Get weekly updates via email!
tip of the day THU 23 OCT 14
Accidentally get super glue on your skin while finishing a home project? Soak it in acetone and wash with soap afterward.
  • Good House Keeping
    Judy Ann Santos-Agoncillo returns to our cover this September issue and gets candid about money, marriage, and motherhood.
    Good Housekeeping
  • Women's Health
    Drop two sizes fast—with simple exercises you can do at home! This month's ultimate weight-loss special shows you how. Plus, real women share how you, too, can shed and keep off excess weight for good.
    Women's Health
GIRLTALK

Author Topic: Horror Guests  (Read 28953 times)

ms.libra

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 349
  • too blessed to be stressed :)
Re: Horror Guests
« Reply #100 on: November 06, 2012, 05:47:28 PM »
^natawa naman ako sa comment mo sis na pedeng isahog sa ulam lol.

Yung mga nakikita ko naman sa mga party na buffet, kung makakuha ng food ibang guest 3 plates each! pabalik balik pa agad, hindi man lang ubusin muna yung nasa plate niya only to find out na hindi pala niya type yung mga nakuha niya so ang ending iwan na lang yung sangkaterbang food sa two plates.
You will never know how far you can go from the point you thought it was the end...

aleng_maganda

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 504
  • SAHM! and i love it...
Re: Horror Guests
« Reply #101 on: November 07, 2012, 12:26:00 AM »

  I have kwento naman about sa nag bigay ng party. Actually wedding to...
 
 - ang nakalagay sa invites 8am, pero ang wedding nila nag start ng 11am, so everyone wake up super early kasi need pa mag prepare kasi make up and byahe. 1hour drive ang venue nila from our place. Natapos ang ceremony nila ng mga 1pm na including pictorial and all. So nasa hotel kami for reception ng mga 1:30om ayaw pa mag papasok nung mga organizer (mga sisteraka ng Groom) as in nasa labas kami ng function hall ng hotel nakatayo and waiting for hour. Inis na inis na mga bisita kasi nga naman gutom na tapos sakit na mga paa kasi mga naka heels.

   Tapos, parang pila ng bigas na isa isa sinisigaw (sinisigaw talaga) ang pangalan para makapasok ka. To think nasa fivestar hotel kami I mean gusto ko sabihin na, you invite us na sobrang aga tapos ngayon para kaming refugee makakain lang. At kung makasigaw ng pangalan parang classroom lang tipong " o, makinig kayo ha, pag tinawag pangaln nyo lapit dito" ganon, hindi man nila naisip na respetado yung mga tao especially mga ninongs and ninangs. Tapos feeling nya siguro walang nakikinig sa mga sigaw nya, binato nya yung listahan nya at nag walk out sya. Bongga, binuksan ng waiter yung pinto at pinapasok mga guest. 3pm na kami nakapag lunch.

 
"Life is not as perfect as i wanted it to be BUT i am completely HAPPY!"

beatrize zuri

  • im getting better
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1224
Re: Horror Guests
« Reply #102 on: November 07, 2012, 04:20:19 AM »
@Blue Topaz -grabe naman sa kakapalan ng face nung mga sumama sa hubby at pinsan mo, as if namang close nila kayo para sumama pa sila don or kahit na ininvite sila ng hubby ng cousin mo pero dapat naman tanggihan nila yon. pasensya kana sis, nakaka asar lang pati yung cousin mo, imagine! wala na nga siya gift nagdala pa ng baranggay! nakakaloka! yung gift naman na yon is para sa baby, ninang pa man din siya. grabe ah! over sa thickness!  >:(
That's the thing about pain, It demands to be felt.

