Get weekly updates via email!
tip of the day THU 24 APR 14
Start maintaining a balanced diet by exchanging cake and chocolate for dried fruit, raisin toast, and low-fat fruit yogurt.
  • Good House Keeping
    Find your bliss this summer! GH's guide to a calmer, luckier, and happier you. On stands now for only P120.
    Good Housekeeping
  • Real Living
    Real Living’s April 2014 issue is a thing of beauty, literally! The magazine’s Beautiful Homes issue features 43 pages which will inspire you to rethink your own space.
    Real Living
  • Women's Health
    Everything you need to score your hottest, sexiest summer EVER is in the Women’s Health March issue!
    Women's Health
GIRLTALK

Author Topic: Gardening new thread  (Read 21309 times)

em_cee

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1414
Gardening new thread
« on: January 28, 2012, 12:31:14 PM »
I would like to start a thread about gardening. The first two thread wala na kasi...

I would like to try out gardening, in pots lang muna coz cemento all around.  It's my 5 year old son's request, actually.  I like the idea, though.  I have tried it before.  I bought a small pot in True Value, yun may kit.  Nagsprout ng leaves about one centimeter tapos tumigil na.  I would like to try again.  Nakakatuwa kasi makita pagmay blooms na. 

Ano kaya ang plant na madaling alagaan?  Pwede ba sa pots ang tomatoes?

Please recommend potted plants.
Jesus Loves Me!

rinel310

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 40
    • http://thegardendreamer.blogspot.com
Re: Gardening new thread
« Reply #1 on: January 29, 2012, 07:53:37 AM »
 i'm also starting with my gardening pursuit..
so far, i have dahlia, impatiens, rosal/gardenia, piti-mini rose, lantana, plumbago, i also have basil and parsley, tapos meron din akong bell pepper, siling labuyo and cherry tomato, lahat sila sis nasa pot lang..very rewarding ang paghahalaman
since meron kang toddler, maganda ang may plants, para makakita sya ng butterflies and bees, bihira na kase makakita ang mga kids ngayon ng mga ganyan
« Last Edit: January 29, 2012, 08:47:21 AM by rinel310 »

soumy01

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 174
Re: Gardening new thread
« Reply #2 on: February 21, 2012, 09:37:32 PM »
meron din ako maliit na garden, maliit lang kasi puro semento yung space namin gumawa lang ako ng lalagyan ng lupa,  tapos tinaniman ko ng petsay, mahigit one month lang nakapagharvest na ako, sarap gawing ensalada. pang nilaga, haha nakakasawa hehe.
petsay http://1.bp.blogspot.com/-pPtThz6vLuM/T0Oc_po_TrI/AAAAAAAAACg/nsPLdy7Vcbc/s1600/IMG_0231.JPG

yung mga kamatis ko naman tinanim ko sa container kasi ayaw lumaki, maliit siguro masyado yung black bag na ginamit ko. yung cucumber naman namulaklak sila ang dami kaso namatay din. :(.
http://3.bp.blogspot.com/-kF7OXgq9OSQ/T0OdCoCjVeI/AAAAAAAAACw/dWZiY8a80GA/s1600/IMG_8549.JPG
sa labas naman meron ako talbos ng kamote. mahilig kasi sa sinigang si hubby, kaya yan nagtam na lang ako ng talbos.
ngayun gusto ko itanim yung kangkong. pang stir fry... hehe ;D

em_cee

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1414
Re: Gardening new thread
« Reply #3 on: February 22, 2012, 10:11:01 AM »
Ganda ng pechay mo ah. pano mu plant? 
Jesus Loves Me!

soumy01

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 174
Re: Gardening new thread
« Reply #4 on: February 22, 2012, 11:19:55 AM »
derecho lang sis dun sa taniman ko, hindi na ako nagtransplant eh, kaya yung iba ang liliit. sinaboy ko lang sa taniman ko.hehe..
 pero ngayun nagtanim ulit ako  linya linya na sila tapos nilubog ko na yung mga seeds sa lupa. mga one week old na itong mga petsay ko ngayun, may tubo na. kakatuwa.
http://3.bp.blogspot.com/-DiwlTdpMcYI/T0RcfNDruxI/AAAAAAAAAC4/ENWKQvA0UUs/s1600/IMG_0354.JPG


mom_G

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 291
Re: Gardening new thread
« Reply #5 on: February 22, 2012, 11:39:43 AM »
^sis, nakaka-inspire naman ang mini-farm mo :)  i just started and mga potted herbs pa lang ang na-try ko: basil, parsley, thyme, oregano, sage, and rosemary.  mahilig kasi ako magluto.  sobrang liliit pa lang ng lumalabas na leaves kasi 2 weeks ago lang ako nag-start.  next time, try ko rin mag-plant ng tomato.

