thanks for your reply mga sisses. Di kasi ako confident sa mga utangan, ayoko ng naniniingil parang nakikiramdam lang ako kung babayran ba or may balak bang magbayad, ganun.
sis katelicious, i feel the same way turn off ako sa guy na nangungutang pero I know it takes guts para sabihin nya sa akin yun, nahihiya daw sya sa akin pero wala daw sya malapitan. I'm overseas, nasa pinas sya ngayon, at naghihintay ng papers nya ngayon para makapag-abroad. 4 months na syang bakasyon eh kaya walang income.
2 months ago nung nagbakasyon ako sa Pinas, sagot naman nya lahat ng lakad namin, kaya feeling ko naman hindi sya madamot pagdating sa money. Ngayon eh siguro ubos na savings nya dahil tagal na nyang bakasyon kaya nanghihiram na. Yun nga lang dahil sa ugali kong di naniningil, parang hesitant ako pautangin. So girls, ok lang ba sabihin ko na "utang to ha. hehe!" para bayaran ako? Or naisip ko, give him a small amount muna para kahit di nya ako pay eh di masyadong mabigat, ok kaya yun?