eto nangyari sa tinirahan naming unit sa pinakalumang cityland na nakatayo sa makati.
call center kasi kawi work kaya tulog kami sa araw, nasa duty naman pag gabi. during our first week of stay, madalas kami magising mga bandang hapon kasi kinakatok kami ng mga guards dahil nirereklamo daw kami ng mga nakatira sa unit namin kasi sobrang ingay daw. may nagd-drag ng chair, puro lagabog at ang lakas daw ng tawanan. kami naman eh umaapila kasi hello, tulog kami ng ganung oras kaya imposibleng kami ang gumagawa ng ingay. di na lang namin pinapansin until kami na mismo naka experience. nagising na lang kami minsan sa ingay nung naglalakad na nakaheels, papasok sa vacant room, may nagt-type gamit yung vintage na type writer. katakot talaga. tinitiis lang namin kasi libre since narelocate kami from clark to makati.
some of our experiences :
#1. nagpapatugtog ako ng mp3 gamit ang phone ko para bawas takot habang naliligo, which was a wrong move dahil bigla na lang tutugtog yung next song nang hindi pa natatapos yung current playing. lalakas at hihina yung volume. kakapangilabot. kaya i never dared to brush my teeth sa cr dahil baka may makita akong di ko kakayanin.
#2. speaking of brushing, si housemate na malakas ang loob nagtotoothbrush sa cr. bigla na lang lumabas at namumutla sa takot. according to her, habang nagbbrush sya ng teeth, may number of seconds na yung reflection nya sa mirror eh hindi gumagalaw, nakatingin lang sa kanya. naku kung sa akin nangyari yun, baka himatayin ako.
#3. natutulog kami tapos bigla na lang gagalaw ang bed. yugyog from left to right kaya hindi mo iisipin na may gumalaw lang sa mga katabi mo. hindi ko naman matingnan kasi baka may makita ako. after a few minutes of pagpapa antok, unti unti may nararamdaman akong pumapatong sa akin. mabigat as in nalulubog ako sa bed. that's the time na we decided to look for a place to stay na. aanhin namin ang libre kung impyerno naman ang nararanasan namin dun. scary.