nung july lang, kausap nya yung ex nya, ayaw na ayaw kong kinakausap nya yung ex nya dahil si bf my pagkalandi na rin, hindi alam ni bf na pinapakiaalam ko yung fb nya hindi nya alam na nahahack ko yung fb nya, naguusap kami ng bf ko sa fb about sa bago naming iintroduce na product para sa business namin kaso hindi constant yung pagreply nya may mga gap na 5 to 10 mins yung gap, ayaw ko pa naman sa lahat yung naguusap kami about business tapos ganun sya hindi kaagad nagreresponse so hinayaan ko na muna sya, sabi ko saka nalang tayo usap kapag hindi ka na busy, nagstart kami magusap mga 10pm ata or 11pm hinintay ko sya gang 12am to 1am, pero sabi nya matutulog na daw sya kasi may work pa daw sya kinabukasan so ako naman understanding sige tulog ka na, then nakahiga na ako, hindi ako mapakali, kahit anong side ko sa pagtulog hindi ako makatulog, ako naman sige check ko na fb nya tutal last june hindi ko pa nacheck..around 1am to 2am chineck ko, gulat nalang ako sa message nya na kausap nya yung ex gf nya, tinatanong nung bf ko kung kelan daw ikakasal yung ex nya and ganun nrin naman yung ex tinatanong king kelan kami ikakasal, mahaba yung usapan nila pero eto yung pinakanagpainit ng dugo ko
xgf: pakaksalanan mo ba si alex001?
bf: alam mo...hay, ewan ang mean pero,,,hindi ko sya nakikita as asawa ko eh, sa ngayon ha, ewan ko baa magbago ihip ng hangin
xgf: ayoko sana magtanong pero like, bakit hindi ka sigurado kay alex001?
bf: kawawa ako lage sa kanya,

im deprived of affection and appreciation, lagi ako nahahassle pag problemadi sya, pag ako may problema, di ko naman sya maasahan...ewan
xgf: dahil siguro kasi wala syang alam sa business?
bf: ok kami sa business, siguro she thinks more of herself lang talaga.
pinakawinner sa lahat
bf: ikaw minsan hinahanap ko sa kanya...honestly
nung nabasa ko yang mga yan...naku napamura ako ng bongga, gusto kong magwala, 2am tinatawagan koko sya sa landline nya para maexplain nya kaagad sakin yun, feeling ko kasi nagawa ko naman yung part ko nun, as in halos lahat binibigay ko, dahil aalis na sya dis october to work abroad and ako ginagawa ko lahat para lang hindi kami magaway, yung mga kaibigan ko at yung bestfriend ko nagtatampo na sakin dahil hindi na ako sumasama sa mga lakad namin, yung business ako nagpapatakbo, kapag may problem sya apektado yung relationship namin wala siyang oras sakin, halos makiusap pa ako sa kanya magkaron lang sya ng time for me tapos ganito pa mababasa ko, ang sakit lang...then every sunday tinatanong ko siya kung may prob, wala naman sya ng wala..
nakipaghiwalay ako sa kanya nun, kasi ang sakit hindi nya pala ako makita as wife nya someday pero nagkaayos rin kami pero mas wise na ako ngayon, yung pera sa business hati kaagad, yung plan ko para sa future ako nalang wala na siya, ayoko na kasi maginitiate ng kung ano ano lalo na kapag sa future...nagsorry sya sakin, nasabi nya lang daw yun pero nagkamali sya, nagalit nga yung bestfriend ko sakin kasi tinaggap ko pa sya anong magagawa ko t**** lang ako sa kanya...pero i can say na mas wise na ako ngayon, hindi na ako yung nagiintiate sa lahat, sya na nagpaplano....pangit nga ginagawa ko ngayon dahil nasaktan lang ako kaya ganito, ginagwaan ko pa rin ng paraan para maging ok kami ulit pero dahan dahan, nung july pa to pero yung sakin andito pa rin akala ko ok na ako pero hindi pa pala hehe
sorry for the long post!
