Get weekly updates via email!
tip of the day THU 31 JUL 14
Eat slowly. It's good for better digestion--it will help you enjoy your food more too!
  • Good House Keeping
    The July issue is our Makeover Special! Be inspired by the weight-loss successes of The Biggest Loser’s Kayen Lazaro and Osie Nebreja, who entered the reality TV show simply wanting to lose weight but ended up gaining whole new (healthier!) lives.
    Good Housekeeping
  • Women's Health
    Jumpstart your best body today with this month’s best foods special. Women’s Health shares over 100 of the best packaged foods for women, sourced from leading supermarkets, specialty stores, and delivery services.
    Women's Health
GIRLTALK

Author Topic: Horror Guests  (Read 25240 times)

hunny_ally

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3331
Horror Guests
« on: October 19, 2011, 09:09:07 AM »
I'm pretty sure you had your fair share of these...

1) during my parents' 25th wedding anniversary, a distant relative nakapila pa Lang sa buffet table humihingi na ng takeout  :o

2) at a party, pati anak ng kapitbahay dala. Worse, ni walang dalang regalo (not that I demand a gift..pero para wala naman siyang sailing kahihiyan di ba?)

liyapot

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2124
Re: Horror Guests
« Reply #1 on: October 21, 2011, 10:07:11 AM »
horror guests?
-my dad's sister (o sige na aunt ko na) after our wedding she complained to my dad.. sabi ba naman "hinde naman masarap ang pagkain"
kahit pa kamag-anak kita whether close or distant.. konting delikadeza naman. kailangan talagang ipamalita yon at sabihin pa sa tatay ko? i crossed her off my list na.. atsaka pagkain lang yata ang pinunta nya..sana hinde ko na lang inimbitahan.

balot ng take out..
sanay na ako sa ganyan kasi normal na sa close relatives ko yan so tuwing may pa-handa ako.. bumibili na ako ng take out containers.. para di na gagamit ng plastic labo.. :P
"If wishes were horses, then beggars would ride"

kimdimatulac

  • feisty
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 980
Re: Horror Guests
« Reply #2 on: October 21, 2011, 10:19:05 AM »
bday party of my daughter's cousin. di pa tapos ang program and games, yung mga guests na walang dalang kids, pumila na sa buffet table agad. eh that was like 10 or 15 minutes into the program pa lang..
Sometimes, you just have to go along with the waves of life and trust that on the other side is a smooth sailing ocean...

twelvth_goddess

  • A certified ZOE-holic and a true blue
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 8466
Re: Horror Guests
« Reply #3 on: October 21, 2011, 10:48:13 AM »
Naku madame kame nyan..

Christmas dinner at home (2009), we invited our neighbors (who are of different religion) to eat with us kase mejo naging close na din sila samin. Wow, in-invite nila pati mga bisita nila na nasa bahay nila. To think na walang xmas sa religion nila.

My nephew's 1st birthday party, one of our neighbors attended. Hinde pa nagsstart yung party (as in kakadating lang nila), humiwa kagad ng cake without even asking us if it was ok. I can't forget the shock and horror on my SIL's face  ;D

When my husband and I had our civil wedding, we had lunch for our family at our house before yung dinner sa Outback. Pili nga lang kase yung in-invite sa reception since we wanted it to be small and intimate. My mom's friend was there during the family lunch at home and when she heard na may dinner din at a restaurant, she invited herself tutal wala naman daw syang pupuntahan. So pinalampas ko yon since I grew up din naman na lage ko sya nakikita cus she's my mom's close friend. Aba, maya-maya, narining ko tinanong nya mama ko if ok lang daw na papuntahin nya yung anak and apo nya since 1st time lang na makakakain sa ganong resto. I didn't get a chance to answer anymore kase mama ko na mismo nag-reprimand sa kanya. Kaloka.
Whatever I want, I get. If I can't, I don't stop TRYING.