zidane

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 282
  • ImDis&Dat
Re: Gardening new thread
« Reply #6 on: February 22, 2012, 11:48:55 AM »
ako din, gusto ko mg plant, kaso nung bumili ako ng kalamansi plant dun sa naglalako, namatay siya kagad... tapos yung isang herbal plant na para sa halak, sowi i forgot the name, na washed out siya nung me malakas na ulan.. natumba siya... so dapat ba ipasok sa loob pag umuulan? nalulunod kc minsan...
super single forever..

soumy01

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 174
Re: Gardening new thread
« Reply #7 on: February 22, 2012, 12:11:52 PM »
@ mom_G , sis nagtanim din ako ng basil bumili lang ako ng tubo na 25 pesos ata yun lumaki naman siya kaso pinatay siyang aphids yung mga puti puti. :(. ngayun tanglad saka pandan lang meron ako sarap sa kanin ng pandan.

yung mga tomatoes ko ayun hindi pa rin nagkakabunga, unsuccessful ako dun. sa sunod bibili ako ng medyo malalaking paso o container. para maganda paglaki nila.

siguro sa mga dahon muna ako magconcentrate sa mga tanim, mabilis mapakinabangan.

@  zidane-  sis oregano ba yun. yun tanim ko na nasa container yung plastic na nabibili sa ace, pagmalakas ulan tapos ilang araw na naguulan hinihila ko sa may bubong. ang tagal kasi bumaba ng tubig sa ganon.

pag oregano yung tanim mo sis ang bilis lang niya lumago.

micci

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2188
  • rain or shine..
Re: Gardening new thread
« Reply #8 on: February 22, 2012, 12:23:20 PM »
mga sis,san nakakabili ng seeds ng herbs(basil,rosemary,etc)? or pano ba tinatanim ito?gusto ko din i-try muna sa pot :)
a successful relationship requires falling in love many times.....

...with the same person.
:-*

HoldingOn

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 273
Re: Gardening new thread
« Reply #9 on: February 22, 2012, 12:53:02 PM »
^Try mo sis sa Manila Seedling, sabi ng friend ko marami daw choices dun, but I haven't tried visiting the place pa. Yung Parsley ng Kuya ko sa Tagaytay niya nabili :)

yung mga tomatoes ko ayun hindi pa rin nagkakabunga, unsuccessful ako dun. sa sunod bibili ako ng medyo malalaking paso o container. para maganda paglaki nila.

Meron mga tomatoes talaga sis na mahirap mamunga especially ngayong palaging umuulan. Mas mabilis sila mag-bear ng fruits pag tag-init. - sabi ng kuya ko ito ha  ;)

====================

Mga tanim naman ng kuya ko - ampalaya, tomatoes, okra, talong, pechay (pero ito hanggang 2 harvest lang then pinapalitan na niya yung nakatanim), malunggay, monggo (dati pero tinanggal na ito ngayon, nakakatuwa kasi binato lang nila yung monggo beans, ayun, tumubo na), bell pepper (ganun din, binato lang nila yung dried seeds, namunga na), oregano, lemongrass, aloe vera, sampaguita and parsley (bago pa lang ito). Maliit lang space ng pinagtataniman, kaya niro-rotate niya minsan yung mga tanim niya.

https://plus.google.com/photos/102015842788299703035/albums/5711821830972903665?banner=pwa
« Last Edit: February 22, 2012, 01:20:09 PM by HoldingOn »
"Learn & appreciate lessons from the PAST, do not worry about the FUTURE, focus on the NOW - then you  can you go into inner peace." --> new learning from my BK retreat experience

soumy01

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 174
Re: Gardening new thread
« Reply #10 on: February 22, 2012, 01:29:22 PM »
^ wow sis kakaingit tanim ng kuya mo dami. ganon pala yung monggo, first time ko nakakita ... 
buti pa yung sili niya may bunga yung akin pinuno ng aphids.  :'(
ginagamitan ba niya ng mga pataba tanim niya sis ganda ng bunga ng talong. pano kaya niya nacocontrol yung mga aphids?

best time pala ngayun mag tanim ng kamatis pasummer na.

