Sis jp_jameop, Aerogaz na 2-burner countertop stove lang ang pinalagay ko, black tempered glass sya na naka mount sa black granite.
I was thinking of white granite too kaya lang synthetic yung pure white. Bukod sa mas mahal sya,hindi din sya stain/scratch proof. Feeling ko high maintenance.
Btw, I changed my mind with the gray cabinets. Pina-repaint ko into white. So ngayon puti ang ceiling, cabinets and walls. Sa kitchen, pina-paint ko ng teal yung isang wall, including the area where I plan to put a tempered glass backsplash.
Hindi nako nagpa-interior kasi feeling ko masyadong mapapamahal. I just bought back issues of home design magazines. Tapos google ng google ng images ng modern white apartments. Ewan ko nga ba what got into me at pumayag akong gray ang cabinets as suggested by the painter. So yun nasayang yung ibang paint at nadoble ang bili pero at least back to original plan ako na white.