^Tingin ko sis pwede yung akbay kung matagal na talaga kayong magkaibigan, buddy buddy. Pero yung kelan lang, di yata maganda yun. Kasi baka akalain ng ibang guys na interested sa yo, eh taken ka na at sya ang boylet mo, he he he.
May guy friend ako na umaakbay sa akin. Walang malisya yun dahil matagal na kaming magkaibigan. Pero sya lang yung nakakagawa ng ganun sa akin kasi nga komportable naman ako sa kanya. Alam ko naman na wala yun.
Kung di ka comfortable na inaakbayan ka, pwede naman siguro sabihin ng maayos sa kanya. Kasi sis baka mamihasa, akalain na type mo yung ginagawa nya. Mamaya nyan sa baywang ka na hawakan, e masuntok mo sya!