinese girl din, but i can read some words eh. that b*tch called him "husband"!! so nanggalaiti ako sa galit, i confronted him. di daw sa kanya yun, sa brother niya but he's using his phone (prepaid number lang niya yun and ginagamit sa ibang stuffs and mga taong di close). I asked why. sabi nya, matalino daw ako alam ko sagot, but then yun nga kase chinese din asawa nung bro-in-law ko at nakekealam ng phones niya. di kame close ng asawa niya, pinakasalan lang dahil nabuntis after 2months na maging sila. yung bro-in-law ko super babaero talaga, i know kase madalas pinapakilala niya sa akin.

I confronted my brother-in-law. I asked him, oo daw kanya daw. sabi ko malamang nagkausap na sila ng asawa ko eh! pinakita nya number sa akin naka-save sa phone niya but in a guy's name. so medyo naguguluhan ako. i deleted the b*itch number sa phone ni hubby, even sa messaging/chat apps. ok na kame, kase iba din yung feeling ko nun eh.. but then, one day this girl called again! kabisado ko number, so inaway ko asawa ko! sabi niya may pinapabili daw yung girl sa bayaw ko! i didn't believe him na talaga, lahat ginawa nya to comfort me. ang sabi ko, yung utak ko pinaniniwalaan siya but nagpoprotesta yung heart ko. (drama!). he told me, kung kanya nga yun bakit daw iniiwan lang  niya phones niya at ipad at hinahayaang pakealaman ko. kung may ginagawa daw siya, lalagyan daw niya ng code phone niya at di iiwan lang sa house para makita at pakealam ko. somehow, gusto ko maniwala. kaso ang pagiging gabriela ko umaatake! i posted sa fb ng hinanakit ko pero syempre sya  lang nakakabasa nun. gusto ko pa daw ba ipaalam sa buong mundo yung kasalanang di niya ginagawa. i gave him a "silent treatment". di niya matagalan! ;)

he then told me, kung gusto ko daw ipakilala nya sa akin yung girl, sabi ko sige. i have the girl's pic, at di niya alam yun. pero di pa namin ma-set kase hubby's out of the country pa. pero everytime sinasabi ko sa kanya na manloloko siya, na he cheated on me. nagagalit siya. lol. di daw niya ginawa at ginagawa yun. mararamdaman ko naman daw eh. pero bakit ako magpapakita nang ka-martiran??. i called all his friends na kasama nya lage, wala daw. sinasabi ko syempre sasabihin nyo wala eh kaibigan nyo yun eh. pero di ako t****. my husband knew what i can do eh. mawawala sa kanya lahat. hinahamon ko nga siya ng divorce. ayaw naman.

sinabihan ko siya, kung kaya mong gawin kaya ko din. tignan natin kung sino mas masasaktan. galit na galit siya, wag daw akong magkamali, makakapatay daw siya. i told him, "takot ka na gawin ko pero di ka takot na gawin sa akin??" eh wala naman daw talaga, kahit mamatay pa siya ngayon.

in the end, naniwala naman ako dahil sa lahat ng proof na patunay na wala eh nakita ko. pero minsan  andun yung thoughts na "what if"??..

If yesterday didn't end up the way you planned it, always remember.. "if God had wanted your yesterday to be perfect, then He didn't need to create today..."

Msfi

  • I'm selfish, I'm not an angel, I am not a martyr either, I'm a
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 729
  • Team Ybg
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #402 on: June 11, 2012, 02:33:21 pm »
^sis baka wala naman talaga maniwala ka muna, but don't let guard down

^^sis axl wala na husband mo para magvalidate ng mga sinasabi ng kabit nya kaya wag mo nang pansinin. Pag ayaw tumigil like ng sabi ni prettynvain, sabihin mo na sumunod na lang sya sa asawa mo kung ganun nya kamahal at hindi mo sya pipigilin.



Positive thinking won't let you do anything, but it will let you do everything better than negative thinking will.

axlrocksmyworld

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 358
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #403 on: June 11, 2012, 03:14:56 pm »
thanks sisses, lakas talaga ng sapi nung higad na yun.. patay na mga asawa ko sinisira pa nia, siguro ngayon napapaisip asawa ko na kung yun eh hindi nia hiniwalayan nung nabubuhay pa siya eh mas magiging miserable ang buhay niya ahaha ;D

jenybasti

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 343
  • lablab kuya bas en sab
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #404 on: June 11, 2012, 05:13:23 pm »
^ yun din unang pumasok sa utak ko nung nabasa ko post mo,ang sabihin na eh di sumama sya sa asawa mo ngayon na ngayon na ng manahimik na din sya..
YOU CAN REPLACE ME BUT
YOU CAN'T REPLACE THE MEMORIES YOU HAD WITH ME.

