Hi mga sis. I'm not sure if I can join this topic or not. Ano ba ang tawag sa may anak pero kayo parin nung Dad nung bata pero hindi pa kayo married? I mean, I know live in pero single mom parin ako diba? Kasi hindi pako married?
Mag 3 years na kami ni BF, yung son namin 1 year and 6 months old na. We're ok naman, so I thought, but yesterday, I met with one of my old friends na single and no kid pa.. She asked me kung ano daw ba plano namin, ang sabi ko hindi pa kami pwede i-kasal and ayoko pa naman. Pero mga sis, if he'll ask me to marry him, I would say yes naman. After that talk with my friend, napaisip naman ako.
So I asked BF, out of the blue lang, "Sa tingin mo, kelan tayo ikakasal?" Wala syang nasagot. Medyo kakagising lang kasi nya nun and siguro aantok-antok pa. Pero I dunno, baka talagang hindi pa sya ready or wala pa sa plans nya yun. Pumunta ako agad sa CR at umiyak kasi I really felt bad. Ang dating kasi sakin, oo nga ok kami pero wala pa ba talaga sa plano nya ang kasal? We've talked about it before and yun nga, hindi pa daw pwede kasi may plans pa ang mom nya na nasa US for him, kukunin sya or something. Eh kaso hindi pa naman inuumpisahan ang process at by that time they start the process, gano pa katagal bago sya makaalis at gano pa katagal bago kami pwedeng kunin? Diba?
Ewan ko mga sis... Am I just wasting my time with this guy?