Hello mga sis. I always visit this thread, ilang beses na rin ako nagcompose ng response but never had the courage to post it.
I also lost my baby last August 11. 33 weeks na sya nun sa tummy ko. I went to the hospital for check up lang and then dun nalaman na wala na siya, sabi ni Doc most probably mga 2 days na.
I had pre-eclampsia and sabi ng doctor, possible cause of death e hindi daw kinaya yung pagtaas ng BP ko. I had UTI, elevated blood sugar level nung pregnant pa ko. Then nung mga 6-7 months na, nagstart na tumaas ang bp ko and hindi na siya bumaba ng 160/100.
I read here yung about sa autopsy ng baby, I was asked sa hopsital dati pero I said no. I didn't realize na it would help to identify what caused her death. Sobrang gulo kasi ng isip ko nun and hindi pa nagsink in na wala na talaga si baby.
One thing I noticed talaga about my baby was hindi siya magalaw. Di na rin nagchange yung position nya, breech na talaga siya. I also failed to closely monitor her movements. But I always complained to my doctor about her lack of movement, wala namang sinabi ang doctor since everything seemed normal naman daw.
I was scheduled for a CS operation ng 1st week of September. Then July 31, the result of baby's nonstress test was normal. That same day, nagshopping na ako ng mga gamit niya. August 11, wala nang heartbeat na madetect yung doctor. Until the very last minute, kahit nung nasa loob na ko ng operating room, I was still hoping and praying for a miracle to happen.
Bago ako operahan, kinausap ako ng pinsan ko. She told me na ibigay ko nang maluwag si Baby Masie. Hayaan kong maganap ang kalooban ng Dios. Sabi ng pinsan ko, na baka kinuha ng Dios si Masie kasi she might have some internal complications/sakit. Mas masakit daw sa isang magulang yun. Yun na lang ang inisip ko.
After the operation, kapag wala na akong bisita and tulog na si hubby, iiyak ako and will talk to my baby. Lagi ko noong sinasabi na bakit di pa sya naghintay, 4 weeks na lang and dapat makakasama na namin siya. Ang dami kong gustong gawin for and with my baby. Sobrang devastated din noon si hubby and sometimes I can't help but think na baka sinisisi ako ng asawa ko and his family for losing the baby. Baka iniisip nila na ako ang may kasalanan kasi di ko inalagaan ang health ko. Pero sino bang magulang ang gustong mawalan ng anak.
Sa ngayon, I'm back to my old, jolly self. May mga times na matitigilan ako pag naaalala ko nangyari kay baby. Nadedepress din ako pag may mangungumusta about my baby, di kasi nila alam what happened and I find it very hard to casually tell them na wala na ang baby ko.
With everything that has happened, iniisip ko na lang na God has a reason for taking my baby. God is in control and He has better plans for us. Di din ako nawawalan ng pag-asa na someday we will be blessed again kahit isang baby.
This thread has greatly helped me to accept that my baby is gone and is now our angel. Thank you for the stories kasi kahit we do not know each other personally, para na tayong may support group. Pasensya na napahaba.
Malamang playmates na ang mga babies natin. God bless mga sisses.
"To every thing there is a season, and a time to every purpose under the heaven."