axlrocksmyworld

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 358
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #405 on: June 13, 2012, 04:46:55 pm »
tigas talaga at sobrang kapal mga sis nung lukretang yun, eto pa ang bago pati FB account ng asawa ko minamanipula na rin kaya ang ginawa ko restricted ang "asawa ko" sa profile ko meaning connected pa rin kame though hindi nia nababasa ang mga posts sa wall ko unless i-public ko yung posts. ang hilig niya magsabi ng move-on eh siya hindi nia magawa.. kung nakamove on na siya db dapat hindi siya mangating pakealaman ang bagay na hindi sa kanya, oo nagkamali yung asawa ko na ibigay ang password (pero malamang yun pinilit nia yung asawa ko na ibigay yung password nia) pero hindi ibig sabihin nun gagawin nia kung anuman ang gusto niang gawin lalo na't kahihiyan ng asawa ko ang nakataya, patay na nga gaganunin pa nia..

yssayjayla

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 67
  • Perhaps I am stronger than I think.
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #406 on: June 13, 2012, 05:41:52 pm »
Kakatuwa naman tong thread na to.. ang haba ng backread ko lol

Question lang po.. napansin ko kasi most of the posters here though may "other woman" yung hubby nila together pa din sila.. meron po ba dito nakaexperience na  the hubby left his family and the reason is "mas mahal nya yung other woman nya"?

Parang movie lang :) TIA!

sis, my husband left mo for another girl. sa ngayon, ok na ko. it still hurts, pero natutunan ko na ipagpasa-diyos ang lahat. 85% accepted ko na iniwan na nya kami.

i_v_y

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 298
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #407 on: June 14, 2012, 03:09:03 am »
^^ sis sorry to hear that.  >:(


heard a story in citibank. meron daw  na wife na sumugod sa floor at binasagan ng itlog si kabit. kaso tuluyan na ata iniwan ni hubby si wife for the other woman.

ang sad lang. parang hindi ko ata kakayanin  :(

jhandee

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 634
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #408 on: June 14, 2012, 01:17:00 pm »
dito sa office namin talamak ang kabitan, grabe talaga , katabi ko, kaharap ko, di ko minsan masikmura, talagang naglalandian sila, yung isang officemate ko na married guy nag confess sakin na ayaw na daw nya dun sa officemate ko na girl kasi violent daw, tapos bumalik na sya sa wife nya and buntis ngayon wife nya, tapos nag request pa kuno ng change of schedule, aba! kahapon katabi ko si guy at eto ang kabit nya, maghapon nasa tabi nya, imagine that, di ko kinakausap yung guy, di rin makatingin sakin, dahil alam nya sinungaling sya, tapos lahat silang guy na may kabit dito sa office ang laging sinasabi, nagkakalabuan na sila ng wife nila at ang wife ang reason bakit sila nagloloko,as in kapal muks lang >:( >:( >:(

brandi

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 609
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #409 on: June 14, 2012, 01:22:58 pm »
^dapat sis pinapakita mong inis ka sa mga ginagawa nila. kung ako yan pagsasabihan ko pa sila ng haprapan at papamukha ko mga kakapalan ng mukha nila paprankahin ko. ganyan ginagawa ko sa mga kakilala ko eh.

hindi ka nahihiya sa ginagawa mo?
kung ako yung asawa mo mandidiri ako sa sayo baka kung anong sakit na lang dala mo.
paano kung sayo gawin yung ginagawa mo ok lang?
may prob sa wife mo? bakit perfect ka? sino ka para gawin yan? imposibleng walang kulang sayo walang perfect eh.

ganyan lagi mga litanya ko sa kanila. at least yung iba natatauhan naman.  ::)

the nerve na HB ako pag nakikita ko tong thread na to kaya minsan di ko binubuksan hahahah!

