Mga sis pahingi naman ng advice. I do not know to make new topic pero since this is construction related din kaya dito na lang ako nag post.
I am living abroad. I am building a house at the moment for my mom kasi victim sila ng ondoy kaya I decided to transfer them to a new home. I hired an architect. She belongs to the well known architect dyan sa pinas. I hired her kasi she met my requirement sa house na gusto namin. My budget is 6M for house construction hanggang sa maging 6.5M tapos 1M para sa interiors (sa kanya ko na rin kinuha ID services). Ito ang usapan namin ng architect. We had a bidding then I chose this contractor na na meet ang budget namin. Sa kanya galing ang lists ng mga bidders. This contractor na nanalo sa bid eh referred by one of the contractors nila. Then here comes the problem. The construction is now delayed. Hindi nag sasubmit ang contractor ng mga required paperworks nung una. Nag meeting kami with him. Pero talagang mabagal sya. At ang workers nya between 10-14 lang. In 2 months eh nasa second floor pa lang kami. For pouring pa lang ng slab. May mga minor problems sa gawa pero inayos naman ng contractor ng i-check ng structural engineer. I talked sa contractor na if he is willing to commit sa project. Sabi nya na tatapusin daw nya project at halos mangiyak ngiyak pa ng kausap ko. He already submitted yung required paperwork na hiningi ng architect. Laging nag oovertiime na sila kahit linggo. Okay naman sa ngayon yung gawa nya at may regular checks naman from the team of the architect. But this architect of mine wanted me to change the contractor. Nung una ayaw ko dahil sabi ko nagbayad na ako ng unang payment at late na para magpalit. Kung ano ano tinext sa akin ng architect ko about sa unang gawa ng contractor na palpak. Sobra ako stress talaga kasi alam ko na magagastusan ako. Pumayag na rin ako. Then now eh walang gustong mag take over dahil sinabi nya sa mga contractors yung mga minor problem ng current contractor ko. Tapos laging sinasabi ng architect ko na nasa akin daw ang desisyon. Sa totoo lang naiinis ako sa architect ko na para bang ako ang may kasalanan na itong contractor na ito ang kinuha ko. Eh sa kanya naman galing ang list of bidders. May isa kasi akong contractor na gusto talaga pero sobra mahal at way over talaga sa budget. From the very start eh she knows na wala akong alam sa construction at nasa abroad ako. I trusted her na she will give me the best ones. Tapos ngayong nagkakaproblema na eh sa akin ipapasa. Pumayag na ako sa gusto nyang magpalit pero walang may gusto. At pumayag na ako na magbabayad sa iha-hire nyang empleyado para sa transition if ever. Para daw sa paperworks. I am having chest pain because of too much stress. Sa architect ako nai-istress ng todo. Then di na nya na meet ang budget ko. May mga owner supplied pa kasi na natira na di kasama sa bidding. Yung pinaquote nya na mga windows at ibang owner supplied eh mga high-end that costs millions. So sumobra na talaga sa 6.5M na budget na pinag usapan namin. Yun pala eh the more na mas malaki ang total construction cost eh may makukuha pa sya doon na fee. I feel betrayed by her. Alam nya na loan lang ito sa bank at paghihirapan naming bayaran ang loan na ito. Di ko naman sinabi sa kanya na gawing high end ang bahay ko. BAsta binigay ko ang budget ko dapat dun nya winork-out dapat. Nag email na ako sa kanya at sinabi ko mga hinaing ko. Di pa sya sumasagot sa email ko.
Ang kinasama pa ng loob ko during the time na nagkakaproblema sa contractor eh i-text sa akin na "i get what I paid for". What does she thinks of my 6.5M, a piece of s***

!! Dun ko din nalaman na ang mga contractor na kilala nya eh puro sa mga high end construction usually ang gawa. Ito kasing current contractor eh ni refer lang at never pa nyang nakatrabaho. So bakit nya ipapasa sa akin ang problema? Panay ang sabi nya na they only recommend contractors that can meet their standards. Then why did she let this current contractor to be included in the bidding in the first place? Yun pla di nya kilala pina bid nya.

Dalawa na sa mga kakilala ko ang nag advise na ang palitan ko daw eh ang architect. Naisip ko na rin yun kaso sino ang mag take over ng construction ng house namin. Yung contractor eh okay naman ang gawa sa ngayon at may contract naman so pag may mali eh aware naman sya na papalitan nya. Pero talaga lang mabagal sya. At nakausap namin ang isang ginawan nya ng house at okay naman ang review nya about my current contractor.
Sa totoo lang yung isang nag advise sa akin eh dating engineer consultant ng Eton pero retired na. Sabi nya eh okay naman daw gawa ng contractor ko when he sees the pictures of the construction. It is too early to say naman daw na lugi ako. Sya nagsabi na architect ang palitan ko. YUng asawa ng kasama ko dito sa abroad na builder eh same ang advise.
Pag
[textspeak!] pa ring makuhang papalit eh I have no choice but to stay with my current contractor. Pero I will point out to my architect na she is the one who put me into this mess so she should deal with the problem. I have done my part. I have listened to her already so she should give the services that I required of her.
She told me before na dapat daw singilin ko contractor sa mga stress na binigay sa akin pero sa totoo lang itong architect ko ang nagbigay sa akin ng stress. Nagkakasakit na ako dahil sa kanya. I don't want to talk to her now dahil baka magka chest pain na naman ako.
What advise can you give me about my situation mga sis? It is a hard earned money at nangarap lang kami ng magandang house at magaling na architect to build our dream house knowing na we will be in good hands pero ito ang napala namin.
Tapos di ko alam na pag may sinabi kami na may supplier kaming alam eh hihingin sa amin yung contact numbers para sila na raw ang mag aasikaso. Yun pala may fee sila na siningil sa pagaasikaso ng mga quotations. okay lang sana kung sinabi sa akin kaso nagulat na alng ako nung i-bill sa akin eh. In short may mga hidden fees sya. She really is very tricky.
