sis jhoanne, yes apas din ako. i've had LiT na treatment na and hindi naman nirecommend sakin ng dr. ang ivig ang intralipids.
ganun pala yun pag apas? di ko alam yun. thanks for the info. 
btw, can you share with us yung experience mo nga pala with iui in the LIT thread? you mentioned that you didnt have sperm washing and that you did the IUI sa clinic ng OB right?
magkano inabot yung procedure sayo?
sakin kasi sa Victory ART lab ginawa, and may sperm washing.
sa ibang mga sis, saan nyo pinagawa IUI and how much inabot?
hi sis, about sa IVIG and intralipids depende siguro sa situation ng patient kasi sa amin nabanggit nya aside sa tinanong ko talaga sya if need namin magpa ganon. Magpapa ganito daw kami if mataas talaga ang NKC ko so baka depende talaga sa patient.
about naman dun sa late development ng baby, dito ko nabasa yun eh sa APAS thread.
sa victory art pala IUI mo sis kala ko sa clinic lang ni OB, gusto ko din mag try ng IUI sa ibang OB pag namiss namin this month eh.
about naman dun sa IUI ko, sa clinic lang kami nag IUI kahit before dun lang din namin ginawa (naka 2 IUI na kami kasama yung ngayon). Ang protocol is take Ovamit day 3 to 7 3 x dy then FM ng day 14 tapos ok naman sila follies ininjectkan ako ng Pregnyl (pinabili pa namin sa Saudi) tapos kinabukasan FM ulit lumaki lalo sila follies and we decided na magproceed na to IUI. Ang procedure naman is hihiga ka sa bed then insert speculum tapos insert ng catheter then iinject na yung sperm (we did not do sperm washing kasi wala services yung hospital for that) pero inassure naman ni OB na safe yun. Then after that naghintay pa ako ng 1hour saka pa lang tinanggal yung catheter. For me na mababa ang pain threshold sobrang sakit talaga from opening ng cervix para makaaccess sa uterus yung catheter tapos i have to wait 1 hour pa sobra yung contraction iyak talaga ako ng iyak sabi ko nga sa husband ko kinabukasan nag eskandalo ako sa clinic eh.
Actually, before pa ako magpa IUI nag search na ako sa net and i find out na tama naman yung procedure aside sa sperm washing. Yung 1 hour na waiting time is to make sure na nakalangoy na ang sperm is OB's way of assurance na lang. Yung catheter used for me is tama naman according sa readings ko nagtataka lang talaga ako bakit sya masakit maybe because hindi na wash ang sperm kasi sabi sa nabasa ko important daw ma wash ang sperm to make sure na healthy ang makakapasok sa uterus and para walang contractions. Pero all in all kinaya ko naman yung procedure he he he. Kinabukasan ang FM ulit kasi sabi pag hindi pa nag burst ang follies mag IUI ulit luckily nagburst na sila sabi ng OB nadinig daw yung iyak ko ng follies the other night ha ha ha.
about sa expenses naman, wala kami binayad sa OB kasi family friend sya (ninang ni hubby sa binyag and ninang namin sa kasal) but may expenses din kami kasi nag take ako ng Ovamit and nag pregnyl kami plus yung syringe and catheter. Ito yung breakdown:
Ovamit (3xaday) 15pcs 1,500.00
pregnyl shot (2 ampules x 275.00) 552.00
Ultrasounds 1,315.00
catheter and syringe
130.00total 3,497.00