kami ng fiance ko, we both know each other's passwords kasi wala naman kaming tinatago sa isa't isa. parang hindi naman naging pwersahan yung pagtanong. parang it was a "test" before e. naka online kami nun sa bahay namin i think. nag FB kami tas magkatabi kami. di ko maalala kung sino samin yung nag oopen ng FB kung ako or sya, but anyway, someone from the two of us joked kung ano password. basta dun nagsimula so nalaman namin passwords ng isa't isa.
pero hanggang ganun lang. never namin pinakialaman mga FB namin. kahit ako even if alam ko password nya, alam ko namang wala siyang tinatago so i really don't bother checking it. wala din syang makukuha sakin. so matter of trust lang talaga. hindi ko rin kasi ugali makialam even yung cellphone namin, di namin pinapakialaman, pero pag gusto mong tignan, you're free to do so.