WandaWits

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 559
Re: Horror Guests
« Reply #4 on: October 21, 2011, 12:02:59 PM »
During the 2nd birthday party of my son. Complete ang attendance ng isang family..4 kids and parents  w/out a present.  kasama ang buong pamilya so at least have the thoughtfulness na magbigay kahit simple gift for the for the bday boy...when i saw the pics..yung mga kids nila active na active sa games, foodcart & give aways. :) Dont get me wrong mga sis, im not really materialistic..kaya lang di ba may mga taong kung umasta eh may "kaya" naman at nakapag aral but in some instances makikita mo walang proper etiquette.. eto pa..

During my wedding, there were these people na invited that are connected to the same people above, nakalagay na nga sa invite that we have reserved 2 seats for you...dumating sila 4 pax (w/ their relative na hindi ko naman kilala). After the wedding i heard a comment from the person na sinama nila na hindi naman invited...."wala steak included sa food". hello, almost all our guests commented na masarap ang food sa buffet..at eto ang isang "horror guest" nakuha pa magreklamo kahit hindi siya invited. kakapal ng mga pace. ;D

Posting how I feel. Posting what I think.

chiqmom

  • on work clothes on...
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1631
  • CONSTANT VIGILANCE
    • The Web Assistant
Re: Horror Guests
« Reply #5 on: October 21, 2011, 12:09:56 PM »
guests na ang hilig magtakeout. yung kada occasion dapat may dala din sya pauwi. naghintay man lang muna sana na bigyan.

Lady Czarina

  • the perfect nobody and a certified
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 629
  • magical me!
    • My Pensieve
Re: Horror Guests
« Reply #6 on: October 21, 2011, 12:34:44 PM »
-my cousin's son's first bday, ok i know yung place nila eh madaming tao na di pinalad sa buhay  ;D (sorry diko alam kung ano tatawag ko sa kanila ayaw ko naman ng "squatter"). yung house kasi namin don eh open ang gate so akala namin nakikitingin lang yung iba andon, bah nagulat na lang ako yung isang kapitbahay namin eh pinagbihis ang mga anak (take note "ang mga") at pinaupo na sa mga tables at yung mga bagong dating na guest eh wala na tuloy mapuwestuhan at napuno kami ng bongga sa loob ng compound namin. di na din tuloy malaman ng pinsan ko kung sino ba talaga ang mga bisita..  ;D ang nakakainis lang din kasi alam naman ng mga bata na mali yung pagpasok nila pero yung nanay ang nagtutulak sa kanila so sa awa na din namin sa mga bata pinakain na din namin sila and binigyan ng loot bags pero no take-out na, akala ata ng nanay nila eh makakapag take-out sila para sa kanya.

mistiqshannen

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1160
Re: Horror Guests
« Reply #7 on: October 21, 2011, 06:23:02 PM »
Alam nyo usually talaga mga kamag-anak, some are kapitbahay. I dont havent had these kind of guest YET hehe maybe pati nanay siguro ng magiging classmates ng anak ko balang araw? haha expected ko na din ito. More on weddings kasi naeencounter ko mga que horor na guest talaga.

There was one as in di ko makalimutan, one tita of the bride who happen also a ninang... Nun reception patapos naman na yun program andun sya sa buffet table i dont know what she is doing and what she said sa server. Well nun uwian na she just bring with her yun malaking garapon ng Mayo as in Mayo na ginamit ng caterer and yun pan na lagayan ng food syempre me food.. Isosoli nalang daw nya kasi kapit bahay lang nya ang caterer.. Kilalang caterer naman ito.

Then the bride kasi gave the remaining hand wash na nilagay sa CR sabi nya uwi na daw ng kasama namin emcee kasi halos puno pa.. So nilagay lang sa tabi ng bag after a while wala na yun hand wash kinuha tapos tinitingnan yun gift ng bride sa emcee at samin buti me mga names.. balak kunin pati even our paper bag sinilip baka yata me mauwi sya?

Then as instructed by the bride na itago na yun mga cupcakes na tira souvenirs madami pa yun e nakabox. so tinago namin sa ilalalim ng registration table kasi some of her guest also kapal muks nagsugudan sa me table at nag tatanong me souvenir pa ba daw while holding theirs.. davah!

Then nun nag uusap kami ng bride sa table where we ate nga ayun na si tita parang porky (sorry she is very fat kasi) me hila hilang karton.. so we said ke bride yun tita mo nakita na yun cupcakes mo ayun hinila na.