HoldingOn

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 273
Re: Gardening new thread
« Reply #11 on: February 22, 2012, 01:55:39 PM »
^sis, pareho tayo, first time ko lang din makakita ng monggo na plant pa lang, hehe. si nanay ko, ang tagal mapuno yung iniipon niya na monggo, sabi ko dati ibili ko na lang siya sa palengke, ayaw niya, gusto daw niya siya pipitas. haha.  ;D

ginoogle ko pa kung ano yung aphids  :P wala po siya ginagamit na fertilizer or kahit na anong pataba. siguro maganda lang yung lupa. may bukid kasi na katabi yung subdivision nila, dun siya kumukuha ng lupa. yung talong, hindi rin naman nagkaroon ng aphids.  :)

yung ampalaya, yun, medyo nagkaroon ng konting pests (ewan ko lang din kung aphids din tawag dun). kaya yung ibang bunga ngayon eh mabilis magcolor yellow. pinapalitan lang ng kuya ko yung tanim kaya nawawala yung mga pests. niloloko nga namin mga kapitbahay, nausog ata nila, paano kasi, sprout pa lang yung mga ampalaya, kanya kanya na silang label ng name nila, pinapareserve na yung paghingi. hehe.  :D

siguro isang factor din sis kaya bihira magkaroon ng pests is because niro-rotate ng kuya ko yung mga tanim niya. like yung pechay, after ng 2 harvests, eh okra naman tinanim niya. then, after ng 2 harvests eh binalik niya yung pechay.

best time sana magtanim ng kamatis kasi summer na, kaso naman, ngayon kahit summer, umuulan  :(

tama si sis rinel310, very rewarding nga magtanim. ako nga na hindi nagtatanim, nakikipicture lang, everytime umuuwi ako sa kanila every weekend, super excited ako na makita kung ano na namunga sa mga tanim ng kuya ko. hehe  ;)
« Last Edit: February 22, 2012, 01:58:11 PM by HoldingOn »
"Learn & appreciate lessons from the PAST, do not worry about the FUTURE, focus on the NOW - then you  can you go into inner peace." --> new learning from my BK retreat experience

zidane

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 282
  • ImDis&Dat
Re: Gardening new thread
« Reply #12 on: February 22, 2012, 02:45:04 PM »
oo oregano yun... hehe.. ang bagal nga bumba ng tubig pag naulanan... pero in fairness tagal ng buhay niya khit me baha siya sa lalagyanan... pero namatay na din siya... gusto ko mgtanim ulit... gusto ko din yung harvest harvest effect...hahaha,...kaya tuloy mga games ko sa psp harvest moon, sa fb naman farmville, sa iphone naman zombie farm, basta anything na me harvest ni lalaro ko... ay ot na ata.. hehe
super single forever..

zidane

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 282
  • ImDis&Dat
Re: Gardening new thread
« Reply #13 on: February 22, 2012, 02:47:02 PM »
gusto ko yung pag gusto ko mg gulay pupunta lang ako sa tanim ko para mamitas... o db winner yun...  ;D ;D ;D
super single forever..

HoldingOn

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 273
Re: Gardening new thread
« Reply #14 on: February 22, 2012, 02:49:23 PM »
^haha! tama, winner talaga yun. sarap ng feeling  ;D
"Learn & appreciate lessons from the PAST, do not worry about the FUTURE, focus on the NOW - then you  can you go into inner peace." --> new learning from my BK retreat experience

soumy01

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 174
Re: Gardening new thread
« Reply #15 on: February 22, 2012, 03:03:43 PM »
tama mga sis sarap sa pakiramdam, minsan nga tinitigan ko lang. si hubby naman pag kagising dun nagpupunta tinititigan lang din mga tanim ko hehe.
sarap yung bagong pitas na talbos ng kamote sawsaw lang sa bagoong with kalamansi with prito , malutong kasi pagbagong pitas tapos alam ko pa kung san galing.

gusto ko talaga yung kangkong, maghahanap ako ng seeds nito.

