hay naku...itong house help namin (hindi 'yaya', no kids na inaaalagaan or pets) two weeks ago di pinayagan umalis ng hubby ko, sabi ba naman "hindi naman pwede sa akin yan kapag may personal na lakad ako..." hanggang end of this year na lang daw siya.
abuso. 2 days in a month ang allowed niyang off. naging every sunday na simula nung nagsisimba siya sa new religion niya kay Quibuloy; kingdom of jesus christ ata yun. tapos di na nga namin siya binawasan ng pay kahit na dumami ang day off niya, may sideline pa siya sa lola ko halfday ng monday(100) at friday(100), wala ring bawas sa pay. may sideline pa siya ng sunday sa kapatid ng hubby ko (300). we give her 3K+philheatlh. kahit buong araw siya nanonood ng Quibuloy show at nakikipagkwentuhan sa cell, hinahayaan ko lang. pareho lang kami ng food sa kanya, di kami mahigpit. may extra netbook rin kami sa bahay, so sarili niyang use yun. naka hook rin sa wifi sa house yung android phone niya.
2 lang kami ni hubby sa house (+HH), no kids, no pets. halos wala siyang pupunasan dito kasi we keep everything sa loob ng cabinets because i don't like clutter. di rin kami nagpapa-plansta sa kanya.
napansin ko na yan, since nagstart siya dun sa religion na yun, kapag aalis kami ng house ng hubby ko, magpapaalam din siya lumabas, siguro iniisip niya wala naman siya gagawin. mostly, half a day tapos na duties niya.
sabi ko nga sa hubby ko, mukhang sa pagkakasagot sa kanya feeling ng HH siguro she is still entitled to more day offs. sabi ko rin kung sa tita ko or lola ko nasabi ng HH yung ganun, malamang ang sagot sa kanya nun, "aalis ka pala, sige umalis ka na ngayon!" ang sa akin naman kung she needs a free day for unwinding talaga or a raise in pay...willing naman akong pag-usapan yun pero hindi yung parang utang na loob pa namin sa kanya. narinig pa ni hubby sabi ni HH sa cellphone sa kausap niya, "wala akong dayoff kasi nagsisimba ako kapag sunday" hello? kasalanan ba namin ni hubby yun?
kinausap niya si hubby the other day ayaw naman daw niya umalis na masama loob namin, mas gusto raw niya i-explore yung stay out na pagha.house help. (hindi sa house namin) sabi ng hubby ko siguro kasi nakakilala ng friends sa new religion kaya gusto maglalabas, maglakwacha. ayoko na nga lang maiinis baka maging wrinkles lang, pero i can't help it.