She was even very angry as in.. sa cake (made by sugar box) ang mahal daw tapos kakarampot lang at bakit gumpaste/fondant yun flowers dapat daw fresh flower. Pinipilit nya talaga as in.. in teh end we saw her alalay hinakot pati yun 3 layer styro cake uuwi daw nya display sa shop nya kasi she has a bakeshop hehe.. ayos ang tita!
Live life to the fullest. Entrust all your worries to God and He will direct you to the right path.

ravenwillis27

  • Newbie
  • *
  • Posts: 23
Re: Horror Guests
« Reply #8 on: October 21, 2011, 07:12:03 PM »
2nd birthday ng son ko, I invited our neighbor.  2 silang mag-asawa na lang kasi may sariling family na yung unico hijo nila.  Nakalagay sa invitation na we have reserved 2 seats for you.  Dumating sila 8 persons! As in isang van! 2 yung neighbors namin, yung daughter in law nila, 2 apo, yung mom and dad ng daughter in law and 1 yaya.  nakakaloka! Tapos nagtataka ako towards the end of the party, kumukuha ako ng pictures napansin ko nawawala yung mga table centerpiece (balloon na nasa paso or flower pots) Nakita ng yaya ng anak ko sinasakay daw sa van.  Walang pambili ng paso????? May kaya naman sila ewan ko bakit ganun.

jhaney

  • I'm a goddess and a...
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 386
  • Life's a B*TCH!!!
Re: Horror Guests
« Reply #9 on: October 21, 2011, 08:39:51 PM »
Imbyerna talaga ako sa guest na ito (2010) at my sister's birthday. Di naman talaga siya invited pero since mother siya ng husband ng SIL ng sister ko, hinayaan na lang namin. Abah! Nagsumbong yung maid namin na pagdating ko daw sa house ng sis ko tumingin daw sa kin mula paa hanggang ulo. Sobrang insensitive pa niya at hindi pa tapos iluto lahat ng handa at kumukuha na siya ng food samantalang yung mga relatives namin nakaupo lang at nakikipag chitchat while waiting for us na tawagin sila. Sobrang inis pa kami ng sis ko dahil nung magstart na kumain siya ang nauna sa table para kumuha ng food (buffet style yun) tapos kami sa sala nakaupo at siya lang ang nasa table. Siya pa ang kumuha ng pinakamalaking crab. Wala man lang siyang delicadeza at kinakamay na lang niya yung lechon especially yung balat. Talagang sa harap siya ng lechon pumuwesto ha! Tapos akala mo pa kung sino makautos sa maid namin di tuloy siya nakakain ng maayos. Ang dami din niya reklamo kesyo di siya kumakain ng papaitan at di daw niya yun gusto. Bakit siya lang ba ang bisita?

My sister got really mad at her when that mahadera (yes that's what we call her after this incidence) compared her to her hubby's ex-girlfriend. Di man lang siya nahiya para gawin yun. Buti nakapagpigil ang sis ko. Tapos akala mo pa kung sino mag utos sa kin. Wala man lang paki. Nagpigil din ako dahil ayoko masira birthday ng sis ko pero I really told my sister about what that mahadera did to me. Kaya my sis told her husband na never na siya invite pag may occasion para di masira ang araw namin. Sabi ng sis ko pag pumunta yun ulit puro gulay ang ilulutong handa kasi di yun kumakain ng gulay. ;D

rianne_mallows

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1458
Re: Horror Guests
« Reply #10 on: October 21, 2011, 10:04:20 PM »
during my daughter's first bday
 - yung kapatid ko ininvite friend niya kasi may baby na din.. so expected 2 lang diba.. sinama ba naman buong pamilya niya ::)  pati tito nila.. ang kapal ng fess... so 7 sila lahat dumating san ka pa diba? ::)

nung nagpunta sila sa chocolate fountain, 7 sila, ang tataba pa so wala makasingit na iba.. ang tagal nila dun.. pag-alis nila nangalahati yung dips...  sa candy bar naman ganun din ang tagal nila..buti na lang late sila at nakakuha na halos lahat ng guests ko ...