zidane

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 282
  • ImDis&Dat
Re: Gardening new thread
« Reply #16 on: February 23, 2012, 08:38:58 AM »
ingit ako sau sis... tagal ko na tlg gusto nito... :(
madalas nga laging daya lang yung tanim ko... :o
ngpapakuha ako ng tanim na (medyo puno na, basta malaki na siya) sa province pag me lumuwas... ng pa dala nako ng kamatis, sili green, sili red.. tigok lahat... hay..nung ng try nga ako nuon ng mongo 2 inches lang ata ang nilaki tpos dead din... san ba kayo kumukuha ng lupa mga sis? me nabibilihan ba nito? yung maganda sana kc dito sa amin puro semento eh... try ko sana mg tanim ng kamatis ulit pero this time from scratch as in seed ang itatanim ko....
super single forever..

ragnamom

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 82
Re: Gardening new thread
« Reply #17 on: March 03, 2012, 12:51:55 AM »
pasali..naghahanap talaga ko thread about pagtatanim ng mga gulay. nagstart din ako magtanim sa mga paso [textspeak!] yung lupa [textspeak!] kinuha kolang sa bakanteng lote dito samin. Siling haba, aloevera at bawang palang natanim ko. Plan kopa [textspeak!] bumili ng mga buto para sa ibang paso ko na wala pang laman. Ang ginawa ko yung bawang kumuha [textspeak!] ako sa ref tapos pinaghiwahiwalay ko lang sya then itinusok ko sa lupa kalahati lang dapat nakalabas saka di sya dapat lagi dinidiligan kasi mabubulok sya, may mgausbong na at nakaktuwa talga. Yung aloevera ko dumami sya kasi itinatanim ko sayung mga maliliit na umuusbong sa tabi ganun [textspeak!] pla magpadami nun.Yung sili [textspeak!] ilubog lang sa lupa usbong na.  Nakakatuwa talaga...Can't wait na mamitas! Yung lupa para mataba sya yung isang pot ko nameejo malaki nilalagyan ko ng mga nabubulok na pag like balat ng prutas mga dahon-dahon nialagay ko dun para mabulok [textspeak!] dinidiligan ko araw araw kahit lupa lang. Araw-araw ko din binubungkal yung mga gilid ng halan para makahinga daw yung lupa . Pwede din naman pong bumili ng organic soil na nakasako. Since taga-calamba po ako mejo madali [textspeak!] po sakin pumunta sa los banos marami halaman dun. If sa Manila di ko  alam bilihan, Nung pumunta kami dati sa Cartimar sa Pasay yata yun may mga halamanan din po dun.

Plan ko magtanim ng mga petsay, kamatis kalamansi. maghahanap ako ng mga seeds ng parsley,lettuce at spinach magtatanung na rin ako kung paano itanim. Gustoko kasi ng mga gulay na yung. Maganda ang parsley para sa kidney bumibili pa kami sa supermaket nun para ilaga at inumin yung sabaw. Sayang di kami matutuloy sa tagaytay bukas plan ko sana  maghanap ng mga buto.

quennna

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1938
    • Buying or Selling or Leasing Properties??
Re: Gardening new thread
« Reply #18 on: March 03, 2012, 01:30:55 AM »
mukhang gusto ko ulet magtanim ha..
start muna ako sa pechay... good luck sa akin..
dream magkaroon ng garden na pipitasin m lang pag kailangan mo :)

HoldingOn

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 273
Re: Gardening new thread
« Reply #19 on: March 03, 2012, 01:34:31 AM »
^^hi sis, thanks for sharing experience mo sa pagtatanim, pero medyo marami po textspeak  ;) nakakatuwa naman ang taba ng soil mo. yung kuya ko kasi, pinapatuyo muna niya sa araw yung seeds ng sili bago niya tinanim. by the way, thanks for sharing about parsley. maganda pala sa kidney yun, ngayon ko lang nalaman. may tanim din kuya ko na parsley, masabi nga yan sa kanya.  :)

^goodluck sis. go! kaya mo yan  ;)
"Learn & appreciate lessons from the PAST, do not worry about the FUTURE, focus on the NOW - then you  can you go into inner peace." --> new learning from my BK retreat experience

 

ADVERTISEMENT
follow us
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
Featured Articles
28
10 Signs You Need a Diet Makeover
When your body talks, you need to listen.
10 Celebrity Holy Week Destinations
How did these stars spend their long vacays?
Be The Fairest of Them All: 5 Ways You Can Get Whiter Underarms
Discover the power of these whitening solutions for yourself!