jhandee

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 634
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #410 on: June 14, 2012, 02:23:35 pm »
sis ang sinasabi ko lagi dun sa kanila hindi nabibili ang peace of mind hehe , yung girl na kabit ng officemate ko, nag message pa sakin tapos sabi nya wala na sila, ayaw na daw nung guy, pero gusto pa rin daw nya, sabi ko sa kanya ang bata mo pa, and wala kang assurance makukuha kay guy,tapos sabi sakin, hayaan na lang daw nya mahalin nya yung guy hanggang mag give up sya ...kaloka di ba ...hahahaha , yung isa naman eto kaharap ng desk ko, magkatabi din, nung nag inuman sila nung weekend dun mismo sa house nung guy at kaharap pa misis at 2 anak, kasama kami na mga ka team nila, since may pasok wife nitong  guy officemate ko, pagka alis nung wife, pumasok na sila sa house nung kabit nyang girl na ka team ko at yun na , nag Baler pa sila at EK pagkakita namin sa pics nila, naku majority eh puro kabit...my gawd talaga   Yung supervisor ko naman kabit din yung isang ka team ko, at nung nalaman nung misis nag escalate sa HR so si girl napilitan mag resign, at take note si girl eh may lived in partner na bumubuhay at nagpapa aral sa kapatid nya, tapos sa condo pa sila nakitira, yung bf din ang nagbabayad, pati utang ng parents ni girl si bf din nag babayad, ang ginawa ng family nung bf , nagpunta dito sa office namin, inabangan lumabas ng office si girl ayun caught on camera mag kaakbay sila ng supervisor ko, pinakita nila sa anak nila, dun lang natauhan yung bf, tapos nung nag try makipag hiwalay yung supervisor ko sa girl, eh si girl ang tapang pinuntahan si supervisor sa house nila sa cavite, eh di bugbog sarado sya sa misis ng supervisor ko, pero tuluyan na sila nag hiwalay nung misis nya, tapos lived in sila ngayon sa condo nung girl....grabe talaga mga sis >:( >:( >:( :o :o
« Last Edit: June 14, 2012, 02:34:23 pm by jhandee »

i_v_y

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 298
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #411 on: June 14, 2012, 03:20:23 pm »
immorality is rampant. im not judging these people but it seems like kahit saan merong ganyan. sana may mga companies that are family oriented at abhors immorality.


brandi

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 609
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #412 on: June 14, 2012, 03:26:46 pm »
Grabe naman. nakakaloka yang mga kabit na yan ang lalakas ng loob. hindi naman masama umasa pero ang umasang ikaw ang pipiliin ng isang may asawat anak na mahiya naman sana siya kahit hindi para sa ibang tao o sarili niya. kahit man lang sa mva magulang niya. paano ba sila pinalaki. pansin ko yung mga ganyang klaseng tao na papansin eh yung mga galing sa broken family, may problem sa family. kaya naghahanap ng sense of belongingness.

jhandee

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 634
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #413 on: June 14, 2012, 04:40:21 pm »
nag joke nga yung isang officemate ko na guy na married din, kasi di ko talaga napigilan na mag comment na bakit ang daming kabit sa floor namin, sabi nya inggit daw ako baka gusto ko daw gayahin , sabi ko ayokong gawin yan sa partner ko kasi baka dumating ang time gawin din sakin yan, tapos sabi nya sakin sa umpisa lang daw masarap at masaya ang may kabit sa bandang huli puro problem na,at least may nakakausap pa ako na lalaki dito sa company namin na matino.  :D Yung bestfriend ko ganyan din kaya di na kami friends , nag ka anak pa sya, tapos mababasa mo sa twitter nag i love u sila nung guy tawag pa nya asawa hahahaha hindi rin mabitawan nung guy yung wife nya kasi nasa canada at naka petition, ang balak nila pag nasa canada na si guy mag file ng divorce tapos kunin nya yung bestfriend ko, saklap para dun sa wife di ba??? agree ako rampant na immorality kahit san ka mapunta

brandi

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 609
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #414 on: June 14, 2012, 04:50:57 pm »
^HB talaga hahaha.

mga immature at makasariling mga tao. isipin na lang natin babalik din sa kanila lahat yan.  ::) ::) ::) >:(

jhandee

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 634
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #415 on: June 14, 2012, 05:04:24 pm »
hahaha kaloka talaga sis, eto nga right at this very moment nag aaway tong officemate ko na may asawa at 2 anak, at yung kabit nya, off ni girl ngayon pero pumasok sya, eh busy si guy, galit na galit si girl , sana daw nag off na lang sya tutal busy naman daw si guy , single ang mga drama ;D sorry chismosa lang

jenybasti

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 343
  • lablab kuya bas en sab
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #416 on: June 15, 2012, 12:19:15 am »
^HB talaga hahaha.