Blue Topaz

  • Newbie
  • *
  • Posts: 25
Re: Horror Guests
« Reply #103 on: November 07, 2012, 05:18:03 PM »
^Oo sis.. Yung pinsan ko mahiyain yun eh pareho kami nun.. kaya lang minsan parang nahahawa sya ng asawa nya. yun talaga hubby nya makapal talaga ang mukha nun eversince. Or maybe sumakay din sa panahon kasi alam nyang hindi ako makatanggi eh lalo pag binigla ako, hindi talaga ako makahindi. Nung dumating sa church, 7 lang silang lahat. Pagkarating namin sa reception nauna sila samin eh may additional 3 persons nasakop nga nila isang table. pagkapasok ko sa loob ng restaurant ang bungad agad sakin ni cuz's hubs "pinsan, pinasunod ko na yung tatlong pamangkin ko kasi gustong pumunta ehh, ito naman sulit na sulit ito hindi luging kasama ang mga ito" sa isip ko, hello??? buti kung ikaw magbabayad.. pero dahil kami magbabayad lugi kami noh! imagine 2 lang dapat talaga sila wala silang mga kids kasi pero biglang naging sampu tas walang pakundangan pa pag order ng drinks. Yung ibang bisita ko nga nagtiis sa distilled water pero sila kaloka talaga. tapos yung teenager na nainip narinig daw ng isa ko pang pinsan, antagal daw mag start ng party sino daw ang hinihintay? kaya naman natagalan kasi yung special guests ni hubby LATE. naasar din ako dun. pero keri lang yun. ang hindi ko keneri yung pinsan ko talaga at hubby nya tapos wala pa nga gift.. tas later sabi nya sa baby ko "utang muna ni ninang ha?" biniro ko, wag na no, wag nang umasa. ayoko na talaga imbitahin ulit, kahit pa ninang sya. or baka invite pa rin my pinsan pero pagsabihan na.  ;D

beatrize zuri

  • im getting better
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1224
Re: Horror Guests
« Reply #104 on: November 07, 2012, 09:08:39 PM »
^over nga sa kakapalan yung husband niya pati siya nahahawa na. dapat yung mga ganyan yung binabanned sa mga parties eh lol! at nag unlimited order pa ng iced tea, grabe talaga! yaan mo na sis, may carmi martin naman eh.. as in karma!  :D
That's the thing about pain, It demands to be felt.

evilwoman

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2881
    • By Nature Handmade Soaps, Carrot Health Soap, Human Heart Nature Products
Re: Horror Guests
« Reply #105 on: November 08, 2012, 08:34:08 AM »
^^ sis wag ka mahihiyang di sila imbitahin sa mga susunod na party nang maramdaman naman nilang nakakahiya ang ginawa nila.

dooonna

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 177
Re: Horror Guests
« Reply #106 on: November 08, 2012, 11:08:16 AM »
Another story na naalala ko, well not naman horror guest but, horror party talaga.

I have these "friends" na medyo maaga nagkababy, so they're living with the guy's family. Unfortunately, 'yung family din ng guy, medyo nasa baba sila ng gulong ng palad ngayon. Baba meaning, from very maluhong life, biglang blag! Both na hindi nagtatrabaho na 'yung parents ni baby from the time na nabuntis si mommy. So talagang no budget.

Anyway, so first event nila is binyag ni baby. 'Yung ceremony was held pa sa isang high-end na church at isang high-end din na events place. Sige okay lang naman. Pero pagdating sa reception, kulang kulang ang food, at hindi talaga masarap. Known na ata 'yun na hindi masarap ang catering sa kanila. Tipong 'yung mga guest nag-oorder na lang ng ala carte kasi gutom na talaga. IMO, madami naman dyan na affordable na reception na masarap pa food, gusto talaga nila sosyalin na place without even considering the food etc. Well, masabi lang na doon ginanap.

Next naman, 1st birthday na ni baby. Hindi na nadala, same venue pa rin. Kiddie party pero walang kids. Mabibilang mo sa kamay. The host was terrible talaga, as in walang kalutay lutay, ang ginawa ng parents, pinastop na lang, at 'yung barkada nila ang pinaghost. Nagpagames tapos ang participants, puro kabarkada lang din nila lol. The food, the same talaga. Well again, masabi lang na doon ginanap.

