^haha! naku sis, di ko alam kung matutulungan kita ngayon, sobrang tamad ko kasi at alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang magtrain ng asong sobrang active kaya mga tamad na aso din ang kinukuha ko haha!
Dahil nga tamad kami haha sa bahay lang talaga kami nageexercise ng mga to (exercise daw oh charot!) Habulan, harutan, akyat baba ng stairs, doing tricks, ganyan lang kami. Yung tzu kaya ko pang kontrolin on leash pero yung bulldog dyuskopo! Inuupuan lang ako nun haha! Madalas hilahan kami. Iba ugali nun, sobrang duwag at mahiyain. At dahil behave naman siya kahit walang tali, hinayaan ko na siyang ganun haha!
Try mo kaya sis na bago siya iwalk, ask him to do some commands muna. Or maglaro muna kayo sa bahay para madrain ang energy. Tapos dala ka rin ng toy pag magwawalk na para madaling makuha yung attention niya. Wag mo rin pansinin ang distractions, as in deadma sa mga makikita, wag mo isipin na ayan na, hahabulin na naman nya at hahatakin na naman ako

, stay calm lang at dire-direcho lang sa lakad.
Ayokong magsuggest ng certain technique kasi hindi talaga ako sanay sa hyper na aso haha! Tsaka yung ginagawa kasi ni Cesar, inoobserve niya muna yung behavior ng dog bago niya itrain. Magaling siya magbasa ng body language kaya alam nya na yung gagawin. Pero ang lagi kong nakikita lalo na pag aggressive ang dog, yung pagtouch nya sa belly. Bago pa magescalate yung aggression, touch nya agad yung tummy para makuha yung attention. Natry mo na ba yun sa kanya? Minsan din gumagamit sya ng treadmill, bike or roller skates pag sobrang active ng dog para di kawawa ang owner.
Iba-iba kasi sila ng issues, at dapat mapinpoint yung problema para tama yung techniques na gagamitin. Diyan tayo mahihirapan kasi we tend to imitate yung mga techniques niya pero hindi talaga natim alam ano yung problema. Kaya minsan kahit anong gaya natin sa ginagawa ng trainer, di pa rin nagwowork.
Observe mo din sis kung ano yung reason ng pagiging puller niya, kung excitement or aggression ba. Punta ka rin sa site ni Cesar, marami siyang tips dun. Then always practice the calm assertive energy. Wag na wag ka maintimidate sa laki at lakas niya, be consistent in showing him na kaya mo siyang kontrolin