nung buffet at nakakain na ang guests, nagpapabalot ng food.. sabi ng mother ko, eh walang lalagayan eh (nakavenue kasi)  sabi ba naman "ay may dala ho kami!" kaloka :o take note! 5 microwavable plastic ha.. 5 talaga.. at pinuno nila yun..

then towards the end ng party .. hindi na ata nakatiis, dinala chairs nila sa choco-fountain at hindi na umalis dun.. :o

sanay ako sa mga mahirap dahil galing din kami dun.. sanay ako sa mga pabalot kasi province kami at expect mo na yun lalo sa oldies.. pero nashock pa din ako sa kakapalan ng fess ng pamilyang ito...  hindipa sila invited niyang lagay na yan ha

eto, pa yung parents ni classmate ni sister nakipag-unahan pa manguha ng balloons sa kids.. yung decor ko na pillar inuwi haha.. at talagang binaklas nila yung nakalagaw sa arch ko.. nakakaloka
hindi naman ako masamang tao
sadyang kapag nasasabi ako ng totoo
tumatama at tumatagos sa pagkatao mo

imeego

  • full-time mom of 2 adorable kids and a
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 689
Re: Horror Guests
« Reply #11 on: October 24, 2011, 03:51:30 PM »
during my son's birthday party 2 weeks ago:

-nung distribution ng prizes for the balloon burst, bigla na lang lumapit sa table at humakot ng items yung sidekick ng mil ko (actually she works in my parents in law's office and has been with the family for decades na, naging yaya pa ng husband ko)...ok lang sana kung 1 or 2 items lang ang kunin nya pero more than 3? :o...medyo nainis lang ako kasi ang ikinuha nya ng items yung apo nya na wala naman sa party...problem ko pa nun yung 1 bag of items ko for prizes sana naiwan sa house, di na namin pwede balikan kasi medyo malayo yung venue sa house, so worried ako na kulangin....tapos paglingon ko pa, yung isa pang helper din ni mil sumesenyas sa kanya na ikuha din daw ng items yung daughter nya na wala din sa party :o  actually ok lang sana, kasi nung inaayos namin yung guest list namin, we asked them naman kung pupunta yung kids nila, para bilang sana namin lahat, kaso hindi daw...tapos ganun pala ang plano nila...sabi ko talaga sa husband ko na "sabihan mo naman si **** na wag namang hakutin kasi baka magkaubusan eh ang dami pang nakapilang kids"...actually yung mga guests talaga namin nice naman, walang pasaway and behaved lahat except for them ;D
« Last Edit: October 24, 2011, 04:00:37 PM by imeego »

aquacharly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 4582
Re: Horror Guests
« Reply #12 on: October 24, 2011, 03:59:05 PM »
I do not like guests who call their drivers to eat at our buffet -- we always have a simple buffet for drivers a side garden

Yang mga kapalmukz kung mag take-home ng food. Eh kung may late comers

Yung mga kinukuha mga flowers - hindi pa tapos ang party.  Or, getz glasses, whatever -- we pay for tht later on after the party.

Yung doble kumuha ng give aways

marose17

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 6012
Re: Horror Guests
« Reply #13 on: October 24, 2011, 04:12:39 PM »
My pet peeve naman ay ang mga guests na nagco-confirm tapos hindi dadating on the day of the event without even advising the host.   Okay lang kung may medical emergency, work emergency, etc.  pero ni ha ni ho walang advice, nakakainis!

Oh, I also hate guests who do not give presents!  So rude!