Sa mga magoorganize ng parties ng babies/kids, always always always consider # 1 is 'yung food kasi 'yun ang naaalala ng guests. And, shempre hindi naman tinitignan ng guests kung saan ang party eh, importante sa kanila nag-enjoy sila :)
"I think, they should list shopping as a cardiovascular activity. My heart never beats as fast as it does when I see a 'reduced by 50 percent' sign" - Confessions of a Shopaholic ♥

http://colordusts.tumblr.com/

Blue Topaz

  • Newbie
  • *
  • Posts: 25
Re: Horror Guests
« Reply #107 on: November 08, 2012, 01:46:29 PM »
^may ganyan din kaming nadaluhan ginutom mga guests.. lol. nakakahiya rin yung mga ganun. Pinaprioritize nga talaga dapat iyong foods. Kaya kami ayaw namin pag mga set menu, gusto namin want to sawa kaya palagi eat all you can kami pag nagpaparty.

^^ yes sis ganun na nga gagawin ko. ako napapahiya sa asawa ko..

^^^ sis buti sana kung iced tea baka hindi abot sa 890 kaso mga litro na soda at fruit juices ang inoorder. Tigiisang soda-in-can lang kasi kasama sa food eh tas nagorder lang ako ng mga distilled water. Ok lang naman sakin magpaadd kaya lang magpasabi naman muna. diba!

evilwoman

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2881
    • By Nature Handmade Soaps, Carrot Health Soap, Human Heart Nature Products
Re: Horror Guests
« Reply #108 on: November 08, 2012, 01:50:10 PM »
^ or ipaseparate bill kung talagang uhaw sila. pwede din naman house water na lang, umorder pa talaga ng de bote tapos mga walang pambayad. :D

vbaingan

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 79
Re: Horror Guests
« Reply #109 on: November 08, 2012, 02:40:55 PM »
HI dooonna, grabe yan pero may ganyang mga taong ganyan talaga... sana naman ehh matanggap na nila nangyari sa kanila... harinawa!
i love my girls!

beatrize zuri

  • im getting better
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1224
Re: Horror Guests
« Reply #110 on: November 09, 2012, 03:19:06 AM »
@blue topaz -agree! dapat nag inform muna sila, baka hindi nila alam na may bayad pala yon kaya unlimited din ang order nila.
 
@dooona -matawag lang na sosyal venue kahit di masarap ang food go pa din sila, ano kayang klase yon? di nila inisip mukha silang katawa-tawa don tapos nag oorder na lang ng ala carte yung iba dahil kulang ang food. kakahiya lang,  ::)
That's the thing about pain, It demands to be felt.

dooonna

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 177
Re: Horror Guests
« Reply #111 on: November 09, 2012, 08:45:47 AM »
Tama kayo mga sis. And to add to that, nagsimula 'yan sa panganganak pa lang. Of all the decent and affordable hospitals within the Metro, doon pa talaga sa world-class at CS pa ang mommy ha ;) Kaya doon pa lang parang medyo nakataas na ang mga kilay namin.

Anyway, going back, wala naman problema magsplurge for a party, basta ba kaya ng budget eh. Meron naman dyan na mga party venue or even fast food chains na may affordable party packages. Well, sana sooner or later matauhan na sila sa nangyayari sa kanila.
"I think, they should list shopping as a cardiovascular activity. My heart never beats as fast as it does when I see a 'reduced by 50 percent' sign" - Confessions of a Shopaholic ♥

http://colordusts.tumblr.com/

theshopaholicprincess

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 919
Re: Horror Guests
« Reply #112 on: March 04, 2013, 02:31:47 PM »
horror guests ko...

yung mga di umattend... oks lang sa susunod na party/event crossed out na sila sa listahan.

