Ako naman ang practice naman, never kaming pumunta sa isang party ng walang gift, ibabaon ko na lang ang mukha ko sa semento kapag nangyari yun, LOL.
But, sa parties namin, hindi naman ako nag eexpect, pero ewan ko dati aaminin ko, nakakatampo pa din lalo na pag ka close mo eh walang dalang regalo, buti nga sana kung hindi ko kadikit, at kung hindi kayang bumili ng gift, maiintindihan ko pa.
Saka sa gift, hindi naman ako nagexpect ng mamahalin, kahit mumurahin yan, sabi nga its the thought that counts, diba, ang hinahanap mo lang ba eh naalala nilang bigyan ang birthday celebrant, na for me eh big deal yun, lalo na kung kadikit ko.
Oh well noon yun. Nasanay na rin ako, ngayon, may regalo o wala, hindi ko na ginagawang big deal, ang mahalaga nga eh nakarating sila sa party lalo na at kung malayo pinanggalingan nila

Natuto talaga akong mag pa confirm ng attendance, kasi nung 1st birthday ng anak ko, pang 200 yung food kasi yun ang ineexpect ko na bilang, grabe mga 70 lang dumating, lol, aalog alog kami sa party, laki ng venue, daming food, tapos ganun, super learned lesson ko yun, nadala ako noon, kaya talagang eto natutunan ko:
1. Maaga pa lang sinasabi ko na ang date, so may save the date ako kahit children's party lang, tapos 2 weeks before the party, paalala na naman by giving final invitation, tapos 3 days before the party, tinatawagan ko talaga isa isa yung mga hindi nag confirmed, I'd tell them straight, need ko malaman kung aattend ba sila or not. --> eto talaga kung may save the date ka na, nag confirmed tapos hindi umattend, iisa lang ibig sabihin nun, hindi kayo mahalaga para sa kanya, so banned na siya sa next parties.
2. Hindi ako fan nung invites na kulang kulang ang details, parang feeling ko hindi lang tama, mas mabuting manghingi na lang ng confirmation, but the party details are all there.
Sa kultura kasi ng Pinoy, napakahirap mag say ng NO ang iba. They rather say yes sa confirmation, tapos hindi na lang aattend, akala nila mas magalang yung ginawa nila. Hayy..