But grabe the kuwentos here ha.  Ibang level ang kabastusan ng ibang Pinoy pagdating sa mga parties pala.  Que horror nga!

imeego

  • full-time mom of 2 adorable kids and a
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 689
Re: Horror Guests
« Reply #14 on: October 24, 2011, 04:28:21 PM »
i guess hindi naiintindihan ng ibang guests na per pax ang bayad and  once mag-confirm sila, syempre babayaran mo na yun and kakainis nga na di naman pala sisipot....dami ding nagconfirm sa amin then on the day of the event nagtext na di makakapunta kesyo ganito, ganyan >:( so sa next party never na silang invite uli, sayang lang ang effort at money ;D

aquacharly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 4582
Re: Horror Guests
« Reply #15 on: October 24, 2011, 04:30:39 PM »
Dagdag -- yung may body guards or alalay tapos iupo sa tabi nila, gulo na seating arrangements. Grrrr

marose17

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 6012
Re: Horror Guests
« Reply #16 on: October 24, 2011, 04:37:45 PM »
@imeego, that's what I did.  The guests who never showed up at our wedding, baptism ng kids ko, first birthday, etc., despite previously confirming their attendance, were no longer invited to subsequent events.  I assume that they know the per head rule because they have also hosted similar parties. Kaya inis na inis ako sa kanila that time, con todo nasa iisang profession lang kaming lahat.  Nakakainis kasi may List B ako dati and since nag-confirm itong mga nasa List A hindi ko na-invite ang mga nasa List B.  Eh di sana in-invite ko na lang pala ang mga nasa List B.

And yes, yung mga nagte-take home na hindi naman part of the family hosting the event, que relative pa iyan or whatever, walang right kumuha unless yung host mismo ang nagpa-pack ng take-home boxes for them.

Nakakahigh-blood ang mga ganyan.

missoni

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 222
Re: Horror Guests
« Reply #17 on: October 25, 2011, 12:36:19 AM »
-guests who do not respond to calls or texts to confirm their attendance

-yung mga biglang sumusulpot na di naman invited

-relatives na nagdadala ng in-laws nila to our party- Yung ibang pics namin di ko kilala yun mga kasama ko

-yayas na chismisan lang ng chismisan and pinapabayaan yung mga alaga nila na mang gulo ng ibang tables... mas behaved pa yung mga kids ko na may special needs kesa dun sa mga regular kids.

-guests na andaming excuses for not coming

-mga hari at reyna ng take out

-guests na di daw pupunta pero bigla mong makikita sa mga dulong tables tapos di mamamansin. rude! Gulat kami ni hubby yung isang guest na pinasuyo lang ng tita ko na iinvite, biglang nasa party eh di daw sya pupunta kasi may kasabay na party syang pupuntahan

-guests who leave after eating. di nagpapaalam na aalis na and nakakuha na ng souvenirs, balloon na decor, centerpiece ng table eh di pa tapos yung party.

-relatives na sinabihan na namin na wag na magdala ng alalay o nagsabing di magdadala ng yaya pero andun silang lahat sa party.

-guests na andaming kukunin na food then hindi naman uubusin. sa lahat ng ayoko yung nag aaksaya ng food. and besides, pwede namang bumalik sa buffet table. plus nagrereklamo na di daw masarap yung food pero magte-take out.

rics

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 885
Re: Horror Guests
« Reply #18 on: October 25, 2011, 02:17:59 AM »
suki yata ako ng ganito. i remember a few years back, i even vented my own horror story here at GT during my son's baptism.

so here are a few:

- during my brother's wedding, as usual there a lot of uninvited guests, people who didnt follow the dress code. the wedding invite stated formal attire, yet some guests opted to come in shorts, maong pants, tshirts (yung itsura nila parang pupunta to go malling).

-during my nices' b-day which we celebrated at the house, neighbors were invited syempre, pero there is this one makapal na kapitbahay who brought talaga plates to scoop food to be brought back to their house. yung ibang serving dish na medyo ubos na at hindi na na-refill, tinatanong nya kung meron pa daw bang food na iba.

- during my sisters' renewal of vows, one of the guests brought her girlfriend which was not on the rsvp list. eh di nagkagulo ang seating arrangement. i mean, kahit na gf/bf mo, if they're not invited, have the courtesy to follow the invite.