marssie

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2386
Re: Horror Guests
« Reply #113 on: March 04, 2013, 04:39:59 PM »
nakakahighblood naman magbasa sa thread na to hehe.. ang alam ko lang na turo ng nanay ko pag nasa handaan, "anak wag ka kakain ng kanin, puro ulam lang kunin mo"  ;D pero ang paghahakot at pagbabalot di naman tinuro ng nanay ko  ;D siguro kasi kahit kami mismo lagi nakakaranas ng ganon, lalo na pag fiesta kaya nga asar na asar ako sa tatay at kapatid ko kung makapaghanda kasi sa fiesta kala mo kakandidato, nangyayari tuloy labas masok mga bisita di naman namin kilala, magugulat nalang ako may papasok na hehe diretso sa table paglabas, thank you na,magtatanungan pa kami kung sino may kakilala dun :o

sexytabachung

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 455
Re: Horror Guests
« Reply #114 on: March 06, 2013, 02:10:02 PM »
i have a story to share, yung brother ng husband ko, pati yung asawa niya, super ayoko talaga sila makita sa party ng mga anak ko. i know ang sama ko pero ibang level ang kakapalan ng fez nila!
yung eldest ko, 8 yrs old na ngayon and every year kami kung mag party, every year silang buong pamilya uma-attend, kuntodo naka bago pa silang damit mag asawa, nakapagpa-parlor pa yung babae. eto ang masaya, ni isang mongol na pencil, wala silang gift sa anak ko. sabi ni hubby, baka gipit lang sila. haaay! meron bang gipit na ganun ang mga itsura. tapos take note ha, 3 ang anak nilang kasama sa party at every year, sila ang nangunguna mag uwi ng mga give aways at mga natirang food. take note again, hindi sila nagpapaalam!

last yr, sa hotel nag 7th bday yung daughter ko. siyempre, andun na naman silang pamilya, no choice kasi ako dahil hindi naman pwede na hindi sila imbitahan, kahit na mabigat sa loob ko. haha. super pinaghandaan ko talag yung party ng daughter ko last yr kasi invited namin mga classmates and parents nila. habang nanonood kami sa magic, lumapit sakin ang waiter, "mam, meron po kasing guest na nagpapabalot ng food, gusto ko lang po sana ipaalam sa inyo" nagulat talaga ako ha, kasi parang ibang level ang kakapalan ng guest na ito, imagine sa hotel na magpapabalot kpa! sabi ko sa waiter, "sino yun?" sabi ng waiter, "ayun po yung babae na yun sa table" at nakita ko nga ang pagmumukha ng asawa ng brother in law ko. hay sus, nasira tlaga araw ko.. sabi ko sa waiter, "sabihin mo sa kanya, ipapakain ko pa yang mga hindi nagalaw na food sa mga crew, hindi pwede mag uwi or else siya pagbabayarin ko!" natawa tuloy yung waiter sakin..

nakakairita talaga.. panira ng moment! so, eto na, tapos na party, aba, palabas na si babaeng PG, nakita ko ang bag, ang laki! sabi ko, bakit ang laki ng bag nito. biglang bumulong sakin yung brother in law ko na asar rin sa kanya (asawa to ng sister naman ng hubby ko) sabi niya, "inuwi niya ata yung buong creme puff tower mo, masama kasi loob dahil hindi nakapag uwi ng ulam kaya binawi na lang niya sa dessert buffet mo at food cart" sabay tawa ng malakas yung brother in law ko. sobrang bwiset talaga..

tapos umalis ng party, ni hindi man lang nagpaalam or nag thank you. dire-diretso bumaba ng elevator ang bruha. ang pinaka bongga dito, nag open kaming lahat ng gifts, ni isang panda na ballpen, wala silang gift sa anak ko. nakakabasag ng puso diba. I mean, ok fine, patay gutom ka, wala kang breeding pero maawa ka naman sa anak ko noh! Kahit man lang ballpen or pencil, maaappreciate ng bata.. sobrang kakapalan ng fez!!!

babybubot

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 149
Re: Horror Guests
« Reply #115 on: March 06, 2013, 04:53:39 PM »
sis aleng_maganda wala ako masabi sa roll call sa kasalan sobrang nakakadegrade ang ginagawa ng mga sisteraka. Baka ang intesyon nila eh manghuli ng mga gate crasher ngunit di sila nagtagumpay haha

