Let me share you my story.
When i met my partner, he was still with his wife and they have a child, almost 2 years old then. Officemates kame. That was 7 years ago. I remember then, crush ko talaga siya kasi parang ang bango bango nya lagi. Pero di ko siya kinakausap dahil di naman din kame close. And i was also in a relationship then. Tapos after few months of being on the same company, he suddenly noticed me. Lagi siya nasa likod ko, smelling my hair, ang bango bango daw. Tapos he will give me coffee or just sit beside me while im working. Di ko siya ini-entertain then kasi nga i have a bf and i know na may asawa siya. Nakikipag chikahan ako sa kanya pero i know na di ako nakikipaglandian. He sometimes made moves pero i always shut him up.
Kaya lang, my bf and I broke up and he was there when it happened. I was so devastated and confused and down. Di kame pumasok sa work, then something happened between us. Unti unti, nahulog ang loob ko sa kanya. He told me, di niya daw talaga mahal ang asawa niya. Parang 2 months na yata silang break nung malaman nya na buntis pala yung ex niya. And one month na lang manganganak na yung ex niya nung pumayag siya na magpakasal sila dahil yung parents mismo ng girl ang nag-asikaso ng mga papers nila. 'Sabi niya', akala niya daw kasi that time, pag ginawa niya yung tama, ok lang, kasi magiging masaya siya. Pero sabi niya di daw siya naging masaya. Lagi silang nag-aaway. Sa personality niya na sobrang impulsive, nagagalit sa konting bagay, lagi sila nag-aaway. Siya rin nagkkwento na di naman siya sinasabayan ng galit ng girl kasi nga, base sa kwento niya, tahimik lang talaga yung ex niya.
Then yun nga, naging kame while sila pa ng exwife niya. On and off kame nun kasi lagi niya sinasabi sa akin na iiwan niya yung ex wife. Everytime na totopakin ako, makikipag hiwalay ako sa kanya. Tapos siya, gagawin niya lahat ng paraan to win me back then he will make promises again. Makikipag hiwalay naman daw talaga siya, wait lang daw siya ng tamang timing. It took 2 years na ganun yung situation namin. Kame, tapos magbbreak... Sometimes, i will buy his alibi na di siya masaya, at masaya lang siya pag kasama ako.
As much as i was happy with him on that kind of relationship, i was also thinking kung hanggang kailan kame ganun. Oo nga at masaya kasi i really feel his love, there's still a part of me na gusto ko sa akin lang siya. And kung di mangyayari yun, we better part ways na lang. So i ended it. Nag boyfriend ako ng iba. kaya lang, di rin nag work. Kasi nga, lumalabas na kaya lang ako pumasok sa relationship with them, dahil gusto ko siya kalimutan. Although i am always a good gf, relationships ended pa rin. I say im a good gf kasi lahat ng mga naging ex-bfs ko, friends ko pa rin. Wala naman sa kanila ang naging bitter.
Then one time, tumawag siya sa aken. hiwalay na daw sila. Sakto, single ako nun. To cut the story short, we're back in each other's arms. Ngayon, we have a child na. Hindi pa rin sila anulled. Di rin naman ako nagtatanong kung kailan niya aasikasuhin. There are other issues pa rin, siguro kwento ko na lang next time.
I am not sharing my story para i-encourage at bigyan ng false hope ang iba. Pwedeng ang kwento ng buhay ko maging kwento rin ng buhay nyo pero maaari rin na hindi. I am sharing this to you guys to let you know, na kahit masaya yung maging nandun ka sa ganun kakomplikadong sitwasyon (dahil siguro masaya dahil may challenge? thrilling kung baga), may time pa rin na tatanungin mo ang sarili mo kung hanggang kailan ka ba magiging masaya. Hanggang kailan ba kayo magtatago. hanggang kailan ba kayo magiging kayo lang. Boring kaya yun in the long run. Kahit na sabihin mo na masaya ka kasi you are in love and loved. At the end of the day, you will still want to get things right. Gusto mo rin matulog ng mahimbing na di ka nag iisip na may pamilya kang sinisira. Gusto mo rin magkaron ng karelasyon na pwede mo ipakilala sa mga kaibigan mo at pamilya. gusto mo rin na sana, kung pwede lang sana, maging normal ang lahat.