Family & Parenting > Family Issues
frustrations sa mga kapatid.
lonelymiss28:


i just want to share my frustrations sa mga sibings ko. i have 4 siblings na puro lalaki 3 are older than me and one 14 years younger (23 yrs old). nakaka frustrate lang mga sis kasi 3 sa kanila tinulungan ko na makapag abroad (Canada), may employer na, LMO (labor market opinion), then ako pa gumagastos sa lahat pati pamilya nila kasi nga pag naglakad ng papel di muna nag work para maayos paper nila so kung magkano sinusweldo nila yun din pinapadala ko plus yung gastos sa paperworks, pamasahe, miryenda etc. iba pa yun. kasi kung di ko papadalahan ng pera para doon ang idadahilan walang pamasahe kaya di nalakad yung papel etc.

Nakaka frustrate mga sis kasi sasabihing kumpleto na sila ng paperworks at LMO na lang ang kelangan para maipasa sa embassy yung docs then pagkatapos kong ipadala LMO, saka sasabihing lalakarin pa nila yung ganito ganyan kasi di pa kumpleto samantalang they have all the time to do that while waiting for the LMO na galing Canada.

Once maipadala ko na LMO (at nagkukumahog akong ipadala yun), wala ng update samantalang mayroon naman kaming magic jack, fb, e-mail ako pa tatawag tru landline dahil di nag oonline, at yun ang sasabihin na marami pang aayusing papeles, at di maayos ayos dahil may sakit anak, or umuulan, masyadong mainit sa labas etc. after 3-4 months malalaman ko na lang na di nagpasa ng papel sa embassy dahil di na lang daw aalis (3rd brother) and yung isa (eldest) talagang di nagpasa ng papel at sinabing nagpasa ng papel at ito yung latest (bunso)na di pa kumpleto ng papel (kakausap ko lang sa kanya 30 mins ago) dahil i e-mailed him the LMO yesterday.

I was very upset when he told me na di pa pala kumpleto mga papeles nya samantalang di na nga sya nagwo-work para may time syang asikasuhin docs nya, and sinabi lang nya sa akin kanina samantalang sabi nya last time kaming nag-usap na LMO na lang hinihintay nya and kumpleto na papeles nya. He even told me na di daw ba ako nag-iisip na baka one of this day ay magbago isip nya at ayaw na nyang mag-abroad, so I told him na walang mawawala sa akin kung di sya mag-abroad pero sa kanya meron at yun ay opportunity.

Kaya nya sinabi iyon dahil upset akong kausap sya dahil di pa ayos papel nya.

Mga sis, ang di ko maintindihan, na sobrang dali na sa kanila ng opportunity di pa nila maisip mag abroad samantalang mahirap lang kami sa pilipinas. nakikitira lang mga siblings ko sa apartment ng parents ko na one bedroom at marami silang anak. Kaya sobrang naaawa ako sa mga pamangkin ko na di man lang nakaranas ng maginhawang buhay. All of them nga pala ay working sa call center sa makati at taga valenzuela kami so pamasahe na lang magkano na, pagkain pa.

2 sa kanila ang papel ay caregiver (ako ang employer) at yung isa ay provincial nominee (buong pamilya ang pwedeng pumunta dito). Yun lang kasi ang kaya kong itulong na papel sa kanila dahil mahirap talagang makapaghanap ng employer dito na kukuha sa ibang bansa ng tao. So kung ano lang ang magagawa ko to help them ay yun lang makakaya ko. Yung mga time na ayaw pa nilang pumunta dito ay kinuha ko friend ko as caregiver at ngayon ay inaayos na nya resident status nya dito pati family nya.

Mga sis pasensya na po kayo sa mahaba kong sulat dito. Siguro ang lesson sa sulat ko na ito ay kung mayroon mang tumutulong sa atin in one way or another, ang pinakamagandang sukli natin sa kanila ay pagandahin natin ang buhay natin para naman masabi natin na di sila nagkamali na tinulungan tayo.
ysa.belle:
ang hirap ng tulong ka ng tulong but yung mga tinutulungan mo wala naman atang care sa ginagawa mo for them.
angel_babyteen:
Sayang,ang swerte swerte sana ng mga kapatid mo :-( sana marealize nila opportunity na pinapakawalan nila,dami dami nagpapakahirap sa mundo makarating lang sa ibang bansa at magkaron ng magandang buhay :-( isa na ako dun.try mo ulit sila kausapin,sabihin last chance na yun,di ka na tutulong ever pag pinakawalan pa nila yun.
lonelymiss28:
thanks sisses sa pag read ng mahaba kong message. Ang hindi ko maintindihan ay bakit di nila maisip ang opportunidad. Napaka hirap mag abroad malaking pera ang kakailanganin, samantalang sila di na nila iisipin san kukuha ng panggastos, employer, ang gagawin na lang nila magpasa ng papel sa embassy dahil direct hire sila.

Kung katulad lang dati ang pagkuha ng tao sa pilipinas like 4 years ago marami pa akong matutulungan kaso bukod sa mahirap na ngayon ay magastos pa. and it takes time dahil processing ay 1 year then contract ay 2 yrs so every 3 years ako pwede mag hire ulit.

About sa pagbibibgay ng chance sis at kakausapin sila ng masinsinan, ginawa ko na rin yun yung isa sa kanila 2 papel na ang nakuha ko para lang makapunta dito. Yung una direct hire sa fishery as contract worker then umayaw dahil gusto daw nya lahat silang pamilya so naghanap na naman ako ng way so naisip ko provincial nominee then pinasok ko papel with employer sa carehome na walking distance lang sa amin para di na sila mamamasahe at malaki naman ang sweldo.

Yung pinapakuha ko na docs including their 2 kids, nakupo picture lang di pa makapag pakuha sa studio it took them 2 months para lang mabigay pics sa akin and another 2 months for passport dahil wala raw silang time samantalang sis-in-law ko ay wala naman work pero di raw makaalis dahil gusto kasama si brother ko. Ang hinihingi ko na lang sa kanila time to work on their docs di pa nila magawa ako na gumastos lahat dahil pag di ko gagawin yun sasabihin nila kaya sila di makaalis ay walang pera...grabe talaga as in grabeh ... kulang na lang ako pa aayos ng papel nila sa pinas kaso di ko magagawa yun dahil andito ako.

Iniisip ko baka ako ang may problema pero sa totoo lang nakakarinig sila ng di magandang salita sa akin pag sinabi na nilang di sila tutuloy sino ba naman ang di makakapag salita ng masakit eh sayang yung opportunidad na papakawalan nila yung pera mapapalitan iyon pero yung opportunidad napaka hirap hanapin yun.

Minsan nga may nababasa akong gusto talagang mag abroad yung mga sisses nating naghahanap ng opportunidad para lang gumanda ang buhay sa ibang bansa, naiisip ko tuloy kung ganyan lang sana kapatid ko matagal na silang andito or kung kapatid lang sana kita andito ka na. kaso minsan unfair talaga.
angel_babyteen:
^hindi sila interesado,ginawa mo na part mo,wala na silang masusumbat sayo,bawas bawasan mo na rin padala sa kanila para di sila umasa,bayaan mo silang panindigan choice nila,kung sumbatan ka sumbatan mo din,hehe :-P sana ate na lang kita para di ako nagpapakahirap dito makapunta lang dyan :-)
(1/25) > >>
Navigation
Message Index

Next page