If hindi maiiwasan ang kumain sa labas dahil hindi nakaluto, may alternative naman. Try to search for the perfect carinderia in your area na sa tingin nyo po ay malinis ang pagkakagawa or nakikita nyo kung paano nila niluluto food nyo. When I'm working somewhere in Mandaluyong dati and nagroom for rent, there's a kitchen available but there are times talaga na tatamarin kang magluto because of your work. Therefore, I scout the area and find a perfect carinderia or any na nagluluto na siguradong patok sa panlasa ko and at the same time, alam kong malinis. May nakita ko na dalawa na malapit sa MRT station at the same time malapit lang sa tinutuluyan ko. Affordable naman yung food. Around 25 pesos, compared sa mga food chains dyan na worth 50 pesos.
And also another tips, if may aso kayo sa bahay and there are times na you're eating outside like eating out sa mga food chains or restaurants, hwag mahihiyang ilagay sa maliit na supot yung leftovers nyo. Pwede yan sa aso. Sayang din, tinatapon lang nila yan e. I'm always doing that. Tuwang tuwa pa aso namin dahil may fried chicken pa sya. Di ba? :-D
Another thing when eating outside, don't forget to bring water. Instead na juice or bottled water na worth 25 pesos and up, bring your own na lang. Laking tipid din. ;-)
Another last tipid na ginagawa ko din, if you bought juice or softdrinks then hindi nyo din lang mauubos habang kumakain, just tell the cashier kapag mag-oorder ka ng food na pakilagay sa plastic cup na may takip instead dun sa baso. Pwede mo sya pang dalin after mo kumain, mauubos mo pa yung drinks mo.