-during my sons christening which was held abroad, there is one ninong who called hubby and nagtanong kung pwede daw ba sya magdala ng bisita sa party. kapal diba. syempre si hubby hindi naman makatanggi. so this ninong brought 3 adults and a kid, on top of his own family, tapos nagbigay ng money as gift, pero naku naman, parang hindi pa sinakto, nilagyan pa ng butal (like $55), eh ang kinain nilang lahat $100++. dont get me wrong ha, hindi naman ako mukhang pera, pero kasi sa mga pagkakataon na ganito, i cant help but compute.

another friend whom i invited to this same event came very late, tapos na ang party and we were just wrapping up, tapos may bitbit din. i gave my colleague a souvenir, then her kasama nagpaparinig to have one also, hindi ko nga sya binigyan, ano sya sinusuwerte.

- during my son's 2nd bday held sa pinas, a lot of those i invited didnt come, although they said they will. some kapal mukhang relatives wala man lang dalang regalo kahit isang supot na kendi, tapos isang buong pamilya sila pumnta. the nerve pa of this kumag cousin who said, his wife will go shopping after the party.

my inlaws commented na hindi masarap ang pagkain, kahit sila din mismo walang dala kahit na ano to give their apo/pamangkin tapos nakuha pa mamintas. if the food didnt measure up to their palette, sana nanahimik na lang sila and not tell me in a demeaning manner.

- during our recent house blessing, we invited only a few people. there are those who confirmed, but then again hindi sumipot, 2 families yan ha. my cousin's wife naman, she invited her parents + friends of the parents (na hindi naman namin kilala) for the reason that they're around the area already (heading to my cousins house actually which is just a couple of blocks away). pero hindi ko na rin pinansin yon, but just realized it a few days after. kasi this house blessing was very important to us, so we wanted only close family/relatives/friends para good vibes, pero meron pa rin nakalusot.

another friend who came to this ocasyon, dressed to the max to the point na niloloko na sya that she will be sagala. kasi while i was dressed very summer casual, she was in formal dress and heels contodo makeup. ang nakakinis pa, she didnt bother to remove her shoes eh lakad sya ng lakad sa bahay. alam naman nya that here, its common courtesy to remove footwear when you enter a house.

so talagang pinoy nga naman in any part of the globe medyo hindi senstive sa ganitong mga issues.
-- If the only prayer you say in your life is "Thank you Lord," that would suffice. --

bratty

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 797
Re: Horror Guests
« Reply #19 on: December 07, 2011, 11:28:26 PM »
Yun sidekick ni MIL lahat na lang ng kainan namin pinintasan, kesyo mas masarap pa daw luto nya dun. So nung nakita ko name nya sa guestlist ni hub, sinabi ko talaga na ibili na lang nya sa carenderia si sidekick kasi 350 ang bayad ko sa kakainin nya tapos pipintasan lang. Nung party na, inassume ko na pinagsabihan na si sidekick na wag magcomment sa food, aba, eto lagi naman nangunguna sa games, kiddie party ito ha. Tapos yung sa pabitin, una syang humila ng toy, eh di humila na din yung ibang bata, kagulo na. Naawa tuloy ako sa ibang kids, wala nakuha. At buti na lang wala na yung anak ko, kundi nadaganan yun. Magkaka-eksena talaga kung nagkataon. Nung bigayan na ng loot bag, alam ko di ko sya binigyan pero may bitbit ang bruha, nasalisihan ako. Grrrr! hehe! Hindi na talaga mawawalan ng horror guest sa kahit anong handaan.
Everyday I'm shufflin'

 

ADVERTISEMENT
follow us
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
Featured Articles
5 Steps to Financial Fitness in Tough Times
Instead of grumbling about the plight of the peso and dwelling on the negative, try these helpful tips to stay afloat. Remember--a little discipline goes a long way!
You're the breadwinner: Now what?
You want the freedom to spend your money as you wish but you know that if you don’t bring home the bacon, no one else will.
Getting money-wise: Why women are naturally capable of managing cash
She works hard for the money but she doesn’t know how to invest it. Here, Pearlsha Abubakar tells us why women are capable of managing their money well, but don’t. Read and get smart with your money.
Never go broke again! The FN guide to financial freedom-forever!
Fear not bankruptcy or eternal dependence on your parents (or a man!). There's a financial strategy for everybody. Read and get money-wise.
Wise up: Start your own business!
Tired of living from paycheck to paycheck? Why not go into business? Read on and find out how just a little cash can become a lot.