Sis pillowski, congrats again on your BFP . Salamat din sa pag-post ng info tungkol kay Dr. Jing. Sa kanya ako lumipat dahil sa ganda ng feedback mo sa kanya. Sana kami din, mag-BFP na rin in our Lord’s perfect time. 
Parang nabanggit nga din ni Dra. if nag femalenetwork daw nga ba ako.... Samahan mo lang sis ng sobrang pananalangin, before IUI nagsimba pa kami sa Quiapo, suwerte na may Mass nun, lam nyo mga sis na... nagbigay na ako ng deadline sa sarili ko, sabi ko hanggang 40 na lang ako, hindi na ako mag aattempt magkaanak pa, pero gagawin na namin lahat ng paraan para magkaanak para pag dumating ang time na matanda na kami eh maiisip ko na nagawa naman namin lahat.
Yung first month with natural namin eh...during my ovulation nag hundred island pa kaming mag asawa umakyat pa ako ng governors island which is 120 steps ata...nadelay lang ako ng isang araw sa period ko pero nagkaruon ako, day 2 nag start na ulit ako ng chlomene, then dire-diretso na kami sa IUI, and if nag failed nga eh mag IVF pa...
Very vocal kami mag-asawa na if maging successful ang IUI eh itutulong namin sa father nya para maipaopera un katarata na supposedly pang IVF.
Now naghihintay lang kami ng wednesday next week para sa Ultrasound para malaman if may heartbeat na si baby...
So far im feeling okay naman, except nag ka allergies ako, sinisipon ako. Para akong may fever pero pagkuha ko naman ng body temp eh normal naman...
Wala na un abdominal crampings ko.
Sore and tender breast merun pa.
Fatigue (especially after waking up in the morning)
Never akong nagka spotting o bleeding. Last un April 18 period ko... itinago ko na yung mga napkin ko...
Un BetaHCG ko at 5 weeks and 3 days is 15410.5
Mataas daw sabi ng secretary ni dra. Nagdodoubt tuloy kami baka twin. Kasi madami akong follicle nun nag IUI.
So getting pregnant pala is waiting and waiting...first nun nag 2ww, then now waiting for another week for the ultrasound....
Tama ka sis raylet...ibibigay talaga sa atin in our Lord's Perfect time....Baby dust to you!