ging & mommy, oo, si jay sa ayaw at gusto niya, nakita na siya ni jade kung paano magwiwi. diba ginagaya pa nga ni jade nung minsan. hehe. may papisilpisil pa. haha, akala niya yata ganun yun. tee hee!.
ay oo, no choice lang kasi kami kaya nagtitiis kami kasama sila. pero kung ako tatanungin mo, kung hindi lang issue ang pera, never mangyayari ito. kahit ishoot moko sa maliit na apartment, kahit nung nag uumpisa palang kami ni jay, kaya ko magtrabaho sa bahay mag isa.
tsaka hello! siya nga e galit na galit sa mommy ni f i l hanggang ngayon, pakialamera daw, haha! look who's talking. tapos ginagawa niya sakin ngayon yun, gumaganti sakin, manugang sa manugang???
kaya wag ka papayag, nananahimik na kayong mag asawa dyan, kahit maganda pa intensiyon ng family ni jeff, iba pa rin may privacy. di bale sana kung may history na sila na hindi talaga nakialam, ever.
ging, oo june andyan kami, preggy ka nanaman sa pic hehe. sana mas marami tayo mag EB nun.
mommy, haha! talagang hindi mo mapigilan noh, hehe. sa simbahan ka pa nagkwento.
sabyan yu la mu nung mabubusit na kayu kaku neh. dito ko lang naman kasi nailalabas lahat ng inis ko sa kanila. :-)
kahapon, maghapon nanaman kami nagkulong ni jade dito sa kwarto. paano e abot nanaman ang plastikan ni mil at mr muscle. ewan ko ba bakit pag nagkukwentuhan sila e parang may mic ang mga lalamunan, akala mo sila lang ang tao dito sa bahay. o pinaparinig lang sakin na close sila, with matching tawanan pa. keber!
tsaka mabubusit ku. umaga palang kaya e nakibwena mano nanaman si mil. nauna ako sa kusina, nagluluto ako ng baon at almusal ni jay at jing. aba nung pumasok siya ng kusina e magluluto din. sumilip lang ako sa kwarto sandali e pagbalik ko sa kusina nailipat na niya yung kawali ko sa maliit na apoy at inilagay niya yung kawali niya sa malaking apoy. neng galing! sabi na pamo,
mil: ay nang nilipat ke karin kasi mayna ku gamat, malaut, ampo madagul ya ini.
sabihin ko sana, may magagawa ba ako?

as usual, no comment ako. tinapos ko na nga yung niluluto ko at nilinis ko na din.
lumabas lang ako mga 5pm na, nung nadinig ko na umalis na si mr muscle. magluluto na ako ng dinner.
lawen yu ne. neng ka dependent naman kaku. ni hindi nagsaing, yung sinaing ko kinain nila ni mr muscle, for sure e kinutsara nanaman nilang dalawa yun. walang balak magluto ng ulam. tapos nung dumating si jay e nadidinig ko si mil, "maranup na ka tong? maglutu ku sanang pinakbet e. pamo..."
kaybat eneman tinalakad, pano sabi siguro nasa kusina na ko nagluluto, kaya ako nalang bahala.
siguro yan, hinihintay ako lumabas niyan, tapos sasabihin, "o nang, ilutu mu ne itang pinakbet". kabisado ko na kaya yan. dinadaan ako sa utos alam niyang nahihiya akong tumanggi.
edi nagluto ako tokwat baboy. nung naluto na, naghain na ako, tinawag ko na yung mag aama sa kwarto. sakto dumating si f i l. nako, sabay sabay kami kakain. take note, may nakatambak nanaman sa lababo, pinagkainan nila ni mr muscle nung tanghali. mapipilitan nanaman na ako maghugas ng mga yun.
edi kain kaming lahat, si mil dahil sa sobrang taas ng pride niya, hindi kumain ng tokwat baboy. e kung nun lang yun, kahahapag ko palang siya pa unang sasandok dun kahit dimo tawagin, "ay kanyaman! mangan ku pin." sabyan na pa. hindi ko nga pinansin. si f i l kumain, or nagpapakapolite lang siguro dahil baka sabihin ko nagluto ako e hindi man lang nila tinikman.
si mil, habang ang sarap ng kain naming mag anak, pinagtiisan niya yung manok na binili sa carrefour. ni hindi nga nag rice e, alam na alam mong ayaw niya yung kinakain niya, napilitan lang kumain. nakikipagmatigasan sakin na hindi siya kakain ng luto ko, aba edi wag! hehe.
naunang natapos si mil dahil hindi siya nasiyahan sa kinakain niya. sunod si f i l. nung natapos kami kumain, sinisimulan ko palang kolektahin yung mga plato e (siyempre kasama yung sa kanila ni f i l) kinatak ne po i mil.
mil: wag mo na ligpitin yung pinagkainan namin ng daddy mo anak, ako na magliligpit niyan. mauna ka na maghugas ng pinagkainan niyo.
take note again, paawa effect pa yung boses, alam niyang andun si jay e. hindi ko alam kung ano reaction ni jay nung nadinig niya yun dahil habang sinasabi ni mil yan, hindi ko sila pinansin, kunwari wala ako nadinig. nainis ako e. pinapadinig pa talaga kay jay. o sige, siya na api. haha.
pagdating ko nga sa lababo, sa bwisit ko sa kanya, dahil may paarte effect pa siyang ginawa, imbis na huhugasan ko na sana lahat ng kalat, hinugasan ko lang yung dala ko. hinayaan ko nga sa lababo yung naunang kalat dun. tinago ko na yung tokwat baboy. tapos! hehe.
inabutan ko pa kaninang umaga yung kalat na yun. haha. tapos dinagdagan pa ni sil at mr muscle kaninang almusal. sawa niya!
ngayon wala nanaman yata balak magluto. ako tanghali palang nagluto na ako ng pang dinner. menudo. lawen ke nung e ya pa rin mangan. :-)
ate joyz, iyang mangunsumisyon kaku, dahil ako e matigas din ako. pag ayoko, ayoko. pag diko feel, hindi ko sila papansinin. sawa niya, isang sabi ko lang sa mga bata na pumirmi dito sa kwarto hindi lalabas mga yun. sigurado aarte nanaman yun kay f i l at jay na kinukulong ko mga apo niya dito sa kwarto, hindi niya nakikita. ay rugo. haha. best actress ya!