mga immature at makasariling mga tao. isipin na lang natin babalik din sa kanila lahat yan.  ::) ::) ::) >:(
sana nga...
hahaha kaloka talaga sis, eto nga right at this very moment nag aaway tong officemate ko na may asawa at 2 anak, at yung kabit nya, off ni girl ngayon pero pumasok sya, eh busy si guy, galit na galit si girl , sana daw nag off na lang sya tutal busy naman daw si guy , single ang mga drama ;D sorry chismosa lang
ang arte kakapal ng face..
nag joke nga yung isang officemate ko na guy na married din, kasi di ko talaga napigilan na mag comment na bakit ang daming kabit sa floor namin, sabi nya inggit daw ako baka gusto ko daw gayahin , sabi ko ayokong gawin yan sa partner ko kasi baka dumating ang time gawin din sakin yan, tapos sabi nya sakin sa umpisa lang daw masarap at masaya ang may kabit sa bandang huli puro problem na,at least may nakakausap pa ako na lalaki dito sa company namin na matino.  :D Yung bestfriend ko ganyan din kaya di na kami friends , nag ka anak pa sya, tapos mababasa mo sa twitter nag i love u sila nung guy tawag pa nya asawa hahahaha hindi rin mabitawan nung guy yung wife nya kasi nasa canada at naka petition, ang balak nila pag nasa canada na si guy mag file ng divorce tapos kunin nya yung bestfriend ko, saklap para dun sa wife di ba??? agree ako rampant na immorality kahit san ka mapunta
makakarma din sila,sana wag madamay anak nila..
YOU CAN REPLACE ME BUT
YOU CAN'T REPLACE THE MEMORIES YOU HAD WITH ME.

ladyAsh

  • Probationary
  • Posts: 7
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #417 on: June 15, 2012, 02:11:41 am »
hi! hinde pa ko makapag post ng topic, so i decided to post it here na lang.

napapansin ko kasi pagiging super close ni hubby and ng bestfriend ko, ewan ko kung madumi lang isip ko, pero iba kasi pakiramdam ko. Paano ba gagawin ko? madalas pa silang magkausap sa phone kesa sa akin, makikita ko na lang sa log ng phone ni hubby,dami ko kwento kaso hinde yata para dito sa thread na to, maybe if pwede na ko mag post baka gumawa na ko ng topic and ma share ko problem ko and really need your advise. :(

acecat

  • Probationary
  • Posts: 8
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #418 on: June 16, 2012, 09:52:14 am »
It's been years since nahuli ko hubby ko, we are still together but every now and then I secretly do my "rounds" (a.k.a fishing, spying, etc) kasi parang di ko pa naleletgo ang nangyari. Di ko na sya nahuli ulit, so it's either tumino na sya or gumaling lang stealth abilities nya  :P

As usual it happened sa BPO..grrr..I work with BPO din pero never ako nagkaroon ng extra curricular. Kusa nagresign hubby ko after I caught both of them, nagvolunteer maging househusband at nagpa-alipin mode sya for nearly 4 years - kinalimutan na nya pride nya and all.

Ang tanong ko lang, is this enough for me to trust this person given na sincere yung apology nya at nagbago naman sya? I'm so scared to get hurt again, parang di ko ata kakayanin if ever magkaroon ulit sya ng kabit.

sassy_taurus8

  • underneath Brad Pitt's sheath and a
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1266
  • "love me, feed me & dont ever leave me."- garfield
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #419 on: June 16, 2012, 11:00:30 pm »
hindi rin mabitawan nung guy yung wife nya kasi nasa canada at naka petition, ang balak nila pag nasa canada na si guy mag file ng divorce tapos kunin nya yung bestfriend ko, saklap para dun sa wife di ba??? agree ako rampant na immorality kahit san ka mapunta

Saklap nga nyan for the wife. Wish ko lang malaman ni wife asap ang plano ng magaling nyang asawa so as early as now matigil ang petition for her stupid husband. Gagawin pa syang ticket nung dalawang yun to have a better life in Canada, the nerve nga naman!
"You've got to shake yourself out of that VICTIM mentality and start having a VICTORY mentality. This is a new day. Your future can start right now. It doesn't matter what you've been through, or how they treated you; GOD wants to turn all that around."

 

follow us
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
Featured Articles
10 Photos of Sarah Jessica Parker at the Opening of SM Aura Premier
The Sex and the City star dazzled fans at the mall launch.
Jodi Sta. Maria Shares Her Workout Routine
The in-demand actress tells us why Zumba is the perfect workout for busy girls like her.
Regine Velasquez's Post-Pregnancy Weight Loss Tips
The country's Songbird shares her secrets to attaining her svelte post-pregnancy figure.
Yummy Eats 2013 on May 18!
This is one memorable feast you don't want to miss!
Sarah Jessica Parker on Manila:
The Hollywood actress declares her adoration for the city and reveals a few of her fashion secrets.
DMCI DMCI