^grabe sis sexytabachung ang tawa ko sa kwento mo, hakot parangal talaga ang bilas mo :)) ganyan yung masarap pahiyain paminsan minsan.

may share din ako, party ng friend ko naman, imagine kung sino pang matanda sya pa ang talagang umubos ng mga candies and sweet sa candy buffet ng party at wag ka pwede ng magbenta ang iba sa dami ng nakuha. Kawawa ang mga kids na dapat nag eenjoy. Nang kukuha kami puro mga jar na lang ang natira at mangilan ngilan na gummy bears.

akireyhoj

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #116 on: March 06, 2013, 05:06:54 PM »
for me ok lang kung walang gift basta umasal ng tama sa party. pero yang hindi na nga nagreregalo kapal pa ng face mag take out. nakakaloka!walang manners

stormy

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 4621
Re: Horror Guests
« Reply #117 on: March 06, 2013, 05:19:20 PM »
Ako naoffend nun isang lapis ang regalo sa anak ko nun 5th bday year 2011 (naka paper bag pa na maayos akala mo ano ang regalo). Isang pamilya sila umattend at nanalo pa sa raffle ng chilis GC :( simula binyag hanggang 5th bday imbitado sila kung ano2x ang regalo na basta makabigay lang. Simula last year d ko na sila inimbitahan.

Bata ang may bday, if adult pwede na ang linya na "its the thought that counts". Pag bata may bday hindi yan acceptable. Well opinyon ko lang naman. Marami ang mabait dito, am sure iba ang pananaw :)

babybubot

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 149
Re: Horror Guests
« Reply #118 on: March 06, 2013, 05:30:30 PM »
^totoo sis kahit ako maooffend kung ganon ang regalo sa anak ko, i mean parang nakakainsulto lang ang dating isang lapis nakalagay pa sa paper bag na parangm asabing may bigay lang. Nakakarelate ako kasi halos pareho tayo yung sa anak ko nga lang gamit na laruan na halatang luma at natatanggal na yung sticker na design. Hindi sa pang mamata o kung ano pa man konting respeto at etiquette naman. To think na first baby at 1st birthday ng anak ko yun. Nahighblood talaga ko nung araw na yun relative pa man ni hubby.
« Last Edit: March 06, 2013, 06:44:22 PM by babybubot »

stormy

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 4621
Re: Horror Guests
« Reply #119 on: March 06, 2013, 06:08:11 PM »
^true, yun bang masabi na may naibigay na regalo. Kaya ako wala akong issue sa mga nagbibigay sa anak ko ng mumurahin (pero mukhang bago talaga at pambata) gaya ng bimpo/lampin pamunas, sando, pajama kahit 1-2 piraso lang etc kasi iba yun walang pambili sa walang manners.

Nagtatanong pa agad at inaalam na ano ang souvenir since isa yan sa mga d ko tinitipid.

Yan ang horror guests, mga oportunista.

 

ADVERTISEMENT
follow us
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
Featured Articles
5 Steps to Financial Fitness in Tough Times
Instead of grumbling about the plight of the peso and dwelling on the negative, try these helpful tips to stay afloat. Remember--a little discipline goes a long way!
You're the breadwinner: Now what?
You want the freedom to spend your money as you wish but you know that if you don’t bring home the bacon, no one else will.
Getting money-wise: Why women are naturally capable of managing cash
She works hard for the money but she doesn’t know how to invest it. Here, Pearlsha Abubakar tells us why women are capable of managing their money well, but don’t. Read and get smart with your money.
Never go broke again! The FN guide to financial freedom-forever!
Fear not bankruptcy or eternal dependence on your parents (or a man!). There's a financial strategy for everybody. Read and get money-wise.
Wise up: Start your own business!
Tired of living from paycheck to paycheck? Why not go into business? Read on and find out how just a little cash can become a lot.