bumili rin ako ng housebreaking fluid nung bumili ako ng pet park, pero 1yo old mahigit na kasi sya nun, nasanay na sa loob ng bahay umiihi. As in lahat ng legs ng table, electric fan iniihian nya tapos ang dami, 5 or more times ako naglilinis ng wiwi araw-araw. Nung nilagyan ko nga ng fluid yung petpark, ayaw nya talaga lapitan, as in di niya sinisilip, parang galit sya sa amoy lumalayo sya pag nakikita nya haha! Sabi sakin sa pet express lagyan ko daw ng parang post kasi sa ganun nasanay tong alaga ko. Wala naman ako makita sa mga pet shops. May inoffer din sila saking back-off spray, pero grabe naman 500++ for a spray? Hindi sya practical kasi kailangan mo pa rin namang itoilet train yung aso, at least yung pet park area talaga kung san sila magpee and poop diba? iMop na lang binili ko haha para mas madali maglinis haha! Tapos sinasanay ko sya na lalabas kami pag gising para dun sya umihi sa labas, same spot naman sya nagpee.
Ganyan din mga alaga ko, pag napapagod ng husto tulog na lang ng tulog at mas matakaw sila. Pero hindi talaga sila hyper kahit nung maliit pa sila, pag hinaharot or nakikipaglaro lang sila maharot, behave naman sila at parating nasa isang corner lang. Ganyan naman daw talaga dapat para nastimulate ang mind at narerelease lahat ng energy, sabi nga nila, "A tired dog is a happy dog"